Hinila na ako ni Tita palabas sa Bristo at dinala niya ako sa parking lot. Siguro ay ayaw niya ng eskandalo sa loob lalo na't public figure din siya dahil sa senador ang asawa niya.

Tahimik lang naman akong nagpahihila sa kaniya. Nang makarating kami roon ay humarap siya sa akin at nagsalita. Lalo namang bumili ang tibok ng puso.  

"My dear, alam mo ba ang tungkol dito?" Napalunok naman ako nang tinanong ni Tita iyon sa akin. Sumulyap ako saglit sa loob ng Bristo at napansin ko naman na kinakausap ni Grant si Bethany. Kumabog naman ang dibdib ko kaya binalik ko ang tingin ko kay Tita.

Napatitig ako sa mukha niya at nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. Huminga ako ng malalim at dahan-dahang tumango sa kaniya. Napabitaw naman ito sa hawak ko at napaatras. 

I pursed my lower lip as I play with my fingers. 

"Y... You already know but you didn't tell me about it?" Her voice raised because of it as her expression hardened. I forced my smile and bite my lower lip. 

"I... I can't believe this. E... Even you. You lied to me. Kung hindi ko pa sila mahuhuli ay sinisikreto mo pa rin hanggang sa hindi ko malalaman ang tungkol dito, Threscia. Kaya ba ayaw mong kumain dito dahil sa kanila? Kailan mo pa nalaman ang tungkol sa relasyon nila?" 

My smile faded because of it. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng guilty dahil dito.

"It was three months ago, Tita. Nalaman ko po ito noon dahil nagkalat sa university ang balita tungkol sa panliligaw po ni Grant kay Bethany, Tita. H... Hindi ko po agad ito sinabi sa inyo dahil ayaw ko pong makialam. I'm sorry, Tita," mahina kong tugon ngunit sapat na iyon para marinig niya. 

Nagsasabi lang naman ako ng totoo kaya sana ay hindi magalit si Tita sa akin.

"You must be kidding me, iha. Call your driver to accompany you. I need to be alone," iyon na lamang ang naisambit nito at binuksan na ng chauffeur niya ang pinto ng kotse. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makapasok ito sa backseat.

Sinara na ng chauffeur ang pinto at yumuko ito saglit sa akin bago pumasok sa driver's seat. Bumuntong-hininga ako nang makalayo na sila. Mukhang kailangan kong suyuin si Tita. I mean, ayaw ko lang naman makialam sa kanila.

I love Grant that's why I respect him. I then heaved a deep breath as I unlocked my phone and immediately dialed Kuya Lars' contact number. 

"Kuya, pasundo po rito sa The Savory Bristo, thank you," ani ko.

"Noted, my lady."

Pagkatapos n'on ay tinapos ko na ang tawag. Hahakbang na sana ako ngunit napatigil ako nang sumalubong sa akin ang pamilyar na bulto. Iniangat ko ang ulo ko at sumalubong sa akin ang malamig na tingin ni Grant.

Napansin ko naman na hindi na niya kasama si Bethany. I wonder where did Bethany go.

"You told her about us, don't you? Are you that desperate to split us--" I didn't let him finish his sentence when a loud smack welcomed his right cheek because of my slap making his neck jerks on the side.

Ramdam ko na masakit iyon dahil sumakit ang palad ko dahil dito at parang namanhid ito. Hindi ko alam kung bakit ko siya sinampal, kusa kasing gumalaw ang kamay ko dahil sa sinabi niya. I mean, sumosobra na kasi siya sa pagbibintang.

Nang magtama ang mga mata namin ay sinamaan ko siya ng tingin kahit nanunubig na ang mga mata ko. Nilakasan ko ang loob ko bago ko ibinuka ang bunganga ko para magsalita. 

"I won't stoop that low, Grant. I had a moral standard to do something unpleasant and it's not my fault that Tita caught you both. Mabuti nga at nahuli na kayo dahil hindi ko rin nanaisin na magtatagal pa ang relasyon ninyo," malamig kong sambit at naiyukom ko ang mga kamao pagkasabi ko. 

HIS #2: Availing The Odds (COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum