Kinuha niya ang kamay ko at banayad akong hinila para tumayo. Tamad naman akong sumunod at humugot ng malalim na buntonghininga. Kahit pa umarte akong ayos lang ay hindi ko pa rin maiwasan ang mag-isip. Sana lang ay hindi na masundan pa ng ganitong pangyayari. Dahil sa totoo lang, hindi ko na rin alam kung magagawa ko bang magtimpi pa sa susunod.


Nang sumunod na araw ay bumawi naman si Lauren sa akin. Ito pa mismo ang dumalaw sa opisina at dinalhan ako ng pagkain. Kung anomang nakain niya ay hindi ko rin alam. Madalang naman niyang gawin ang ganitong bagay kung kaya medyo nakapaninibago. Pero siguro nga kahit na papaano ay nagi-guilty rin siya. Alam naman niya siguro kung saan siya nagkulang.

We decided to go home and spend the day cuddling each other. Sobrang na-miss ko ang alone time naming ito. Siguro nga ay mas magandang i-plano namin ang aming araw para hindi kami nawawalan ng oras sa isa't isa.

Matapos niyang magbanyo ay agad akong sumunod. Kahit pa halos wala naman kaming ginawa nang hapon ay hinihila pa rin kami ng antok. Mukhang gusto lang ding magbawi ng aming katawan sa pagod nitong nakakaraan.

Lalabas na lang sana ako nang mapatingin sa trash can. Bahagyang nakaawang iyon at nakalitaw ang nakataob na pantiliner. Hindi ko alam kung ano'ng puwersa ang humila sa akin at binuklat iyon. At ganoon na lang ang mangha ko nang makitang wala ni kapatak na dugo iyon.

Pakiwari ko ay nanginig ang aking buong katawan sa natuklasan. Hindi ko malaman ang dapat na isipin at kung ano'ng rason niya kung bakit siya nagsinungaling na may regla siya.

Ayaw na ba niya akong kasiping? Pero bakit? What have I done wrong?

Mariin akong pumikit at humugot ng malalim na buntonghininga. Kumuyom ako at nagluluhang tiningnan ang reflection ko sa salamin.

I tried so hard to be a good husband. Ginawa ko ang lahat para lang mapasaya siya. Saan pa ba ako nagkulang? Bakit kailangan niyang magsinungaling sa akin?

Naantala lang ang aking pag-iisip nang kumatok siya sa pinto ng banyo.

"Hon, are you okay? Ang tagal mo naman. Matulog na tayo."

"I-I'm okay, hon. Parang n-nasira kasi ang tiyan ko. Mauna ka nang matulog," pagsisinungaling ko.

Kahit pa gusto ko siyang komprontahin ay nandoon ang takot. Natatakot akong hindi ko magustuhan ang kanyang isasagot.

"Talaga ba? Sari-sari kasi ang kinain natin. Ako nga rin parang medyo masakit ang tiyan... Sinabayan pa ng regla ko kaya wala sa kundisyon ang katawan ko..."

I can't fucking believe this.

"O-oo nga... Ang dami nating kinain. Mauna ka nang matulog."

"Okay, hon. May gamot sa medicine cabinet just in case kailangan mo."

"O-okay..."

Kinagat ko ang aking labi at pinigilan na sundan pa ang mga salita. Wala akong maintindihan sa nangyayari.

Why did she lie? Wala na ba siyang gana sa akin? But why?

Sa dami ng mga tanong ay hindi ko matantiya kung gaano ako katagal na nagkulong sa banyo. Basta ang alam ko lang, paglabas ko ay mahimbing na ang tulog ni Lauren sa bed.


Nang magising ako kinabukasan ay walang-wala pa rin sa kundisyon ang aking isip at katawan. Parang sobrang napagod ako sa pag-iisip ng kung ano-ano.

Papasok na lang ako sa opisina nang mamataan si Eren na nagdidilig ng halaman pero parang wala sa sarili.

"Hey, good morning," pukaw ko pa sa atensyon niya.

Gulat naman siyang napatingin sa akin at mapaklang ngumiti. Mukhang ang dami rin niyang iniisip.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ko.

Marahan siyang tumango. "O-okay lang ako. Papasok ka na sa opisina?" aniya sa pinasiglang boses.

"Yeah. Umuwi ba ang asawa mo?"

"Y-yeah..."

She's lying. Siguro ay ayaw na lang niyang pag-usapan.

"Ang asawa mo?" tanong niya.

"Nauna nang umalis," mapakla kong sagot.

"I see..." tumatango pang aniya.

"C-can I ask you something?" lakas-loob kong tanong. Gusto ko lang ding mapanatag ang loob ko kahit na papaano.

"S-sige... Ano ba 'yon?"

"Would you lie about your monthly period if you're not in the mood to have sex with your husband?"

Gulat siyang tumitig sa akin na para bang hindi niya inaasahan ang ganoong tanong.

"Babae ka kasi... I just want to know..."

"She lied to you about her monthly period?" malungkot niyang tanong. Para bang kuhang-kuha na niya kung bakit ko naitanong iyon.

Marahan akong tumango. Sa tingin ko ay kay Eren ko lang kayang itanong ang ganoong nakahihiyang bagay.

"Are you okay?"

Malungkot akong umiling. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang dapat na isipin. Halos magdamag akong hindi nakatulog dahil sa pag-iisip. Kahit pa ano'ng justification ko ay hindi ko talaga magawang makumbinsi ang sarili ko.

"Baka naman wala lang talaga siya sa mood... At para 'wag ka lang ma-disappoint, nagsinungaling siya... Puwedeng ganoon..."

"Does she really have to go that far? I mean, puwede naman niyang sabihin sa akin ang totoo... She knew me better. Alam niyang hindi ko siya pupuwersahin sa kama kung ayaw niya."

Humugot siya ng malalim na buntonghininga at nag-isip. "Like I said, puwedeng ayaw ka lang niyang tanggihan nang direkta. Alam mo kaming mga babae, may mood swings din talaga. Wala lang sa mood iyon. Huwag mo na lang seryosohin," pampalubag loob niya.

"Kung ikaw ba siya? Would lie to me?"

Ilang saglit siyang natigilan sa tanong bago sumagot. "No... or y-yes? I don't know. Depende kasi kung ano'ng nararamdaman ko at that time."

Okay. That probably helps. Kahit papaano ay iba ang opinyon ng babae.

Mood swings. Maybe that's all there is. And, I have to think that way. 

I need to force myself to think that way. Dahil iyon ang mabuti para sa relasyon naming mag-asawa. Hindi makabubuti kung pag-isipan ko siya nang masama.

Bumuga ako ng hangin at tumango-tango. Siguro nga ay masyado na lang akong nag-iisip kung kaya lahat na lang nang napapansin ko ay binibigyan ko ng kulay.

"Huwag ka na mag-isip. Malay mo, pinaghahandaan ka lang kasi malapit na anniversary ninyo."

"You think so?"

Tumango siya. "Yeah. That's possible." Mapait pa siyang ngumiti. "You need to trust your wife. You knew that, right?"

Nagpakawala ako ng tipid na ngiti at tumango-tango. "Thank you..."

"You're welcome. Kumalma ka na, okay?"

"Ikaw rin. Sana okay ka lang."

Malungkot siyang tumango. Alam kong hindi madali ang pinagdadaanan niya, pero sana maayos pa rin nila ang pagsasama nila.

A good woman like her deserves everything.

She deserves a man who will love her with his everything.


HUSBAND AND WIFEWhere stories live. Discover now