“Pupunta ako ngayon sa hospital. Bibisitahin ko siya. I’ll end up the call muna hah.”

“Balitaan mo ako tungkol kay Tristan mamaya.”

“Roger that, Cairo. Take care riyan. Tandaan mo iba riyan sa Makati. Hampaslupa’t sutil ka pa naman. Bye.”

Huminga siya nang malalim. Ang problema niya ngayon ay ang tricycle na kung saan pwedi siyang sumakay at ihatid siya sa Sitio Sekwel—sa mismong bahay ng Lolo’t Lola niya. Kanina pa siya ro’n at wala man lang dumaang tricycle. Kung mayro’n man ay mga motor iyon at hindi man lang siya napansin ng driver.

Ang sabi kasi ng mommy niya ay kapag nasa bayan na siya ng Lake Sebu ay magpapahatid siya sa tricycle patungo sa Sitio Sekwel. He’s been waiting for darn two hours. Nakatayo siya sa ilalim ng malaking puno ng acacia. He checked his wristwatch. Napagtanto niyang malapit nang mag-alas kuwatro ng hapon.

Damn mahinang mura niya. Napansin niya ang impong na naglalakad at may dalang tiklis na may lamang sariwang talbos ng maberdeng gulay na hindi pamilyar sa kanya. Sinulpayan siya ng matanda. Nais niyang itanong kung nasaan ang Sitio Sekwel subalit dahil sa isiping baka hindi siya naintindihan nito ay binawi niya ang nais niyang itanong.

Kagyat na nahahabag si Cairo nang makitang walang suot na tsinelas ang matanda. May galis ang paa nito at may mga maliit na sugat. Nilapitan niya ang matanda.

“Lola, saan po kayo uuwi?” magalang na tanong niya. Tila iyon ang kauna-unahang pagkakataong nagiging magalang siya.

Tumingin ito sa mukha niya at eksakto rin namang tumingin siya sa mata ng matanda. Hindi niya alam at bakit bigla na lang siyang nakaramdam ng awa. He never felt that before. Dahil nga sa pagiging suwail niya ay wala siyang oras upang bigyan ng sariling kahulugan ang salitang ‘simpatiya’. Ni minsan ay hindi siya nakinig sa kanyang parents.

“Saan po kayo uuwi, Lola?” he asked again. Pakiramdam niya kasi ay parang nahihiya ang matanda kaya muli niya itong tinanong. 

May sinambit ang matanda sa mahinang boses nito na kasabay ng pag-angat nito ng bakol na may lamang gulay.

Umiling si Cairo. “Pasensya na Lola, hindi ko po batid ang winika n’yo.” Napatingin siya sa basket kaya nagkaroon siya ng ideya. “Iyo bang ilalako ang mga gulay na iyan?”

Ngiti lang ang sagot ng matanda sa sinabi niya. Halatang hindi pa rin nito batid ang sabi niya.

Tumingin siya sa paligid at nagbabasakaling may dumaan na maaring magsalin ng mga sinabi niya sa matanda. Fortunately, a man about thirty years old driving a motorcycle stopped beside them.

“Sir, may problema? Pwedi taka buligan.”

Now, Cairo is more confused. But that dialect and tone seem familiar to him. Hiligaynon? Maybe because her mother occasionally speaks in that dialect. He almost overlooked the fact that her mother is Tboli and can speak Hiligaynon. Cairo, however, is not able to speak nor understand any Hiligaynon or Tboli words.

Tinanong siya nito kung may problema. Iyon lang ang naintindihan niya. Cairo Velasco asked him if he could speak Tagalog. The man nodded and that was a relief.

He smiled. “Si Lola kasi, eh, di ako naiintindihan. Pweding pasalin ng mga sinabi ni Lola, Kuya.”

Ngumiti itong bumaling sa matanda at tinanong ito sa diyalekto nila. Sigurado siyang Tboli ‘yon. Pamilyar kasi sa kanya pero hindi naman niya naiintindihan. Muli siya nitong hinarap.

“Maglako raw ng gulay, sir.”

Hinarap niya ang matanda. “Lola magkano po lahat ‘yan?”

Isinalin iyon ng lalaki sa diyalekto ng matanda. “Sampung piso raw ang isang putos, sir,” iyon ang salin ng winika ng matanda. “Bibili pa po ba kayo?” dagdag na tanong nito.

The Forest DwellerWhere stories live. Discover now