Randomantic

1.1K 50 10
                                    

Maloi is on her way out to school along with some of her choirmates. She bid goodbye to them once they reached the gate. "Una na ako guys, ingat kayo babush!" sabi nito at kumaway sa kanila. Every friday silang may choir practice after class, that's why late silang nakakalabas compared sa ibang students. "Bye ate Maloi, mag-iingat ka rin ha. Wala ka pa namang kasabay ngay-" nainterrupt ang pagpapaalam ni Jhoanna, isa sa ka-close niya sa choir, nang biglang may pamilyar na boses na bumungad sa kanilang likuran.

"Anong wala? Meron kaya." Gulat na napalingon sa pinanggalingan ng boses si Maloi.

"Colet! Bakit hindi ka pa umuuwi!?" Maloi asked to her childhood bestfriend who seem to be enjoying eating kwek-kwek at squidballs.

"Ayun naman pala, sana ol may taga-hintay, una na kami lovebirds" Pang-aasar ng isa pa nilang ka-choir na si Stacey, na siyang tinawanan nilang lahat except na lang si Maloi na sinamaan siya ng tingin. "Lovebirds ka diyan? May araw ka rin sa akin Stacey!" habol na sigaw nito sa papalayo niyang mga kaibigan.

Maloi noticed Colet laughing beside her kaya naman binatukan niya ito. "Anong tinatawa mo diyan? Halika na nga, lumulubog na ang araw at baka abutan pa tayo ng dilim."

"Napakasadista talaga nito, siya na nga 'tong hinintay eh. Wala kang modo!" Colet dramatically jokes.

"Sinabi ko bang hintayin mo ako ha? Desisyon mo yan, panindigan mo." Pagtataray nito sa isa.

"Sabi ko nga, ito naman hindi mabiro."

---------------------------------------------------------

Maloi and Colet basically grew up together. Their house is just next to each other and their parents are even close friends since then. Every day sabay sila sa pagpasok at pag-uwi galing school, but it changed when Maloi joined the school's choral dahil every Friday mas maaga ang uwian ni Colet sa kanya.

"So bakit nga hindi ka pa umuwi?" Tanong ulit ni Maloi kay Colet, habang kinakain ang binigay na squidballs ni Colet.

"May binili lang diyan sa tabi-tabi para sa project. Tapos napansin kong malapit na rin yung uwian mo nung time na natapos akong mamili, napag-isipan kong bumalik dito at magfoodtrip habang hinihintay ka."

Maloi pouted upon hearing her reasons "Akala ko naman namiss mo lang akong kasabay pauwi tuwing Friday."

"Feelingera ka rin ano, yun na nga lang yung time na hindi kita nakakasama, mamimiss pa kita?" Natatawang sabi ni Colet sa kaibigan na katatapos lang kumain at nagtatapon ng pinagkainan sa malapit na basura.

"Ah ganon? Wag mo akong kakausapin." Pagkukunwaring tampo ni Maloi at binilisan ang paglakad palayo kay Colet.

"Oi wait lang!" Colet run towards her at sakto namang paglapit nito kay Maloi, nakarinig siya ng pag-aray dahil natapilok ang kanyang kaibigan. Nakahinga ng maluwag ito ng nakaabot siya at mapigilan ang pagbagsak ni Maloi paharap.

Dahil sa kaba hindi napansin ni Maloi na nahawakan ni Colet ang kanyang bag sa likod upang pigilan siyang bumagsak, with eyes-closed, Maloi prayed quickly and quietly to herself "Lord wag yung mukha ko please, ganda na lang ambag ko ipapagkait mo pa ba iyon?"

Or so she thought...

"Tapos ka na ba magdasal diyan? Ganda pala ambag, sure ka diyan? Saan banda?" Hagalpak ng tawa nung isa kaya napabalikwas at umayos ng tayo si Maloi.

"Gago ka narinig mo pala iyon"

"Para kang timang" Hagalpak na tawa ni Colet dito kaya pinaghahampas siya ni Maloi. Ngunit matapos gawin iyon ni Maloi, napangiwi siya at nakaramdan ng kirot sa isang paa niya.

RandomanticWhere stories live. Discover now