"Tina! Bilisan mo na nga jan! Malalate tayo sa ginagawa mo eh!" Galit na sigaw nanaman ng nanay ko. Joke lang. Bestfriend ko yan si Jam
"Sandali lang kasi! Kasalanan ko bang malalate tayo? Sisihin mo alarm clock ko!" Sigaw ko pabalik sa kanya. Inirapan niya lang ako at sumakay na kami ng bus papunta sa school.
Pasukan na kasi sa school, eh kaso mukhang excited na siya pumasok kaya pati ako damay. Pero mukhang medyo malalate na nga kami. Medyo lang naman. OA lang talaga minsan tong kaibigan kong to.
Lumipat ako sa school niya. Childhood bestfriend ko kasi yan. Dahil magkumare ang mga nanay namin.
"SELENE CHRISTINA VELASCO! BILISAN MO NA!" galit na galit na nga siya. Tinawag niya na buong pangalan ko eh. Mamaya na kwentuhan. Galit na ang lola ko, baka magkapisikalan pa pag hindi ko binilisan ang kilos. Ayokong maghabulan nanaman kami ng walis at pandakot.
Pagkababa namin sa bus, naglakad pa kami ng ilang minuto at nakatapat na namin ang gate. Pagpasok palang namin ng gate, napanganga na ako sa laki at ganda ng university na ito.
Literal na nakanganga. Muntik pa ngang pasukan ng langaw ang bibig ko. Buti nataboy ni Jam bago pa makapasok.
"Wow! Ang laki naman ng school mo!" Sigaw ko sa kanya. Pagpasensiyahan. Ganyan talaga kami magusap. Nagsisigawan. Kaya ang ibang tao tuloy minsan. Este lagi, napapatingin sa amin pag kami ang magkasama. Tumawa lang siya at tumango.
Kinuha ko ang registration form ko sa bag, at ganun din si Jam. Umupo muna kami sa waiting area at pinagkumpara ang mga schedule at section namin. Napasalampak na lang ang mga balikat ko sa lungkot dahil halos dalawa o tatlong subject lang kami magkaklase. Magkakahiwa hiwalay pa ng oras. Kita kong ganun din si Jam, pero hindi niya na lang pinansin at hinila ako para ihatid sana sa classroom ko.
Kaso, may kumalabit sa balikat ko. Nilingon ko naman agad at mukhang mali ang paglingon ko.
Pusang gala! May lalaking nakapikit at hinahalikan ako. Sa sobrang gulat ko hindi na ako makagalaw. Para akong naestatwa, natuod ng wala sa oras dito mismo sa kinatatayuan ko.
Sino ba itong siraulo na to!? At bakit hinahalikan ako? Hala! First kiss ko nga pala to!
HINDI PA AKO HANDA IBIGAY KUNG KANINO ANG FIRST KISS KO! PARA LANG TO KAY G-DRAGON! SA KANYA LANG AT WALA NG IBA!
Huhuhu pano na to!? Di nako magugustuhan ni Jiyong ko! Bwisit tong si kuya! Kung sino man itong unggoy na to!
"Omg!" Dinig kong sigaw ni Jam pati ng ibang babae na nakakita sa amin.
Doon lang bumitaw ang lalaking yun sa paghalik sa akin. Kahit dampi lang ng labi ang ginawa niya, hinalikan pa din niya ako! Bastos! Walang modo! Siraulo! Takas sa mental!
"Welcome to Tuan University." Tumatawang sabi nung lalaking humalik sa akin habang may naglalarong pilyo at nangaasar na ngiti sa kanyang labi. Wow! Ang ganda ng ngiti! Sarap burahin sa pagmumukha niya!
Narinig kong suminghap ang mga tao sa paligid namin, at napansin kong halos tumigil at bumagal ang mundo ng lahat dahil sa ginawa ko. Wala akong pakielam kung sinuntok ko siya sa mukha. Kulang pa nga yan eh! kung hindi lang talaga ako gulat na gulat na gulat na gulat baka nailibing ko ng buhay itong siraulo na to!
"Pakyu! Sino ka para halikan ako!?" Sigaw ko sa takas sa mental na siraulong ito! Saglit kong tinignan si Jam na halatang kinakabahan sa mga nangyayari, pero ganun pa man hindi niya magawang lumapit. Tumawa yung lalaki na nakapagpabalik ng atensiyon ko sa kanya. Isa't kalahating siraulo talaga to! Bakit sila nagpapapasok ng takas sa mental?
"Easy honey. I'm just giving you a welcome kiss." sabi niya sabay kindat. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng itsura nitong lalaking ito. Dahil mas natitignan ko siya ng ayos, napansin kong may band aid siya sa pisngi at sa kaliwang mata. May pasa naman sa kanan. Nako mukhang basagulero pa tong lalaking to. Ayoko pa naman sa ganun.
Naka black slacks siya tulad ng isang ordinaryong estudyante ang pinagkaiba niya lang sa iba, ang isang to ay hindi naka tuck in ang puting polo nito at nakabukas ang unang dalawang butones. Hindi rin maayos ang pagkakasuot ng neck tie niyang pula kagaya ng suot ko sa uniporme ko.
Matangkad siya at maganda ang pangangatawan. Alaga ba yan sa gym o sa pakikipagbasagan ng ulo? Maputi din siya at napakatangos ng ilong niya. Sarap din basagin ng ilong na yun! Nakakagigil
"Wala akong pakielam! Bastos ka! Takas sa mental! " Sigaw ko sa kanya saka tumalikod na. Siraulo talaga yun! Nanggigigil ako sa ginawa niya! Naramdaman kong hinabol ako ni Jam sa paglalakad ng mabilis palayo sa siraulo na yun!
"Nako sorry Tina, nalaman atang bagong salta ka kaya ikaw ang napagtripan. Si Mark Tuan yun, siya ang anak ng may ari nitong university. Kilala din bilang bad boy dito sa lugar na ito." Sabi ni Jam habang naglalakad kami paakyat ng hagdan sa classroom ko. Iisang floot lang ang klase namin ngayon kaso mamaya magkakahiwalay nanaman kami.
"Jam, wala akong pake sa kanya. Walanghiya siya. Takas sa mental! Teka ano? BADBOY?" Tanong ko at napatampal sa noo. Kakalipat ko palang pero parang nilalapitan na ako ng kamalasan. Sa dinami dami ng makakasagupa ko sa unang araw ko dito, isang bad boy pa. Pinaka ayaw kong tao sa balat ng lupa. Walang modo, walang pakielam sa nararamdaman ng iba, matindi sa bisyo, at walang habas na nakikipag basagan ng ulo.
"Tara na nga! Highblood ka nanaman eh! Masama ka pa naman galitin. Pati si kamatayan matatakot. Tsk!" Sabi niya at hinila na ako sa gitnang classroom. Panigurado ito na ang classroom ko. Pinapasok niya na ako sa loob, kinawayan ko siya bago umalis.
Nakakaiyak na nakakainis. Dapat pala hindi lang suntok ang ginawa ko sa kanya. Humanda ka sa akin Mark Tuan ka! May araw ka din sa akin!
YOU ARE READING
The Bad Boy
Fanfictionmagkakagusto kaya ako sa lalaking kinaiinisan ko simula nung makilala ko siya... magkakagusto ba ko? lalo na't alam kong isa siyang BADBOY? badboy na walang pake sa feelings ng iba. badboy na grabe magtaray, magmura, manakit, makipagbasagan ng ulo...
