WBAHLG Chappie 64

Start from the beginning
                                    

" Ah...ah...w-wala...huwag mo na lang yun pansinin "

" Tumabi ka nga dyan ' tumabi naman siya at isinuot ni Luhan yung damit niya saka naglakad palayo ngunit sinundan siya ni Suzy. " Huwag ka ngang sumunod "

" Ah..k-kasi...ano...Luhan..." napayuko naman si Suzy.

" What?! " halatang naiirita na si Luhan sa kanya. Magsasalita na sana ulit si Suzy nang may biglang yumakap mula sa likod nito. " Nandito ka lang pala " napabitaw ito at hinarap si Suzy sa kanya tapos hinalikan niya si Suzy sa noo habang nakatingin kay Luhan.

" YoungMin?"

" Namiss kita ^__^ " sabay hug ulit kay Suzy then tingin sa reaksyon ni Luhan na nakapoker face lang naman.

" Anong ginagawa mo dito?" tanong niya kay YoungMin na ikinatawa naman neto sabay gulo ng buhok niya. " Nakalimutan mo na bang kami ang makakalaban ng basketball team niyo. "

" Ganun ba. Pasensya na nakalimutan ko "

" Naku, ikaw talaga. Cheer mo pa rin kami kahit kami ang kalaban niyo ah ' tumango naman siya. " Sige alis na ako, nakuha ko na kasi yung pampalakas ko ^___^ " tumakbo na ito papunta sa kabilang direksyon.

" Teka sandali, Luhan! " hinabol niya si Luhan, nauna na pala kasi itong naglakad. Asa naman siyang hihintayin siya neto. Tinatawag niya ito kaso di man lang lumingon sa kanya kaya naman binilisan niya pa yung lakad niya at ginawa yung bagay na makapagpahinto dito.

Nagtagumpay naman siya. Niyakap niya kasi mula sa likod si Luhan. " Pwede ba wala akong oras sa mga walang kwentang bagay "

" Goodluck sa game niyo. Galingan mo, magche-cheer ako sa inyo " tinanggal naman ni Luhan yung brasong nakapulupot sa kanya.

" Di ko kailangan ng cheer mo o kahit ano pa man " at iniwanan na siya neto.

" Luhaaan " hinabol na lang niya ito nang tingin habang papasok sa gym patungo dun sa bench ng Exo. ' kahit ano pa ang sabihin mo, di ako mapipigil sa nararamdaman ko '

Tumungo na rin siya kung nasaan sila Taeyeon. Nagsimula naman ang game between XU Vs FU. Bawat kupunan ay di nagpapapigil sa paggawa ng puntos para sa team nila kaya naman yung mga audience di rin nagpapapigil na humiyaw sa tuwing nakakapuntos ang bawat isa.


Pantay na pantay lang yata sa galing ang dalawang team at kahit na homecourt ng XU ang venue di rin nagpapahuli ang FU.


" Pwedeng tumabi miss ? " tumango naman siya kahit di nilingon kung sino yung nagsalita. " Hay naku, baka matunaw siya sa tingin mo " pagkarinig niya dun, napatingin siya sa katabi niya. " Kikwang? "

" Alam mo kaya ang daming naiirita dahil sa kanya ka lang nakatingin buong laro, lam mo yun? " comment ni Kikwang na nakatingin kay Luhan.

" Eh ano bang magagawa ko e ayaw siyang lubayan ng mga mata ko '

" Chume-cheezy line ka na ah "

" Tigilan mo nga ako " saway niya dito. " Bat ka ba nandito ha? " tanong niya.

" Dahil gwapo ako "

" Seryuso "

" Seryuso kaya yun. It's a fact but nothing but a fact "

" Ewan ko sa'yo. Ang sabihin mo lang , basta-basta ka na lang pumuslit dito "

" Di ah, may invitation kaya ako "

" VIP ka ba ng school na to "

" OO kasi gwapo daw ako " sabay pogi sign ni Kikwang

" Diba? " sabay tingin sa kany. " Oo " nalang para hindi na humaba pa ang usapan.

WOLF BOY AND HIS LOLLIPOP GIRL ( EXO FANFICTION ) ON-GOINGWhere stories live. Discover now