"Hey, are you okay? You seemed a little distracted," nangingiti pang puna niya.

Nagkamot ako ng ulo at ngumiwi. Nahahalata na pala niya. "Wala. Iniisip ko lang kung paano'ng ayos na naman ang gagawin ko," palusot ko pa.

"Kuh, talaga ba? Sure ka ba? Baka naman babae ang tinitingnan mo."

"Huh?" Napalunok ako at napatitig sa kanyang mukha.

How did she know?

"Ayun, o!" aniya sabay pasimpleng nguso sa saleslady na noon pala ay titig na titig sa akin.

Oh, fuck. Akala ko kung ano na...

"Well... Ganoon talaga kapag gwapo," nagyayabang na himig ko pa na nagpatawa naman sa kanya.

Naiiling lang siyang umirap at ngumiti. "Ang yabang, a."

Humalakhak lang ako at nagkamot ng ulo. Nahihiya akong malaman niya na kung mayroon man akong babaeng gustong tumingin sa akin ay walang iba kundi siya iyon.

At kung bakit ko naiisip ang ganitong mga bagay ngayon ay hindi ko rin alam. 

Pero agad din akong natigilan nang mamataan ang pamilyar na mga mukha. Nang masigurong kilala ko nga ang naglalakad palapit sa kinalalagyan namin ay banayad kong hinila si Eren sa medyo tagong lugar at nagkubli.

Gulat naman siyang tumitig sa akin at paanas na nagtanong.

"W-what are you doing?"

Sinenyasan ko siyang tumahimik at inginuso ang dalawang taong hindi naiiba sa amin.

Our exes.

"Whoa... I didn't expect this," bulong niya habang nakatitig din sa dalawa.

Hmm... Mukhang sila rin pala ang nagkatuluyan, ha?

"Matagal ka pa ba?" inis na tanong ni Christoff kay Lauren na namimili rin ng mga plato.

"Seriously? Hindi pa nga tayo nagtatagal dito, naiinip ka na agad?!" mataray na sagot naman ni Lauren dito.

Halos wala pa rin namang ipinagbago ang hitsura ni Lauren. Maganda pa rin siya at sexy kahit na medyo nag-mature nang kaunti ang mukha.

Si Christoff naman ay nag-mature lang din nang kaunti at medyo pumayat.

"Dapat kasi inutos mo na lang sa katulong n'yo 'yan. Pati ba naman ganyang bagay pagkaabalahan pa natin?" inis pang sabi ni Christoff dito.

Nang sumulyap ako kay Eren ay noon ko na lang natanto ang lapit namin sa isa't isa.

"I-I'm s-sorry..." bulong ko.

Pero sumenyas lang siyang tumahimik ako at inginuso ang dalawa. Sa totoo lang ay hindi ko magawang makapag-concentrate sa kinatatayuan namin lalo pa't amoy na amoy ko ang kanyang pabango. Dati ko naman siyang naamoy, pero hindi ko alam kung bakit iba na ang dating niyon sa akin sa aking sistema. 

This is not good, Thad.

"Ayaw mo ba no'n? Gumagawa ako ng paraan para magkasama tayong dalawa?"

Hindi naman na nagkomento si Christoff sa sagot na iyon ni Lauren, pero bakas ang iritasyon sa mukha. Halatang labag na labag sa loob ang ginagawa. Malaki nga talaga ang ipinagkaiba naming dalawa. Kahit pa nakaiinip ang ganoong gawain sa ibang lalaki, masaya naman ako noong mga panahong iyon dahil kasama ko siya.

"Bilisan mo! May gimik pa kami!" maktol ni Christoff.

Lalong sumimangot si Lauren sa sinabi nito. "What? Ipagpapalit mo ako sa mga barkada mo?" naghihinampo pang himig nito.

"Oh, come on. Puro ka na lang reklamo! Malayong-malayo ka talaga kay Eren!"

Agad akong napasulyap kay Eren para tingnan ang reaksyon nito. Pero sa nakikita ko ay parang hindi na siya apektado. 

"Really? Sa tingin mo hindi ka malayo kay Thad? Kumpara sa 'yo, mas nagbibigay ng effort 'yon para lang makita ako! E, ikaw? Kung kailan patago noon saka ka lang nagpupursige! Ngayong magkasama na tayo, binabalewala mo na ako!"

Si Eren naman ang sumulyap sa akin at ngumisi. "Affected ka?" nanunukso pang aniya.

Umiling ako. "No."

At iyon din naman ang totoo. Hindi na gaya dati ang nararamdaman ko para sa kanya. Nahirapan man ako sa paghihiwalay namin, alam ko pa ring iyong desisyon na 'yon ang nakabuti para sa akin. 

"At ikinumpara mo na naman ako sa gagong iyon!"

"Ikaw ang nauna!"

Inis na hinilamos ni Christoff ang kanyang mukha at padabog na nagmartsa palayo.

"Bahala ka nga sa buhay mo!" inis na sabi pa nito.

"Hey! Christoff!" Agad namang nakasunod si Lauren na sambakol na rin ang mukha.

Nang matiyak na nakaalis na ang aming mga exes ay saka na lang kami lumabas sa pinagtataguan namin ni Eren.

"Bakit ba tayo nagtago?" tanong pa niya habang medyo nakangiti.

"W-wala lang. Ayaw ko na lang din nang usapin."

"Mahal mo pa?" nanunukso pang aniya.

"What are you talking about?" naiiling na iwas ko pa.

"Sus. Aminin mo na kasi."

"What we had was all in the past already."

"Sure ka?"

"Yeah. E, ikaw? Sure ka bang wala ka ng feelings sa ex mo?" balik tanong ko.

Hindi ko alam, pero parang nandoon ang takot ko sa isasagot niya.

"Naku! Ayos na ako. Kay Lauren na lang siya," kaswal lang din namang sagot niya. Mukhang naka-move on na talaga.

Para naman akong nabunutan ng tinik sa sagot niyang iyon.

"Why are you smiling?"

"Ha?" Agad akong napalunok at napatitig lang sa kanyang mukha.

Ni hindi ko alam na ngumiti ako. "Did I?"

"Yeah. Na-miss mo ba ex-wife mo?" nanunukso pa ring himig niya.

Sa halip na sumagot ay nangingiti lang akong umiling-iling. Sa bigat nang nagawa niya sa akin, parang hindi ko na rin maalala ang magagandang alaala.

"Baka naman ikaw ang naka-miss sa ex-husband mo?"

Ngumiwi siya at umirap. "Not in a million," kumpiyansa pang sagot niya at kunwa'y dumambot ulit ng plato na iba ang design. "Bigla na naman yata akong naguluhan sa kukunin ko."

Hindi ko napigilan ang matawa. She's so cute!

"E, 'di kuhanin mo bawat designs."

She dramatically rolled her eyes. "Naiinip ka na rin ba?"

Umiling ako. "Nope. We can even spend a day here if you want," seryoso ko pang sabi habang nakikitingin na rin sa ibang plato.

"Ano'ng nakain mo?"

"Huh? What do you mean?"

"Kanina ka pa lumilitanya..." namumula pang aniya sabay nag-iwas ng tingin.

Ngumiwi ako at nagkamot ng ulo. Bigla akong nahiya. "E, w-wala naman... Iyon lang naman talaga ang nararamdaman ko. I just like being with you..."

Ngumuso lang siya at hindi na nagkomento. Kung anoman ang tumatakbo sa isip niya, umaasa akong parehas lang kami. 

HUSBAND AND WIFEWhere stories live. Discover now