Magalang Ka Pinoy!

2.4K 5 3
                                    

Magalang Ka Pinoy!

          Magalang ang mga Pilipino. Ito’y likas na katangian ng lahi. Ipinagmamalaki at hinahangaan ang pagiging magalang ng mga Pilipino. Ipinapakita sa iba’t-ibang paraan ang pagiging magalang nating mga Pilipino.

          Sa ating pagsasalita, gumagamit tayo ng mga magagalang na salita tulad ng po, opo, ho, at oho. May mga pantawag din tayo sa mga matatanda tulad ng lolo, lola, ampo, impo, inang, at tatang. Ang mga nakakatandang kapatid ay tinatawag natin ng kuya, ate, diko, ditse, sanko, o sanse.

          Isa ring kaugalian at tanda ng paggalang ang pagbati ng “Magandang umaga po” o “Magandang gabi po” sa tuwing makakasalubong ang isang nakakatandang kakilala o taong nakatataas.

          Ang mga nakababatang kasapi ng mag-anak ay nagmamano sa matatanda tuwing orasyon, pagdating sa bahay, o kapag galing sa pagsisimba.

          Magiliw din kung makitungo tayong mga Filipino sa mga bisita. Ipinaghahanda ng anumang makakain ang sinumang panauhin na dumarating sa tahanan maging kababayan man o mga dayuhan.

          Kapansin-pansin din sa ating mga Filipino ang pagiging relihiyoso, pagtanaw ng utang na loob sa ibang tao, katapatan, at kababaang- loob.

          Ang mga likas na katangian nating mga Filipino ay makabubuti kung nagagamit natin sa wastong paraan. Nakatutulong ito sa pagkakaroon ng pagkakaisa at kaunlaran sa bansa. Ngunit kung labis at hindi wasto ang paggamit ng mga katangiang ito, nagiging dahilan ito ng pagkakaroon ng pagkakawatak-watak at paglalamangan na sumisira sa pag-unlad ng bansa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 07, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Magalang Ka Pinoy!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon