All the money that he used was taken from his allowance. It only meant that the money that was supposed to be for his own spending was given all to her.

Hindi rin nito nakakalimutan ang monthsary nila habang siya ay ilang ulit ng hindi ito nababati. There was even a time that Yohan waited for her for 4 hours. May date dapat sila at napag-usapan na nila na magkikita sila sa isang restaurant pero nakalimutan niya iyon at sumama sa kaniyang mga classmate para kumain ng balot at isaw. Syempre nagkaaway sila ng mga panahon na iyon pero hindi rin siya tiniis ni Yohan at siya ang unang kinausap. 

Napadungo na lamang siya at agad namang nakuha ang kaniyang atensyon ng kumikinang na singsing sa kaniyang daliri. 

Noong 1st anniversary nila bilang couple ay sinopresa siya ni Yohan. It was a date to be remembered with all the fireworks and petal of roses and stuff. Ginaya pala ng lalake ang isa sa mga scene na nasa Wattpad book na binabasa niya. Naikwento niya ito sa boyfriend at natandaan pala nito ang lahat ng sinabi niya. He also gave her a promise ring. Sa unang tingin pa lamang ay halatang mahal na mahal.

After that ay hindi na niya masyadong naisip ang ginasto ni Yohan. Siguro dahil sa nasanay siya sa mga nababasa sa Wattpad. Rich people in Wattpad just spend money like it's nothing so she assumed that Yohan can afford it.  Isang buwan ang lumipas bago niya natuklasan na umutang pa pala si Yohan kay Kuya Zy para magawa ang lahat ng iyon. 

Si Xav ang nagsabi sa kaniya nun. Sabi ni Xav ay 20,500 daw ang halaga ng singsing niya at hindi daw nagkasya ang budget ni Yohan para sa suprise date na plano rin nito. Humiram daw ito kay Kuya Zy ng 30,000 para pandagdag.

Kinwento sa kaniya ni Xav na limited amount lang daw kasi ang binibigay na allowance ni Kuya Zy sa kanila monthly. Palaging nauubos ang allowance ni Yohan dahil sa kaniya kaya naman hindi ito nakapag-ipon ng malaking halaga. Since he wanted to really give her the same exact scenario that happened to the Wattpad story that she told him ay napilitan itong mangutang kay Kuya Zy. May interes pa daw iyon sabi sa kaniya ni Xav.

She just assumed that he can afford it because in her eyes, he was rich. Nakalimutan nga pala niyang hindi ito Wattpad kung saan kahit highschooler pa lamang ay kaya ng gumasto ng milyones. Hindi ito Wattpad kung saan isang pitik lamang ay kaya ng bumili ng jetplane o mansyon. 

This is the real world where rich people manage their money better than the normal people. Kung sa Bisaya pa ay ang tawag nila sa mga ito ay "inot". Kuya Zy refused to give Yohan some extra money because he was teaching him how the real world works. Kahit kapatid nito ang lalake ay nilagyan pa nito ng interes ang perang inutang nito. 

Lahat ng mga sakripisyo ni Yohan ang nagsampal sa kaniya ng katotohanan na mas malaki ang effort ng lalake sa relasyon nila kaysa sa kaniya. Gwyneth often tell her that there was no doubt that she was Yohan's source of inspiration but she would also be his downfall. Sabi ng kaibigan na huwag na huwag niya daw bibitawan si Yohan dahil kapag nasaktan ang isang lalake na ganuon katindi magmahal ay tiyak na mahirap na daw balikan.

"Langga . . ." Bigla siyang tinawag ni Yohan kaya naman napabalik ang kaniyang atensyon sa lalake. 

"Bakit?" nagtataka niyang tanong dito.

"You're awfully quiet today. It makes me feel uncomfortable," amin nito sa kaniya. Hindi niya ito masisisi dahil madaldal talaga siya kapag magkasama silang dalawa.

"Curious lang ako kung ano ba gagawin natin sa San Juan," she said that made Yohan smile. His gaze was still directed on the road but she can still clearly see the glint of happiness on his eyes. 

"Tanda mo ba noong bago pa lamang tayong naging couple? I told you before that Kuya Zy wanted me to take you to a place where I can teach you how to stop being dependent on your phone. That is the reason why I'm taking you to San Juan," paliwanag nito na ikinakunot ng noo niya.

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Where stories live. Discover now