Chapter 1

94 5 7
                                    

"Emmaaaaaaa! Ano ba?! Mag aalasais na oh! Di ka pa ba gigising?" Enebenemen yen si meme. Jk. Hahahahaha. Ingay 'no? Nanay ko yan eh. Saan pa ba ako magmamana?

Hahahahaha. Ako si Emma. MAGANDA, mabait, maraming friends, MAGANDA, mahilig mag-aral at higit sa lahat, MAGANDA.

Ano, aangal ka? Di mo naman ako nakikita so huwag ka ng umangal.

Here na si aketchi, naligo, nagbihis at kumain bago umalis papasok sa school. Madaling madali ako kasi di naman pwedeng ma-late ako sa first day of school. Actually may usapan pa kami ng mga friends ko na maaga kaming papasok e pero #swaeg.

"Letche. Anong oras na?! Aga mo para bukas." sabi ni Trisha. Isa sa mga bestfriend ko. Oo, maingay din pero nakoooo, wag kayo. Napakaganda niyan. Medyo may kalandian lang pero maganda. Lahat nga ng nagugustuhan niyan, nagkakagusto sa kanya. Ewan ko ba kung sinong magpapabago sa hinayupak na 'to.

"Atleast mas maaga siya kay Kayla. Letche din yun eh." sabi naman ni Andrea. Meeeeh, maganda din naman siya. Lahat naman kami maganda eh pero kasi si Andrea, may pagkaseryoso. Mahilig mag aral pero mahilig ding mangasar. Gulo 'no? Pero sa aming magkakaibigan, siya ang pinaka masipag.

"Oh e ayan na pala siya e!" sabi ko pagpasok ng kaibigan namin na si Kayla. Yan, batikan yan e. Porket maganda tingin magkakagusto lahat sa kanya. HAHAHAHA jk. Labyu kayla! Pero seryoso, maganda siya, payat, walang dede, matalino at stick to one kaaaaaay Marionne. Jowa niya yun for about a year na ata? Di ko 'din sure e. On and Off ata sila. Pero well, atleast they love each other.

So eto na, flag ceremony na. Umay. Wala namang pogi sa school. "Shet, guys. Ayan na si Johnelle. Shet Trisha! Asarin niyo 'ko! Ay wag nalang pala!" loko loko tong Andrea na 'to. Crush niya yun e. Si Johnelle. Di naman ganun ka-gwapuhan. Mukha ngang tuta e.

"Johnelle! Johnelle!" tawag namin. 'Tas kunware di kinilig 'tong hampaslupang Andrea na 'to. HAHAHAHA. Ay teka, snob si kuya. Ano?! Pogi ka?! HAHAHAHA.

"Letche, umagang umaga. Ka-umay 'tong Johnelle na 'to." sabi ko.

"Umagang umaga, bitter ka?" Tanong niya. Oo, niya. Si John Carlo. Isa sa mga bestfriend ko. Mabait siya tsaka masayahin. Ewan. Hahahaha. [ inserts medyo kinikilig na sound effects ]

"Eh kase e, pa pogi?" sabi ko habang tinuturo sila Andrea at Trisha na nag-aasaran tungkol kay Johnelle. "Bitter mo talaga. Sayang ganda mo." sabi niya. HAHAHAHA. Di naman masasayang ganda ko, it's all for you.

Okaaaaay joke. #malandi

So umakyat na kami sa classroom after ng flag ceremony. Marami pang mangyayari sa bagong school year na ito. : )

☆ PIKACHU ☆Onde as histórias ganham vida. Descobre agora