Perfect 15: Harana nga ba na maitatawag?

Start from the beginning
                                    

At nagsisintunado sa kaba.”

I sweard to God! Ang sarap pakinggan ‘nung boses niya. Gusto ko mapapikit na ayoko. Like I'm torn between falling asleep and listening to his voice? Nage-gets niyo ba 'yung point ko? Gets niyo naman, right?

Gustong gusto ko makita ‘yung mukha niya ngayon. Kaya pinili kong makinig. Well, he doesn’t look like that Garreth I used to know.

Parang iba.. May iba sa kanya ngayon. I think it's his  soft side, na nakikita at nararamdaman ko ngayon kahit hindi ako malapit sa kanya.

“Meron pang dalang rosas..

Suot naman’y maong na kupas

At nariyan pa ang barkada

Nakaporma’t nakabarong sa awiting daig pang minus one at sing along.”

I know the next part. I know the next part. Sabi ng isip ko ng mapapikit na si Garreth, pumikit na din ako para namnamin ang maganda niyang boses.

Pero nagulat ako ng biglang ibang boses ang narinig ko. Napadilat ako.

“Ako’y alipin mo kahit hindi batid..”

Tiningnan ko kung sino 'yon, It’s Hunter. Nagulat ako dahil nakabarong din si’ya at may dalang gitara habang si Andeng nasa gilid naman nito at may hawak na tambourine.

“Aaminin ko’y minsan ako’y manhid

Sana ay.. iyong naririnig

Sa iyong yakap ako’y nasasabik.”

Bigla naman nag-tambol si Joseng ng malakas kabasay ng pag-gitara ni Garreth. Napatingin nanaman tuloy kami sa side nila. 

“Puno ang langit ng bituin.” Tuloy nito sa chorus na hindi nakanta kanina.

“O, kay lamig pa ng hangin.

Sa iyong tingin ako’y nababaliw, giliw..

 At sa awitin kong ito,

Sana’y maibigan mo

Ibubuhos ko ang buong puso ko..”

Nakatingin na ulit sa’kin si Garreth at ngumisi sa’kin. “Sa isang munting harana para sa----”

“Ayoko sa iba..” singit nanaman ni Hunter bago bigkasin ni Garreth ‘yung huling salita.

Humakbang pa sila Hunter at Andeng sa harap nila Garreth para takpan ito. 

“Sayo ako’y hindi magsasawa

Ano man ang iyong sabihin

Umasa ka ito ay diringgin.”

Sobrang lakas ng pagtatambourine ni Andeng. Pagkatingin ko kela Garreth at Joseng ang sama ng tingin nila doon sa dalawa. Mukhang namumula nadin ang mukha nito sa sobrang inis.

“Madalas man na parang aso't pusa

Giliw sa piling mo ako ay masaya..”

Kinabig ni Garreth si Hunter para nasa inuhan na ulit sila, at itinuloy ‘yung pagkanta niya. Tapos, ganon din 'yung ginawa nila Hunter at Andeng. Teka, naguguluhan ako. Panay padin ang pagkanta ng dalawa habang nagtutulakan. Hanggang sa maitulak ni Garreth si Hunter ng tulyan at sobrang lakas pa. Agad naman binigyan ito ni Hunter si Gareth ng isang suntok sa mukha.

What. The. Heck!

Bakti nagsusuntukan na sila? Akala ko ba harana 'to?!

Tumakbo ako pababa ng hagdan at pilit silang inawat ganon din sila Andeng at Joseng. Panay ang awat sa kanilang dalawa.

Wanted: Mr. Perfect (Published Under Pop Fiction)Where stories live. Discover now