A Happily Ever After?

Depuis le début
                                    

"Kung 'di lang talaga ako ninong ng mga anak mo," tumawa si Brett at umiling.

"Si Camden, nakakadalawa na. Tayo, edad lang yata 'yong nadadagdagan," si Marcus.

"Ikaw, Malik?" Ngumisi sa akin si Brett. 

"Iba yata talaga kapag mga doktor," si Dave. "Masyadong abala para sa ibang bagay."

"Tapos pareho pa silang doktor," tumawa si Brett. "Tingnan mo si Axev, akala ko aabutin ng kwarenta bago magpakasal. Doctor 'yong asawa, e."

"Bakit ka nagka-gusto sa Doctor, kung gano'n?" Pambabara ni Gavrie kay Brett.

Umulan na naman ng tukso sa lamesa namin. Nakisabay ako sa tawanan dahil halos murahin ni Brett si Gavrie. Hindi mo aakalaing nasa trenta na 'tong mga 'to dahil sa pananalita nila. They're outside of their professional lives right now. It's all fun and games.

"Ilang taon mo na bang nililigawan 'yan?" Ngumisi si Camden. "Baka abutin ka pa ng limang taon bago mo mapa-sagot? Tapos maghihintay ka ulit ng sampung taon bago mo maaya ng kasal. Baka naman sisenta ka na kapag nagpakasal ka?"

"Ayusin mo desisyon mo sa buhay, Brett." Si Marcus.

Hindi matigil ang kantyawan sa lamesa namin. Sa gitna ng kasiyahan ay hinanap ng aking mga mata si Ember. Nang bumalik kami rito ay nakihalubilo siya sa mga kakilala niya. Naghiwalay kami at ngayon ay hinahanap ko na naman ang presensya niya kahit wala pang isang oras kaming naghihiwalay.

Huminga ako ng malalim nang namataan siya sa malayong lamesa. Halo-halo sila ro'n at may kausap siyang isang babae. Pinagmasdan ko siya ng ilang segundo. 'Tsaka ko lamang binalik ang atensyon sa grupo nang marinig ang aking pangalan.

"Anong masasabi mo, Malik?" Si Dave.

"Saan?" I inquired and guzzled my shot of hard liquor.

"Mahirap daw magmahal ng mga doktor," aniya.

"Totoo naman," I chuckled and shook my head. "Doctors have big responsibilities. You have to be understanding and patient to be able to deal with it."

"Narinig mo 'yon, Brett?" Si Gavrie. "Kaya huwag kang magtampo kapag hindi nagre-reply sa mga texts mo."

Tumawa ako nang marinig muli ang mura ni Brett. Hindi ko alam ang buong istorya pero narinig ko ngang may nililigawan itong isang resident doctor. Balita ko'y mas bata ito ng ilang taon sa kaniya at dalawang taon na yata niya itong nililigawan, mula pa no'ng medical student 'yong babae. 

"Magmahal kayo ng Doktor. Libreng check-up din 'yon," tumawa ako.

Habang tumatagal ang kwentuhan ay napaparami kami ng inom. Dumating kalaunan si Axev na agad ding inulan ng tukso. Tumatawa lang ito sa mga ibinabato sa kaniya.

Hindi ko namalayan ang oras dahil sa walang katapusang usapan. Kaunti na lang sina Ember sa kanilang lamesa nang muli akong lumingon. Ala una na at medyo may tama na rin ako ng alak. Nag-tipa ako ng mensahe para kay Ember, nagtatanong kung gusto na niyang umuwi.

She replied minutes after, telling me that she is also tired already. Doon na ako nagpaalam sa mga kasama namin sa lamesa, lalo na kay Axev. Hindi naman sila umangal lalo na nang sinabi kong kailangan pa naming bumiyahe bukas pabalik ng Quezon City. 

"When is your wife due, Axev?" Ember asked him when we were preparing to leave.

"February next year," Axev replied.

"Saan siya manganganak?" 

"Sa Sampaloc din," aniya.

"Oh, alright. I'm wishing her a healthy delivery. Kunin mo akong ninang, ha." Ngumiti si Ember sa kaniya.

Where My Love Goes (LAPRODECA #3)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant