Chapter Seven

351 21 3
                                    

Buong gabi din na nasa kanya ang atensyon ng lahat. All eyes turn as she walk, as she speak and even as she so much as smile. Hindi na din niya mabilang kung ilan na sa mga kaibigan ng mommy niya ang nagpahiwatig ng kagustuhang maging future daughter-in-law siya.

"Minsan ay dalhin ninyo ni Alejandro si Sesha sa bagong bukas naming restaurant sa BGC, Paulina. I think she'll love the dishes that my son makes. Do you like italian food, hija?"

"Yes, tita. Italian food is one of my favorites. We'll surely go to your place one of these days."

"That's great! Nang makilala mo din ang aking unico hijo. He's around your age. He's already helping me run the business. Paniguradong magkakasundo kayong dalawa."

Muntik ng tumabingi ang ngiti niya sa tinuran ng ginang. Mabuti na lamang at napigilan niya ang sarili.

"Ganoon po ba?"

"Why don't we arrange for a simple get together para ng sa ganoon ay magkakila-kilala naman ang ating mga anak, Paulina? Why don't we do it sa Country Club? I heard you play golf din, Sesha? I'm sure makakasundo mo ang unico hijo ko."

"I don't go there as much as before, tita. Busy po ako sa studies ko ngayon eh."

"What a good girl. Manang mana talaga sa iyo, Paulina."

Her mother smirked. "Of course! Kanino pa ba magmamana ang unica hija ko kung hindi sa akin? She's a straight A student. Maliban doon ay president din ng Student Council. My daughter never fails to make us proud." She boasted proudly.

Isang pilit na pilit na ngiti na lang ang pinakawalan niya.

"Malapit ng mag-college si Sesha. Any university in mind, hija?"

All eyes turned to her as they waited for her response.

"Ahm... I'm thinking about enrolling in one of the Universities here in Metro Manila, tita.  Right now I'm considering Ateneo de Manila."

"Oh..."

Hindi nakaligtas sa kanya ang pagkabura ng ngiti ng ginang.

"Don't you want to go abroad to study, hija? Ateneo is good but an Ivy League School abroad is a much better choice."

"That's right, Sesha. Besides, it's a great opportunity. Why miss it if you can afford it naman di ba? I'm sure your parents wouldn't have any problem putting you in Yale or Princeton."

"Or even Harvard! What do you think, Paulina?"

Pakiramdam niya ay pumitik ang sentido niya sa sunod sunod na suhestiyon ng mga ito. Their voices are making her head throb!

"Kung ano ang gusto ng anak ko ay nakasuporta kami ng daddy niya sa kanya."

Awtomatiko ang ngiting sumilay sa kanyang mga labi.

"Hi, Sesha. Hi tita, Pau." Si Erlind na biglang tumabi sa kanya. "Hi po." Bati naman nito sa mga ginang.

"Oh hi, Erlind. Enjoying the night?" Tanong naman ng mommy niya.

"Yes, tita. Bale hihiramin po sana namin si Sesha. I-re-retouch lang po namin ang make-up niya."

"Of course. You go ahead, anak."

"I'll see you later, mom." Matapos magpaalam sa mga kaibigan nito ay nagpahila na siya kay Erlind.

Ng makalayo ay isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya.

"Good thing I got to you on time. Those mommas are hounding you, Sesha. God! Kulang na lang iregalo nila sa iyo ang mga anak nilang lalaki." Bungisngis nito.

The Minxes Series Book One: Asking for the MoonWhere stories live. Discover now