Ilang minuto lang ang lumipas at narating ko din ang Terminal 1 ng NAIA, laking pasasalamat ko na nauna pa din ako kays kay Scor. Hindi pa nag la-landing ang eroplano niya. Hindi ko maiwasang matahimik habang naka park ako at mag-isa. 

Tutal, iniisip naman na ni Lola na ako ang apo niya, baka sakaling kapag kinausap ko siya ay maalala niya ang nangyari. Kung totoo man na suicide note nga ni Cheska ang sulat na iyon, bakit hindi niya iyon dinala sa mga pulis? Napaka dami pang tanong sa utak ko. I know she loves her granddaughter but why didn't she do anything to give her justice?

I didn't notice how long I was sitting in my car. Kung hindi pa nag-ring ang cellphone ko ay hindi pa mapuputol ang malalim kong pag-iisip. Si Scor ang tumatawag.

"Hey babe! My plane just landed." Aniya.

"Hi! Nandito na ako sa parking." Sagot ko. 

"I'll just get my luggage and then I'll meet you at the exit. I missed you." 

Napangiti ako. I missed him too. Sabik na din akong makita at mahalikan siya pero hindi ko maibigay sa kanya ang buong pansin ko dahil may sumasagabal pa sa isip ko. Dali dali akong nag-drive palabas ng parking at nagpunta sa arrivals area ng airport. Ilang minuto pa ang lumipas at natanaw ko siya na papalabas na sa pinto. He immideately recognized my car and he walked straight to me. Lalabas sana ako para salubungin siya pero dumiretso kaagad siya sa likod at siya na mismo ang nag-lagay ng maleta niya doo. Hinintay ko nalang siyang matapos at sumakay sa front seat. 

Malapad ang ngiti niya nang makasakay siya. Hindi ko din maiwasang mapangisi nang makita ko siya. He looked tired but elated to see me.

"Hi, you." Tipid niyang sabi at mabilis akong hinalikan sa labi. The kiss was swift and it left me wanting for more.

"How's your flight?" Nangingiti kong tanong. 

"It was fine.. I'm just too happy that you're here to pick me up." Sabi niya.

"Dinner?" Aya ko sa kanya. 

"Sure! Yung malapit lang sa condo, babe. Ayokong mapagod ka sa pagda-drive." Sabi niya.

Umiling ako at humarap na sa daan. Masyado na kaming matagal na nag lalandian dito. Baka paalisin na kami ng guard! Kaloka!

Sa isang Japanese Restaurant malapit sa condo nalang naming napag-desisyunang kumain. Medyo nagke crave din kasi ako sa ramen. Si Scor na ang umorder at tinanaw ko nalang siya mula dito.  Ang tagal ko na palang hindi nag a-update sa Instagram kaya kinunan ko nalang siya ng picture habnang umo order sa counter. He was wearing a slim fit gray shirt and a black sweatpants. Putok na putok tuloy ang mga muscle niya sa braso at sa likod. Ang lapad ng ngiti ko habang nag-tatype ng caption. Napansin niya iyon nang makabalik siya. 

"Ano nanamang nginingitian mo diyan?" Masungit pero playful na tanong niya.

"Ikaw." Walang kaabug abog na sagot ko.

"Sus. Pinagyayabang mo nanaman ako sa followers mo." Nakangiti nang sabi niya. 

"Hindi ko naman pino post ang mukha mo ah?" Nakangusong sabi ko. 

"I-post mo. Para makita ng mga gagong lalaking followers mo kung gaano ka-gwapo boyfriend mo." Mayabang na sabi niy habang nilalagyan ng straw iyong dalawang iced tea na inorder niya. 

Nag-make face ako na kahit pigil na pigil ako sa pag-ngisi. Nalala ko lang dati, ayaw na ayaw niya na kinukunan ko siya ng picture at pinopost. He hated the fact that thousands of people are following me on instagram. Naka private nga ang account niya eh. Pero ngayon, siya pa mismo ang nagsasabi sa akin na i-post ko ang mukha niya.

"So, did you behave while I'm gone?" He asked.

Sinamaan ko siya ng tingin. 

"Oo naman no! Ako pa ba? Ang laki laki ng ibinait ko noh!"Yabang ko sa kanya.

The Things I Hate About YouOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz