"Let's all welcome the reason behind our celebrant's existence, Mrs. Sunny and Mr. Enzo Ortiz!"



Magkahawak ang kamay ni Nanay at Tatay habang papalapit sila dito. Hindi ko makakailang napakaganda talaga ni Nanay ngayon sa suot niya, make up, at pagkakakulot ng kanyang buhok. Si Tatay naman, hindi ko halos makilala dahil mukhang yayamanin sa porma niya ngayon.



Ang perfect nilang tignan ngayon. Parang walang problema at parang walang nangyaring masama sa nakaraan. Mukha silang nagmamahalan ngayon habang nagngingitian sila sa isa't-isa kaya naman hindi ko mapigilang maluha.



Tumayo ako at agad na tumakbo palapit sa kanila. Mahigpit akong yumakap sa mga bewang nila habang tumutulo nanaman ang luha na sinubukan ko nanamang pigilan mula sa mga sa mata ko.



"Awww. Don't cry my baby." Pinigilan ko ang luha ko ng maingat na punasan ni Nanay ang mata ko bago ako halikan sa pisngi. "Thank you for coming into our life. Happy Birthday anak and I'm so happy for you."



"Thank you po Nanay." Lumingon ako kay Tatay at nakita ko siyang nakatitig lang sa mukha ko. "Ikaw Tay? Hindi mo man lang ba ako igigreet?"



"Mamaya na. Ayoko munang magdrama kaya maghintay ka." Tumawa ako bago ko sila hinila papunta sa pwesto ko kanina.



Hindi ko nanaman mapigilang umiyak nang magbigay na silang dalawa ng mensahe sa akin. Para akong nasa isang panaginip dahil ilang beses kong hiniling sa Diyos na mangyari ang bagay na ito. At sa wakas! Nakikita na talaga ng dalawang mga mata ko na magkatabi ang Nanay at Tatay ko.



Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari nang magsimula naman ang 18 roses. Nagulat ako nang unang humakbang palapit sa akin si Duke na may hawak na rose at makalaglag panga nanaman ang outfit at hairstyle ngayon.



"Ganda naman ng birthday girl!" Tumawa ako ng kunin niya ang kamay ko bago hinalikan ang ibabaw nito, ibinigay sa akin ang rosas na hawak niya at hinawakan ang kamay ko.



"Ang gwapo mo rin ngayon Duke! Muntik nanaman kitang hindi makilala."



Nilagay ko naman ang isa kong kamay sa balikat niya habang ang isang kamay niya naman ay humawak sa bewang ko. Nagsimula na kaming sumayaw nang tumunog na ang musika na tinutugtog mismo ng isang live band.



"Alam mo ba? Grabe ang saya ko na ako ang nakabunot ng 1!" Natawa ako nang makitang tila kumintab ang mga mata ni Duke.



"I'm not into formal parties talaga kaya hindi ako sinasali sa debuts ng kamag-anak namin. Hindi din ako naka attend sa debut ni Queenie nung May kasi nag-away kami. That's why, this is the very first time that I danced a woman on a party." Napangiti ako nang mag-acting siya na umiiyak.



"Eeeew! Wag ka ngang ganyan Duke!" Ilang segundo siyang nagstay sa ganung posisyon bago niya muling ipinakita ang mukha niya at tumawa.



"Pero seryoso talaga ako Sunshine!" Itinaas niya ang isang kamay niya na parang namamanata. "You're the first girl na naisayaw ko. That's why you should be proud to be my first."



Tapos na ang oras ni Duke para sa first rose kaya naman binitawan niya na ako bago lumapit sa akin si Tito Kingston dala ang second rose.



"Hay nako. Sayang talaga at walang tiyansa na magiging magbalae kami ni Enzo." Natawa at napailing nalang ako dahil sa sinabi niya. "Ayaw mo ba talaga kay Ouie, hija?"



"Gusto ko po siya Tito. Pero sana po maintindihan niyo na pagmamahal ng isang kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sa anak niyo."



Naglungkot-lungkutan ang mukha ni Tito kaya naman hindi ko mapigilang matawa.



A Little Bit of SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon