"Hello," tipid kong tugon. 

"You're engaged after this day," he then spoke. Natahimik naman ako sa sinabi niya at dahan-dahan akong tumango. He's right, fiance ko na si Grant. Magsasalita na sana siya nang biglang may nagsalita mula sa likod niya.

"Threscia, it's time," his baritone voice filled my ears. Lumingon si Foster at ako naman ay lumabas. Paglabas ko ay sumalubong sa akin ang blankong tingin ni Grant. Napalunok naman ako at hindi ko maiwasan ang hindi mamangha sa kagwapuhan niya.

I then realized that the color of his suit matches mine. Sumulyap ako kay Foster na nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kaniya bago lumapit kay Grant. 

He offered his arms for me and I accepted it. Agad kong pinalupot ang kamay ko sa braso niya at tumingin kay Foster na tahimik lang nakamasid sa aming dalawa. 

Nilipat ko naman kay Grant ang tingin ko at nanatili lang ang tingin niya kay Foster na para bang nakikipagtagisan ng tingin. Napadako ang tingin ko kay Foster. 

"You're lucky to have someone like her, Yuan," maya-maya ay nagsalita na si Foster. Kumabog naman ang dibdib ko sa narinig. Napansin ko rin na parang kilala na nila ang isa't isa. Sabagay, parehas sila ng sports at natitiyak kong nagharap na sila noon sa isang laro. 

"I'm indeed lucky, Castañeda. You should distance yourself from my fiancee starting from now own," parang nabingi naman ako nang marinig ko iyon mula sa kaniya at hindi makapaniwala sa sinabi niya. 

Kapagkuwa'y sumulyap ako Grant na mukhang hindi nagbibiro sa sinabi. Totoo ba ang narinig ko? Tinawag niya akong fiancee at swerte raw siya na magkaroon ng isang katulad ko?

"It's not for you to decide, Yuan. You're now calling her your fiancee, huh?" Foster mockingly reacted making my gaze shift to his place. I noticed that there's a playful smirk formed on his lips. It seems like he's teasing Grant.

"Stop playing with girls, Yuan. Alam ng lahat na girlfriend mo si Bethany kaya huwag mo akong pipigilan sa gagawin ko," he continued and then he shifted his gaze toward me. Kung gano'n ay hindi lang pala sa Hearthstone nagkalat ang balita tungkol sa relasyon nila. 

Speaking of Bethany, I wonder what happened between them last night. Gusto ko rin malaman kuing paano napapayag si Grant pero sa totoo lang, sapat na sa akin ang sumipot siya sa araw na ito. 

"See you tomorrow, Threscia," nakangiti niyang ani. Tumango lang ako at ngumiti rin sa kaniya. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makapasok ito sa elevator. Bumuntong-hininga ako at napatingin kay Grant. 

Maya-maya ay tumingin din si Grant sa akin. 

"What tomorrow?" Kunot-noo nitong tanong sa akin. Ayaw kong mag-assume pero, nagseselos ba siya? O baka concern lang sa akin? Ay ewan, bahala siya. Ang gulo niya. 

Pero feeling ko, nagseselos siya. Just kidding, alam ko naman sa sarili ko na walang gusto sa akin si Grant kaya imposible na magselos siya. 

"Last night, he saved me from perverts and gave his jacket to me because it's cold. Ibabalik ko lang bukas sa kaniya 'yong jacket niya," I explained. Hindi ko alam kung bakit parang may ginawa akong mali dahil nag-explain ako. 

Kalaunan ay narinig kong bumuntong-hininga siya. 

"Let's go," he spoke instead, ignoring my explanation. Tumango lang ako sa kaniya at sabay naming tinungo ang elevator. Nang makasakay kami ay bigla kong naalala ang nangyari kanina. I bit my lower lip and took a quick glance at Grant. 

"You know Foster?" Kuryoso kong tanong. He just nodded without looking at me. 

"Yeah, he's our rival. I met him last 2019 when we compete with them," aniya na ikinatango ko lang. Tama nga ang hinuha ko kanina. Nang masagot na ang tanong ko ay hindi na ako nagtanong pa. 

HIS #2: Availing The Odds (COMPLETED)Where stories live. Discover now