Saka naalala ko yung kagabi...

**Flashbacks**

"Guys, utangin ko muna sahod nyo." Sabi ni Ros habang nandito kami sa Mall.

Nag-yaya siya na pumunta dito kasi may bibilhin na pan-regalo raw kay Elizabeth tapos wala palang dalang pera? Uutangin pa sahod namin para mabili lang yung bibilhin niyang panregalo. First sahod namin, first kayod namin ito. Ngayon lang kami nagtrabaho na hindi sa pagko-computer galing yung pera na hawak namin.

"Eh?" Sabay turan naming apat.

"Please? Sa linggo, sahod ko naman. Promise, babayaran ko kayo." Nakangiting parang mambubudol na sabi pa ni Ros halos hakbayan pa si Jero at John.

"Ano ba bibilhin mong regalo kay Elizabeth?" Tanong ko.

Mabilis na pumasok ito sa isang store na mga accessories. Mabilis na sumunod kami dito habang nahinto ito sa isang mamahaling kwintas na naka-display.

"This." Sabi nito sabay turo.

Sabay-sabay nilapit ang ulo namin para makita ang price ng kwintas. Nanlaki naman ang aming mga mata.

"Ah?! 10,000?!!" Bulalas namin. Sabay-sabay na napatingin kami ni Ros.

Nakangiti ito ng malaki sa amin. Saka ko na-realize na sakto lang sahod namin sa bibilhin niyang kwintas para kay Elizabeth.

**End of Flashbacks**

"Saan na?" Tanong pa rin ni Mama at nakalapat na ang kamay nito na tila hinihingi nito ang sahod ko.

"Ma ka-kasi---"

"Anong kasi?" Napakunot-noo na tanong nito.

"Wala na kasi---Aray!" Mabilis naman ako nito binatukan sa ulo.

"Anak ng! Pinag-kompyuter mo na naman ba?!" Lumabas yung mala-tigreng si Mama halos napatayo ito sa kinauupuan at nasa mga baywang ang mga kamay nito na tila sisimulan na naman ako sermunan.

Sapo-sapo ang ulo na sumagot ako."Ma, hindi. Pinautang ko muna sa kaibigan ko---aray!" Nakatanggap na naman ulit ako ng batok.

"Bakit mo pinautang?! Alam mo bang may pamahiin?! Anak ng! Bawiin mo yun!"

"Ma, babayaran naman niya---aray!" Nakatanggap na naman ako ng batok."Mama naman! Nakaka-tatlo kana?"

"Umalis-alis ka dito! Akala ko matutulungan mo na ko sa bayarin sa bahay." Pagpapalayas nito sa akin.

"Ma, kakain muna ako saka ako lalakwatsya." Parang bata na tanggi ko.

"Walang kakain! Bawiin mo yung sahod mo!" Galit na sabi nito.

Tinulak ako nito paalis sa kusina. Oo nga pala, dahil di ko pinatuloy pag-aaral ko, tatlong taon akong tambay. Tapos puro kompyuter lang, saka uuwi pag kakain. Kaya inis na inis ngayon sakin si Mama. Akala niya may silbi na rin ako. Naku!

"Wag kang babalik dito pag di mo nadadala ang sahod mo!" Sigaw ni mama habang nasa loob ito ng kusina.

Kakamot-kamot sa ulo na binuksan ko ang pinto para lumabas. Saan ako pupunta ngayon? Pag sinabi ni mama, seryoso yan. Kainis naman! Bakit ko pa pinautang kay Ros. Kawawa tuloy ako ngayon.

Saan ako pupunta ngayon?

THIRD PERSON POV:)

"Sigurado ka bang ayaw mo sumama sa akin sa UPhone?" Tanong ni Mr. Kailes kay Ros pagkaharap sa kanya.

Pasakay na ito ng kotse para pumunta ng Uphone. Nandito sila sa labas ng kompanya ni Mr. Kailes. Hinahatid lang niya ito pasakay papunta roon.

Tumango si Ros bilang sagot dito."Kailangan ko munang maalala ang lahat bago ako magpakita sa mga taong nakakakilala sa akin doon. Hindi ko alam kung sino ang kakampi ko o kalaban ko sa kanila." Seryosong pahayag niya.

Book 1: Mr. Billionaire, Don't English Me [COMPLETED]Where stories live. Discover now