Tumingin ako sa harap pero napunta ang tingin ko kay Darlene na nakapalumbaba at diretsong nakatingin sa Teacher. Her forehead creased, getting confused about the lesson.

"Bro, baka matunaw..." Rafael laughed.

I heard some laughter behind me. I looked at them, glaring. Mas lalo silang natawa. Hindi ko sila pinansin at ginawa nalang ang activity. Umingay naman ang lahat nang lumabas ang Teacher, tsk, they are trying to copy Finn's answer.

"Change her answer," utos ko kay Finn para palitan ang sagot ni Darlene.

"Tama naman ang sagot niya sa one hanggang five pero sa six to ten hindi niya pa nasasagot," Dice said, looking at Darlene's paper.

"Then write down the answers," I said.

Ginawa naman ni Dice ang sinabi ko. Ang pangit ng sulat ni Darlene parang hindi babae kaya ginaya ni Dice ang sulat niya kahit mahirap.

Tumingin ulit ako kay Darlene at saktong lumingon din siya sa akin kaya saktong nag-tama rin ang paningin namin. I winked then smirked. Napatigil siya. Her cheeks blushed as she turned her head away.

"Tangina nito." She cussed. "Gago, ampota." Hawak niya ang pisngi niya.

I chuckled.

"Hala... tumatawa ka na mag-isa..." Rafael laughed at me.

"Bakit namumula ang mukha mo?" si Arvin, nakatingin kay Darlene.

Darlene shook her head. "Wala! Allergic kasi ako sa gago."

"Hoy, Cervantes! Lumayo ka! Allergic si Dolly sa gago!" Gael shouted.

Dumiretso ang paningin ni Darlene kay Gael. "Hoy! Sinong Dolly ang tinutukoy mo?!" Salubong na ang kilay niya ngayon.

"I-Ikaw," mahinang sagot ni Gael.

Darlene looked straight at me. "Pakana mo na naman 'to 'no?"

My jaw dropped. "What?! I'm not!" Tangina, nadamay ako! Anong kinalaman ko tungkol diyan? "It wasn't me. It was Gael who called you a dolly because you like a doll."

Hindi naman kasi talaga ako! Bakit ba tuwing may ginagawang krimen ang mga 'to, ako ang nasisisi? I'm innocent.

Dash laughed. "Ang init ng mata ni Darlene sa 'yo." He pointed me.

"Sinasabi ko sa 'yo... lilipad 'tong gunting sa 'yo." What... Why me? It wasn't me!

Napailing nalang ako habang iniisip na nadamay na naman ako. When lunch came, everyone decided to eat outside again. I'm planning to take Darlene too, but I guess she's waiting for someone. At tama nga ako, may hinihintay siya.

Umalis na ako dahil baka mabato ako ng upuan, gawain niya 'yon. Ang mangbato ng upuan. Halos sira na ang lahat ng silya rito dahil sa batuhan na ginawa namin kanina. Sinundan naman ako nina Harvey.

"Pustahan inosente 'yon!" Finn smirked. "Pustahan tayong lahat. Ano?"

"Ulol. Pati 'yon ginagawang mong pangpusta." Dash rolled his eyes.

"Ang KJ mo naman, Torres."

Tss, ang arte ni Dash. Pumusta rin naman pala.

"Pusta ko hindi 'yon inosente." Gael said.

"Ginagaya mo pa 'yon sa bunganga mo." Sabat ni Mavis.

"Ikaw, Nix? Magkano pusta mo?" Harris asked me.

"Nothing," I simply said.

"Ay, KJ rin!"

"Huwag niyo nga akong idamay." Sumandal ako sa poste na nasa likod ko.

TGIWS: Phoenix Ryler Velasquez's POV (Completed)Where stories live. Discover now