Narinig kong tumigil si Sir, medyo kinabahan ako pero hindi ko pinahalata at kunwaring nag babasa ako ng--ay shuta baliktad ang libro ko. Agad kong inayos ang libro ko mabuti na lang walang nakahalata.

May pumasok sa room kaso hindi ko sila pinagtuunan ng pansin dahil hindi naman ako mabubusog sa kanila, isusubo ko na sana ang last na chocolate ng tawagin ako ng prof.

"Ms. Frenandez are you eating in my class!?" Nataranta naman ako sa bulyaw ni Sir. Nag-angat ako ng tingin at hiniling na sana hindi na lang. Ang mga istudyante ay nakatingin sakin pati ang nasa harap namin, nagtagpo agad ang tingin namin ni Loki.

Sinubo ko ang natitirang chocolate nakita kong hinilot ni Prof ang sintido niya.

"Are you seriously eating in my class." Hindi makapaniwalang saad ni Sir. Umiling ako habang ngumunguya, may tawa at meron ring napapairap.

"Ms.Fernandez, spill it outside!" Parang bubuga na si Sir ng rainbows. Umiling ako at ngumuya parin at nilunok ang chocolate.

"Get out!" Aba! Nilunok ko na nga eh! Sayang kaya ang 50 pesos para ilabas ang chocolate ko walang puso naman si Sir. Hindi ko siya matatangap na maging pangalawang ama ko ang pangit niya mag sama sila ni swiper!

Tumayo ako habang nakanguso. Aalis na sana ako ng nasalita si Loki.

"I'll choose Yucci Fernandez." Ha? Ano daw? Choose? Pinili niya ako? Oo ako nga Yucci naman ang pangalan ko eh. Tama Yucci nga ang pangalan ko. Yuuuuuchiii

Humarap ako sa kanila. "Ano?" Taka kong tanong.

Maraming umiling maraming tumawa. Aba joke ba ako sa kanila, saya ah.

"Hindi ka talaga nakikinig Ferbandez!" Napanguso na kang ako sa sinabi ni Sir. Malay ko ba sa kanila hindi naman ako sinasali sa usapan nila ah! Kasalanan ko ba na may sariling mundo ako.

"Nakikinig ako Sir." Depensa ko.

"Oh sige nga, sino ang pumatay kay Jose Rizal?" Tanong niya. Napakunot noo naman ako.

"Hindi siya patay sir. Bakit mo sinasabing patay ang isang tao eh buhay pa siya ang sama mo sir." May narinig na naman ako halakhak, nakita kong nakangisi ang mga officer's si Loki naman ay napailing lang.

"Anong buhay!? Patay na siya." Napasinghap ako at tinakpan ang bibig gamit ang kamay. May pangaakusa ko itong tinignan.

"Sir buhay pa siya nakita ko siyang nakatayo! Nakatayo siya Sir kaso iba ang kulay n'ya tapos hindi siya gumagalaw ang galing niya Sir kinasap ko pa nga siya no'n eh kasi hindi ako pinansin snobber naman pala si Rizal, sir." Napahawak si Sir sa puso niya. Siguro na masaya dahil nalaman niyang buhay pa si JoseRizal, masaya naman ako dahil sakin nalaman niya, nako maliit na bagay.

"Alam mo Fernandez umalis kana sa klase ko bago pa kita sipain pa labas." Hala akala ko masaya siya kasi nalaman niya buhay si Jose Rizal, ah baka hindi lang siya makapaniwala, ako din naman eh hindi ako makapaniwala na hindi nila alam.

"Bakit mo ako sisipain Sir, akala ko Professor ka? Kabayo ka pala? Eh asan ang buntot mo Sir nagpapalit anyo ka lang ba Sir? Gaya ni petrang kabayo?" Napahawak si Sir sa dibdib niya at napatukod sa lamesa siya.

"Get out!" Napakamot na lang ako sa ulo at umalis.

Nagtatanong lang naman ako ah, get out daw, parang si Yohan naman sya eh suplado kaso gwapo 'yong pabatid ko no.

"Hey," Tawag ng kong sino. Bumaling ako kong sino ang tumawag pag harap ko ay nabungo ang noo ko sa dibdib niya.

I looked up at agad na dumistansya.

"Bakit?" He licked his lips and scratched his nape.

"I heard you will be the join the dance contest on these coming event," Tumikhim ito " O-Officers decided to help someone who's joining the group, they will choose who. So I uhm choose you." Napanganga ako sa sinabi niya hindi dahil sa sinabi niya dahil sa haba ng sinabi niya. First time 'yon!

"Baby--damn. I mean Yucci." Tulala parin ako dahil parang lumipad ang utak ko sumakay sa paper plane. Lutang ko siyang tinalukuran at nagsimulanh umalis. Ayoko sanang sumali sa dance contest na 'yan dahil baka malaman ni Mommy. Nahihiya rin ako dalawang beses lang ako sumayaw, unang beses nong sa mall kami pinasayaw ako ni Sania. Sunod sa skwelahan. Nanalo ako nom hindi ko nga alam kong bakit ako nanalo siguro binarayan ni Sania ang judge. Oh di kaya tinakot ni Angela.

Nauna na ako sa cafeteria at bumili umupo sa ako pwesto naming apat, ilang minuto dumating si Sania na medyo maputla, walang sabi niya kinuha ang tubig ko at tinunga. Magrereklamo sana ako pero aprang naiiyak na ito.

"Sania ano nangyari sayo? Inaaway kaba nila? Gusto mo abangan natin sa gate mamaya?" Bumuga ito ng malakas kaya pabiro kong pinaypayan ang sarili, birong mabaho ang hininga niya. Inambahan niya ako ng suntok at umalis. Bibili siguro.

Bumalik ito na may dalang milktea at frappe umupo siya sa tabi ko.

"Kamusta na kaya si Angela." Kumibit balikat ito at kumain lang.

"Rinig ko sikat na ito, world wide." Kibit balikat parin siya. Parang hindi lang sila close ah.

"Sania diba buhay pa si Jose Rizal." Doon na siya nabilaukan. Wala akong tubig dahil inubos niya 'yan karma.

"Deserved." Sabi ko. Ganon ang sinabi niya sakin noon eh. Akala niya nakalimutan ko.

Uminom ito ng milktea dahil wala akong kahit ano dito. Dumating si Esang at Tanya. Sinabi nila na napili siya tapos si Sania parang nag hysterical pa siya hindi makapaniwala na napili sila, tapos hindi rin pakapaniwala si Esang na napapili kami ano akala nila hindi ako makapaniwala syempre hindi talaga.

Napatigil kami may nagsalita. "Didn't I told to go straight to my office."

"Hey."

"Hurry up, Clumsy girl."

"Take your food, you're eating with me."

Nagulat kami sa sunod-sunod na ang salita. Dali dali kong kinain ang burger ko dahil ang sama ng tingin sakin Loki. Nabilaukan pa ako agad kong kinuha ang milktea ni Sania. I heard Loki tsked sabay hila sakin paalis.

Naiiyak ko siyang tinignan.

"What?" Irritadong tanong nito.I pouted.

"Naiwan ang burger ko." Sabay iyak.

"Damn it. I don't know what to do with you."

THE ONLY EXCEPTIONWhere stories live. Discover now