"Putangina mo talagang babae ka! Anong ginagawa ko dito ha? May lalaki ka dito 'no?!" Sigaw nito.

Malalaki ang hakbang ng huli at hindi na nakapag isip ng maayos si Cheska. Madali siyang nalapitan ng lalaki at sinakal, dahilan para maubo at mapatayo siya.

"Hindi ba sinabi ko sa'yo?! Walang pwedeng makagalaw sa'yo kundi ako? Yung ulol mong siyota nasaan? Hindi ka niya maliligtas dito." Gigil na gigil na anito.

Gumuhit ang kirot sa kanyang mga leeg. Napuno ng takot ang dalaga nang halos hindi na niya maabot ang sahig. Kung sa normal na sitwasyon ay pinabayaan niya nalang na masaktan siya, ngunit iba ang pakiramdam ng dalaga ngayon, pagod na pagod na siya at gusto niya nang lumaban, kahit sa huling pagkakataon lang.

Gumapang ang pagkataranta sa buong katawan niya nang hindi na siya halos makahinga. Tuloy sa pa din si Jojo sa pag lilitanya habang wala siyang magawa. Nang sa wakas ay maiangat niya ang braso niya ay pilit niyang inabot ang mukha ni Jojo. Malaking tao ang lalaki kaya hanggang kalmot lang ang nagawa niyang pag pupumiglas na lalo pang ikinagalit nito.

"Aba! Lumalaban ka pa ah? Ang dapat sa'yo tinuturuan ng leksyon eh." Binitawan siya nito at napa atras siya sa puwersa.

Hindi niya napigilan ang pag-ubo nang dahil sa paghahabol ng hininga. Mabilis na umandar ang isip ni Cheska at naghanap ng pwedeng ipanlaban kay Jojo. Ang huli naman ay nagtatanggal ng sinturon. Alam na ni Cheska ang balak nito at kung mamamatay man siya ngayon ay hindi siya papayag na hindi lumaban.

Nakita ni Cheska ang gunting sa kanyang magulong lamesa. Agad niyang tinawid ang pagitan niya sa lamesa at mabilis na hinablot ang gunting. Tinago niya iyon sa likod niya habang bumubuhos ang kanyang luha. Ang luha ng babaeng inalipusta, sinalbahe ng paulit ulit. Kulang pa ang maaanghang na luhang iyon para ipakita ang emosyong nararamdaman niya.

"Lumapit ka ditong puta ka! Hindi ka lalapit? Tangina, nag iinarte ka pa ah!" Humakbang muli ito at nakulong namaman siya sa isang dulo.

Hinablot ni Jojo ang kanyang damit at halos mapunit iyon sa pwersa. Nagpang buno sila, ngunit alam na ni Cheska sa kanyang sarili na hindi niya kaya ang lakas ng hayop niyang tiyuhin. Sinabunutan siya nito at isinubsob sa kahoy na sahig habang hinuhubad ng huli ang kanyang pantalon. Sinamantala ni Cheska ang pagkakataong iyon upang saksakin si Jojo ngunit sa kamalas malasan ay sa braso lang ito natamaan.

"Ahhhh!!! Putangina!!!" Palahaw nito.

Nabitiwan siya ni Jojo at tatakbo na sana siya palabas ng bahay ngunit hindi pa man siya nakakalabas ng kwarto ay mabilis siyang naabot nito. Muling nahablot ni
Jojo ang buhok ni Cheska dahilan para mawalan siya ng balanse at bumagsak.

"Pakawalan mo ako! Demonyo ka!" Humahagulgol na sigaw niya.

"Matapang ka na ngayon ah? Wag kang mag alala, matatahimik ka ding puta ka." Nanlilisik ang mga mata, nag kikiskisan ang ngipin at padila dilang anas ni Jojo.

Dinaganan siya nito kaya mas lalo siyang nag pumiglas. Papaubos na ang lakas ni Cheska pero pinipilit niyang lumaban. Ang tanging gusto niya lang ay makalabas at makatakas sa impyernong pakana nang sarili niyang tiyuhin.

"Wag ka nang pumiglas!" Marahas na ani Jojo.

Nang hindi tumigil si Cheska ay saka niya ito sinakal.

Mahigpit.

Ang nasa isip ni Jojo ay patigilin ang dalaga sa pag pupumiglas.

Kani kanina lang, desidido nang lumisan ang dalaga. Ngunit kapag naroon ka na pala sa pagitan ng buhay ay kamatayan, ay pipiliin mo pa ding mabuhay.

The Things I Hate About YouWhere stories live. Discover now