Mr. Stranger 45:

Magsimula sa umpisa
                                    

Iba talaga tama sa akin ni Ros. Sobrang 101% ang impact niya sakin. Ang sarap sa pakiramdam.

DYLAN LORENZO POV:)

"Naging business partner na natin ang All Day Shop. Mas lalong lalaki ang sakop ng ating kompanya sa iba't-ibang bansa at may chance na lumaki this years ang makuha nating benta." Pahayag ni Sir Cedric, ang ama ni Clive at Johnser.

Tama narinig nyo, All Day Shop (parang Lazada and Shopee) ay pagmamay-ari ni Mr. Kailes. Nakipag-business partner na sila at mas lalong lumakas ang Uphone Company sa nangyari. Dahil sikat ang All Day Shop sa lahat ng mundo dahil lahat ng lugar ay sakop nito. Pero pino-problema ko ay mas lalong lumalapit si Clive sa Uphone. Kailangan bago siya makita ng lahat ay bumalik na ang alaala niya para magawa na namin ang plano para palabasin ang salarin dito.

Nandito kami sa office ni Sir Cedric at kausap nito si Sir Leandro at si Sir Johnser para pag-usapan ang kompanya. Nandito ako dahil ako na ang butler ni Sir Johnser at isa na rin akong employee dito. Nakaupo ako sa kabilang sofa habang katabi ko si Sir Johnser habang sa kabilang sofa naman ay si Sir Leandro, ang ama ni Mandy. At sa unahan naman namin nakaupo si Sir Cedric.

"Ikaw, Johnser. Magsimula ka nang pag-aralan ang lahat dahil next month ay ipapasa ko na sayo ang pwesto." Baling nito dito.

"Opo, Dad." Sagot ni Johnser sabay tango.

"About sa kasal nyo ni Mandy," Tumungin muna si Sir Cedric kay Sir Leandro. Bakas sa mukha nito ang hindi sang-ayon. Ayaw kasi nito ipakasal ang anak kay Johnser at alam na rin iyon ng lahat ng dahilan."...pag-uusapan pa namin." Dugtong rin sa wakas nito.

"Opo." Magalang na sagot lamang ni Johnser.

"Dylan," tawag ni Sir Cedric.

Mabilis naman akong bumaling dito."Yes, Sir?" Bahagyang nakayuko na tanong ko.

"Padating si Mr. Kailes mamaya. Icheck mo ang bagong office niya. Tingnan mo kung tapos na iayos ang lahat. Kung may kulang pa, ikaw na bahala." Bilin nito.

"Masusunod po." Nakayukong sagot mo.

Tumayo na nga kami sa kinauupuan. Nag-bow pa ko sa kanila bilang paggalang. Pagkatungo sa pintuan ay pinagbuksan ko pa silang tatlo ng pinto. Nang makalabas na silang lahat ay lumanas na rin ako.

Dumaan na nga kami sa ibang ruta.

Napatigil ako sa paglalakad na tinawag ako ni Johnser.

"Dylan." Lumapit naman kaagad ako dito."Mamaya magkakaroon ng simpleng party dito para i-welcome si Mr. Kailes. Ikaw na bahala para mamaya ah?" Sabi nito sa akin.

"Opo." Nakayukong sagot ko.

Tinaptap muna nito ang balikat ko saka iniwan ako nito. Kailangan kong mapuntahan kaagad ang kinaroroon ni Clive. Kailangan kong mabantayan siya at maiwas siya sa mga nakakakilala sa kanya. Hindi maari na makita siya ni Sir Andrew at kahit ni Johnser.

Masisira ang plano ko kung magkataon.

THIRD PERSON POV:)

Dumaan si Cedric Sy sa magiging office ni Mr. Kailes. Pumasok siya sa loob para makita kung ayos na ang lahat at naabutan niya ang apat na lalaki na nag-aayos ng gamit dito. Natigil naman ang mga ingay nito nang makita siya.

Nahihiyang nag-bow ito sa kanya.

"G-good afternoon, Sir." Bati ng apat sa kanya halos nautal.

"Sige, ipagpatuloy nyo lang ginagawa nyo. Nagpapakuha na ko ng meryenda nyo. Alis na ko." Sabi at paalam niya sa mga dito.

"Salamat." Sabay turan ng mga ito.

Tumalikod na nga si Cedric Sy para umalis. Pagkalabas SA pinto ay lumiko na ito para bumalik na sa office nito na saka naman kakadating lang ni Ros. Kakapasok lang niya sa loob dala ang isang tray na naglalaman ng meryenda ng mga kaibigan niya, mga sandwich at tubig.

Book 1: Mr. Billionaire, Don't English Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon