"HAPPY BIRTHDAY SELF" bati ko sa sarili habang nakahiga
Hindi ko alam kong bakit ako naiiyak siguro dahil ngayon ko lang binati ang sarili ko ny happy birthday haha hindi naman kasi ako sanay batiin ang sarili ko ng happy birthday
7:50 am
Nagising ako dahil sa ingay ng aking mother. Dahil ginigising niya na namn si ate para mag trabaho dahil malelate na ito. Kaya na tulog na lang ako ulit.
8:30 am
"Huyy gising na may meeting daw kayo" nagising ako dahil sa sinabi ni ate
"Oo na" sabi ko sa kanya
Kaya kinuha ko yung aking cellphone para tignan kong meron ngang meeting
Ngunit wala naman kaming meeting, baka sa parents yun kaya pinuntahan ko si mama
"Sa gc daw naman ng parents yung link ng meeting nyo" saad ko sa aking mother
"Wag na nga wala ka namang award" saad sa akin nito
Napangiti na lang ako, dahil sanay naman ako sa mga ganun, kaya bakit pa ako masasaktan
Pag katapos sabihin yun ni mama ay agad na ako nag tungo sa aking kwarto para matulog ulit dahil parang ayaw pa ng aking katawan na bumangon
10:40 am
So hindi na ako nag expect pa nang kung anong meron ngayon. Dahil parang wala namang okasyon ngayon. Binati ko naman na ang aking sarili sapat na siguro yun.
Kinuha ko ang aking tablet at nag laro na lang para malibang ko ang aking sarili.
12:30 pm
"Ohhh kain na" tawag sa amin ni papa
Kaya agad naman kaming pumunta sa kusina para maghugas ng kamay at para kumain na rin
"HAPPY BIRTHDAY " Sigaw ng bunso kong kapatid at sumunod naman si papa "HAPPY BIRTHDAY" ngumiti lang ako sa kanila dahil hindi ko naman ugali mag salita pag kasama sila.
3:00 pm
Sabi ni mama mag milktea at burger na lang daw kami. Naiintindihan ko naman yung kung bakit. Dahil busy sila, si mama at papa may trabaho pati na rin si ate so kami lang ng bunso kong kapatid dito. Ayos lang naman saakin kung hindi na mag handa dahil okay na ako na kasama sila at wala silang sakit dahil mahal na mahal ko sila
"Wait lang te ha" saad sa aking ng aking bunsong kapatid na si Dinsha
"Okay" sagot ko naman sa kanya
At agad naman itong bumaba
Kaya nanonood na lang ako ng Tv dahil wala naman akong ibang gagawin, dahil mamay pa naman ako mag lilinis
Ilang minuto lang ay may narinig akong umaakyat
"Te?!" Sigaw ni Dinsha "ohhhh?!" Pasigaw naman na tanong ko sa kanya at pinag buksan siya ng pinto at nakito kong may hawak itok plastik na may lamang milktea at burger kaya tinulongan ko siya agad dahil mukhang pagod na pagod siya kahit dyan lang naman siya sa baba pumunta
Pag katapos naman nun ay agad na naming kinain ang nasa loob ng plastik na nag lalaman ng burger at milk tea
"HAPPY BIRTHDAY AGAIN TE" bati niya sa akin ulit nginitian ko nalang ito at nag usap kami at nag tawanan
FAST-FORWARD
Natapos ang BIRTHDAY ko na ayun lang ang nangyari nag tawanan at nag kuwentuhan lang kami ni Dinsha ayun lamang ang nangyari buong araw hanggang sa mag gabi na at ayun oras na naman para matulog haha so ayun na nga dito na nag tatapos ang kwento ko
Salamat nga pala sa kapatid ko at sa papa ko na bumati sakin ng happy birthday
In this is my story on my birthday celebrating my anniversary of my birth thank you for reading my story..
Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.
Dinsha Gail Zeina Morgan ( keia's youngest sister )
Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.
Kia loxie shine morgan (keia's older sister )
Author's Note:
I hope you like my work, I am just a new writer so I hope you will support me and the stories I will make.