“Are you okay with modular learning?” tanong niya nang dahan-dahan.

Napaisip naman ako roon. Gusto ko ba ang ganoon na set up? Eh, papaano naman ang hiling ko na maranasang um-attend sa school at makasalubong ang kapwa ko students at makahawak ng mga makakapal na libro habang naglalakad sa pathway ng isang university?

“I don’t know what to decide. Pero maraming mga tao ang gustong manakit sa ‘yo. Your father enemies are targeting you. I can’t risk your safety, Waz.”

Naiintindihan ko naman siya. Masasayang lang ang lahat ng pag-iingat ko kung sakaling piliin ko ang sariling kagustuhan. 

“Pero puwede ka namang bumalik sa pag-aaral under face-to-face learning, kung lilipat lang kayo ni Ate Mathelda sa mas ligtas na lugar. Only if you are willing, though.”

“Ano’ng ibig mong sabihin?”

“My family own a land sa isang Probinsya. Naroon mostly ang mga kamag-anak namin. The school is near my house. Naisip ko na bagay ka roon?”

You mean?

“Yes, only if you want to live in my house, kasama syempre sina Ate Mathelda at ang mga anak niya.”

“Parang nakakahiya na?”

He shakes his head.

“. . . I mean, bahay mo ‘yon, kaya ba’t ko titirahan?”

“Do you want to study, right?’

“Y-Yes . . .”

“Then that home is the safest place I can recommend. What do you think?”

Natatakot na ako sa bahay na ‘to kaya personally gusto ko na rin lumipat sa iba. Pero inaalala ko si Ate Mathelda. Kung ‘di sila sasama sa ‘kin, edi rito na lang din ako. Sa pagkakaalam ko, narito rin ang trabaho ni Ate, nasa malapit lang ang karenderya na pinapasukan niya.

Napatingin ako kay Hans. “Pero si Ate, may trabaho siya rito, e’. ‘Tapos sina Selena at Hanna ay naka-enroll na rin.”

“I can give her a new job in Province. I am willing to give her allowance para pwedeng ‘di na siya magtrabaho. Also, ako nang bahala sa pag-aaral nina Selena at Hanna.”

Napangiti ako. Sa totoo lang talaga ay gumagaan na ang pakiramdam ko. I mean, magiging malaya na rin ako. Papunta na rin ako sa isang lugar kung saan pwede na akong mamasyal.

“Kakausapin ko sila mamaya,” pinal kong sabi. “Salamat talaga sa lahat. ‘Di bale, kapag nakapagtapos ako ng pag-aaral, sa kompanya niyo ako magtatrabaho nang walang sweldo.”

He laughs. “That’s unfair to your side.”

“One-fourth na lang ng sweldo ko ang kukunin ko para may pambawi ako sa lahat ng tinulong mo sa ‘kin.”

“No, Waz, hindi mo kailangang bumawi. Just you being safe is more than enough to Mom and to me as well.”

Napalabi ako. “Speaking of her, p-puwede ko rin ba siyang makausap? Kahit sa telepono lang sana.”

“Here.” Inilahad niya sa ‘kin ang phone na galing sa bulsa niya. Ilang beses pa akong kumurap para malaman kung nagbibiro lang ba siya o ano.

“Ipapahawak mo sa ‘kin ‘yan?” Nakaawang pa rin ang bibig ko sa gulat. Nakita ko ang pagtiim-bagang niya at kung papaano siya lumunok. Napatanong tuloy ako sa aking sarili kung may nasabi ba akong masama o ano.

“Sabi mo sa ‘kin gusto mong kausapin si Mama?” patanong niyang sagot. “And don’t use the word “ipapahawak”. You know, it kinda sounds inappropriate.”

Chained Scars (AS#6) ✔Where stories live. Discover now