Chapter 4

94 54 1
                                    

Tuwang-tuwa si Lolo Elmo at si Lola Tanya nang makita siya. Halos hindi siya pinakawalan ng mga ito sa mahigpit nilang mga yakap. Tila walang katapusang halik sa pisngi ang natanggap ni Cairo. Hindi niya alam kung maiiyak o matatawa nang makitang umiiyak ang mga ito. Hindi siya sanay sa mga gano’ng drama.

Gayunman ay ngumiting niyakap niya ang Lolo at Lola niya. Alam niyang missed na missed siya ng dalawa maging ang parents niya at si Mino. He remembered Mino again. Kahit sa grandparents sa side ng father niya ay si Mino pa rin ang paborito nila.

Hindi niya alam sa dalawang matandang kayakap niya. Hindi niya alam kung hinahanap ng dalawa ang presensiya ni Mino dahil si Mino ang palaging may komunikasyon kay Lolo Elmo at kay Lola Tanya.

Nang matapos ang emosyonal na yakapan ay inilabas na niya ang mga pasalubong niya sa dalawang matanda. Siyempre ay binigyan din niya si Aling Lisa—ang babaeng nagsasabing kaibigan daw ng Mommy niya at naghahatid sa kanya sa bahay ng Lolo’t Lola niya kanina.

Hindi rin makatakas sa mga mata ng Lolo’t Lola niya ang dating niyang artista. Wala na namang katapusang papuri ang naririnig niya kay Lolo Elmo, Lola Tanya at kay Aling Lisa. Nagpasalamat na lang siya.

“May asawa na ba ‘tong apo mo, manang Tanya?” tanong ni Aling Lisa.

Tumingin sa kanya ang Lola niya. “Ang ganyang mukha, Lisa, sa tingin mo walang nagmamay-ari? Malay natin ay sampu ang asawa ng apo ko!”

Hindi niya napigilan ang ngumiti nang marinig iyon sa kanyang Lola. “Naku Lola, hindi ‘yan totoo.” Nagkukunwaring protesta niya.

“Wag kang maniwala sa apo ko, Lisa, sapagkat si Cecilia mismo ang nagsabing maraming nobya si Cairo.”

Napailing na lamang si Cairo. Hindi niya alam kung binabanggit din ng Mommy niya sa kanyang grandparents ang tungkol sa mga bisyo niya. Possibly, given that his parents were able to publicly disclose how obstinate he was.

He was aware that his mother had told his grandparents why he was there. He observed that Lolo Elmo was fixated on him. Lolo Elmo appeared to be reading him. Malamang sa malamang ay mga nagawa na naman niyang mali ang nabanggit ng Mommy niya sa mga ito.

“Akala ko kanina, manang Tanya ay kasama ni Cairo ang mga magulang niya. Sabik naman akong makita muli si Cecilia.”

Napailing si Lolo Elmo. May kalungkutang nakaguhit sa buong mukha nito. “Hindi, Lisa. Alam mong nagtatampo si Cecilia sa amin noon.” Hindi nito inalis ang tingin kay Cairo.

Nagtatampo? Bakit naman nagtatampo ang Mommy niya sa magulang nito? Iyon ba ang rason kung bakit halos sampung taon nang hindi na pumunta roon ang parents niya? Sa cellphone lang kinakausap Mommy niya ang magulang nito at hindi rin makaligtaan ng Mommy niya ang monthly budget ng mga ito. Paanong nagtatampo?

Naalala niya ang nabanggit ni aling Lisa kanina. Kung hindi lang daw dahil sa masamang nangyari sa kanya noon. He was puzzled and curious. It was inconceivable for him to have experienced something negative ten years prior if he couldn’t even recall it.

Hindi niya alam kung ilang buwan ba ang pamamalagi ng parents niya sa Sitio na iyon noong sampung taon pa siya. Kung may natandaan man siya, iyon ay ang mga laro na nilalaro nila noon. Isa na ro’n ang Tagu-taguan. Even his former playmates were too far in the past for him to recall. What kind of thing might have gone wrong for him ten years ago?

Gusto niyang usisain iyon sa Lolo’t Lola niya pero pinigilan niya ang sarili. He excused himself and went out. Napakadilim sa labas. Walang kuryente sa Sekwel. Only flambeau can shine a light into each house. Houses there were constructed of kawayan, and kugon grass was used for the roofing. Iilan lang ang may bahay semento at isa na roon ang Lola at Lola niya.

The Forest DwellerWhere stories live. Discover now