"Hanggat wala pa, kaya magpalit ka na."

"Ayoko nga. Ano ka boyfriend ko."

"Hindi pa ba?" tanong ni Anton.

"Jusko ko ah. Hindi nga ako niligawan tapos nag pe-pretend sya jan na boyfriend ko." nakasimangot kong sabi at tumawa sina Anton at Samira.

"Mari. Diba sabi ko nga, hindi marunong manligaw yang bestfriend ko." sabi ni Anton.

"Edi pag-aralan nya! Gusto ko yung nililigawan ako."

"Tch! Hindi ako interisado sa mga ganyang bagay."

"Palibhasa kasi, ang gusto mo ikaw ang nililigawan." pagtataray ko sa kanya.

...

Ang lahat ay nag-umpisa ng magsaya. Naiwan kami ni Samraz na nakaupo. Hindi ako mapalagay.

"May I dance with you?" tanong nya at tumayo pa ito at inilahad ang kamay nya.

"O-okay." sagot ko at tumayo ako.

Pumunta kami sa gitna kung saan naroon nagsasayawan ang mga couple.

Nahawak sya sa bewang ko at ang kamay ko naman ay nasa batok nya.

"Babalik na ako ng mindoro bukas. Kasama si Samira."

"Teka. Iba na naman ang plano?"

"Oo. Kilala mo naman si Samira kapag nagdesisyon gusto nya agad-agad."

"Ano bang napagdisisyonan nya? Wala syang nababanggit sakin?"

"Haharap sila kay lolo at sasabihin ang tunay na lagay nya."

"And?"

"Kahit anong mangyari, hindi pa rin sila bibitaw."

"Wow! Ibang klase talaga magmahal ang bestfriend ko." nakangiting sabi ko.

"At sana ganon din tayo."

"At bakit nadamay na naman tayong dalawa."

"Kapag nalaman mo ang totoo."

"Anong totoo?"

"Kung bakit simula nung umpisa galit na galit ako sayo."

"Bakit? Hanggang ngayon naman wala naman nagbago."

Ilang saglit lang ay bumalik na kami sa inuupuan namin na may babaeng lumapit sakin.

"Hi Marileigh. Happy birthday." bati nya at nagbeso beso kami.

Hindi ko sya nakilala dahil narin sa suot nitong maskara.

"Oh I'm sorry. I'm Vianna. Classmate mo."

Lahat ng naging classmate ko ay never kong nakalimutan lalo na ang isang maldita na ito.

"Yeah, Vianna.. Thanks nakapunta ka." sabi pa nya.

Ang dating may pagkapango ang ilong, ngayon ay, matangos na, parang nag mukhang barbie dahil na rin sa maliit na nitong mukha. Halata ang pagkaretoke dahil na rin sa labi nya na dating manipis, ngayon makapal na.

Ang Vianna na kilala ko. Malayo na ang itsura ngayon.

"Pwede mo ba akong ipakilala sa gwapo mong boyfriend at kahit nakasuot ng maskara eh kitang kita ang kagwapuhan nya, ang sabi ni Frada nagpakilala na ang boyfriend mo sa lahat at mukhang nasa parking ako kanina nung time na yun.." nakangiting sabi pa nya.

"Naku. Hindi kami ganon ah. Sabi ko nga binibiro lang ako nyan." sabi ko at natawa pa. Ng biglang tanggalin ni Samraz ang maskara nya.

Mayabang talaga! Masabihan lang ng gwapo, feel na feel naman nya.

"Hi I---"

"Samraz? Is that you?" sabi pa nito.

"You know me?" takang tanong nya, kaya tinanggal din nito ang suot nyang maskara. "Kilala ba kita?" muling tanong nya.

Tumawa si Vianna. "I'm prettier better now than before." sabi nya kaya napakunot ako.

"I don't know you." sagot ni Samraz.

"I'm Bianca.. Remember?" nakangiting sagot nya. Nagulat ako na si Vianna pala, ang Bianca na naging girlfriend nya. Kaya di ko naiwasan hindi matawa.

"Why? May nakakatawa ba?" masungit na tanong ng maldita.

"Ah wala.." sagot ko.

"Hmp!! Hindi ko alam na, ikaw pala ang girlfriend ng magaling kong boyfriend?"

Kasing maldita nya ang babaeng umaway kay Samira nuon, na jowa pala ni Axel.

"Tch! Anong pinagsasabi mo? Hindi naman tayo."

"Hindi naman tayo nag break Samraz. So ibig sabihin lang nun tayo pa." sabi nya at mukhang naghahabol pa talaga sya.

"Are you crazy? Matagal na tayong tapos."

"Para sayo. But for me, hindi! Never." sigaw nya at nanlisik pa ang mata. "At sa dami ng babae na pwedeng ipalit mo sakin? Sya pa talaga? Si Mari. Eh mas maganda naman ako jan! Ang pangit kaya nyan. Kaya nga nag cosplayer na lang sya para kunwari maganda." sabi pa nya kaya napatayo ako.

"Hoy! Ayos ka ah! Birthday party ko ito! Wala kang karapatan insultuhin ako! Kung may pangit dito Vianna. Ikaw yun!" inis kong sabi sa kanya. Pero muli syang tumawa.

"Look!" sabi nya at tinanggal ang maskara ko. "Hindi mo ba nakikita kung gaano na ko kaganda ngayon? Mas malaki pa nga ang dibdib ko kaysa sayo."

"Eh ano naman sakin kung malaki yan. Kung peke naman. Saka, oo maganda ka nga ngayon, kaya lang lahat peke. Di sa tulad ko, mula ulo hanggang talampakan tunay!" insulto ko din sa kanya.

"Pero hindi mo maitatanggi na maganda pa rin ako. At inagaw mo lang naman itong boyfriend ko."

"Anong inagaw? Ayusin mo pananalita mo! Hindi ako nang-agaw! Eh kung gusto mo, sayo na yan! Kahit isaksak mo pa sa baga mo!" inis na sabi ko sa kanya at itinulak ko si Samraz sa kanya.

"Hey!" sigaw nito. "Pwede ba Bianca, kung guguluhin mo lang ang party,  pwede ka ng umalis."

"Hahaha!!! Bakit natatakot ba sya na malaman ng mga classmate namin na mang-aagaw yang babae na yan! Akala mo kung sino maganda! Mukha namang bruha!" insulto nito sakin kaya sa inis ko nadampot ko ang champagne glass na may laman na wine at binubos ko sa pag mumuka nya ng magising sya. "Are you crazy bitch!!" sigaw nya kaya lahat ng mga tao at nasa amin na ang atensyon.

Tumigil din ang music. Kaya biglang tumahimik sandali.

"Kung may nababaliw dito Vianna!!! Ikaw iyon!!! Hindi ko nga alam kung bakit nandito ka sa party ko! Dahil unang una hindi kita pinadalhan ng invitation!" galit na sabi ko sa kanya.

"Mari.. Sorry.. Sinama ko dito si Vianna." sabi ni Frada. "Akala ko kasi invited din sya dahil reunion ng batch din natin ito." sabi ni Frada ng makalapit ito sa amin.

"Para sakin! Walang problema kung sino ang pumunta sa party na ito. Pero ang insultuhin ako at pagsabihan ako ng hindi maganda! Hinding-hindi ko matatanggap yun!" sigaw ko sa harapan nya bago ko sila tinalikuran.

To be continued...

Accidentally In Love with my FrenemyWhere stories live. Discover now