PROLOGUE.

171 76 57
                                    

Malakas na simoy ng hangin ang humahampas sa aking mukha nakatayo ako sa harap ng magandang tanawin kung saan kami tumutuloy, suminghap ako bago sinimulan ang pag lalakad sa puting buhangin. Rinig ang malakas na tawanan ng buong pamilya ko mula rito sa pwesto ko, hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa kabila ng mga nangyari sa buhay ko hindi ko lubos akalain na mararanasan ko uli sumaya ng ganito.

"Lalim naman masyado ng iniisip mo"

Nabalik ako sa realidad ng marinig ang boses na nagmumula sa likuran ko, lumingon ako sa likuran ko upang makita siya.

Magandang ngiti niya ang sumalubong sakin habang papalapit siya, ang buhok niya na hinahangin na bumagay sakanya, ang mga mata niyang kumikislap sa saya tuwing ngi-ngiti sa akin.

"Bakit pumunta ka rito?" nakangiting tanong ko sakanya habang nag lalakad palapit sakanya.

Masaya niya akong sinalubong ng mahigpit na yakap, yakap na hindi ko pagsasawaan.

"Wala ka ron e, mas gusto ko rito kasama ka" mahinang bulong niya sa akin habang hinahaplos ang buhok ko.

Mahina naman akong natawa dahil sa sinabi niya.

Nanatili kami sa ganong puwesto habang sabay naming pinapanood ang malakas na pag hampas ng alon sa dagat, napaka gandang tanawin para sa mainit na yakap na aking nararamdaman ngayon kasama ang aking mahal.

I didnt expect na magiging masaya uli ako, hindi ko na kailangan mag makaawa sa lahat para lang sumaya ako. Kusa nang binibigay sa akin ang lahat.

Ilang minuto pa kami nag tagal sa ganong puwesto bago niya ako hawakan sa mag kabilang balikat at bahagyang nilayo sakanya.

Nginitian niya ako bago siya humakbang patalikod, hindi niya man lang inaalis ang tingin sa akin. Nag bitaw siya ng salita na naging dahilan upang kumawala ang luha sa aking mata.

"Brielle, im willing to fight, love, care for you. Even in though days youll have me. Im willing to take all the risk for the woman I love. No one can stop me, even the playful destiny itself."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 26, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Playful Destiny [REVISION]Where stories live. Discover now