CHAPTER TWO (Forced Marriage)

1.6K 100 13
                                    




Naupo lamang sa isang sulok ang babaeng nakilala niyang Syd ang pangalan.  Hindi na ito umiiyak pero nakatitig lang ito sa t.v. na kanyang binuksan para malibang ito pero alam niyang lampasan ang tingin dito ng babae.  Hindi niya maiwasang titigan ito.  Kahit naman kasi namamaga na ang mga mata marahil ay sa matagal ng pagkakaiyak ay nananatili pa rin itong maganda.  Cute ang bilugang mukha na binagayan ng deep set na mga mata at maliit na ilong.  Ang labi nitong bahagyang naka – pout ay parang napakasarap damhin sa pamamagitan ng kanyang mga labi.

            Tila nanuyo ang kanyang lalamunan ng bumaba ang paningin niya sa katawan nito.  Ngayon lang niya napansin na bahagyang nakabukas ang butones ng suot nitong blouse kaya bahagyang nalantad ang malulusog nitong dibdib.  Makikinis at mahahaba ang binti at hita ng babae kaya bumagay dito ang suot na maikling palda.  Napaka – seductive ng hitsura nito habang nakasabog ang mahabang buhok sa mukha at naka – slouch sa sofa niya.

            Wake up, Zacharias.  You're already fucking her in your mind.

            Iyon ang tila nagpagising sa kanya.  Humugot lang siya ng isang tshirt sa kanyang drawer at nagpalit tapos ay mabilis niyang nilapitan ang babae.

            "Do you want anything before I take you home?" tanong niya ng makalapit dito.

            "Beer," maikling sagot nito.

            Napailing siya at napatawa.

            "You're already drunk.  I don't think you can still take more alcohol in your condition," sagot niya dito.

            Pero imbes na sumagot ay tumayo ang babae at lumapit sa mini bar niya.  Dinampot nito ang isang bote ng brandy at dire – diretsong tinungga iyon.  Nanlaki ang mga mata niya sa ginawa nito dahil ng bitiwan nito ang bote ng alak ay halos mangalahati na iyon.

            Pagkatapos uminom ay muli itong bumalik sa tabi niya.

            "I don't want to be rude but I think I should take you home," sabi niya dito.  Kung anuman kasi ang mangyari sa babae ay siguradong sagutin niya ito.

            "I don't have any home.  I am all alone," mahinang sagot nito at nagsimula na namang umiyak.

            Hindi niya alam kung paano niya mapapagaan ang damdamin ng babae.  Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit ganito na lang ang awang nararamdaman niya para dito.  Lumapit siya dito at marahan niyang hinagod ang likod nito para medyo kumalma. 

            Akma na siyang tatayo para ikuha ito ng tubig ng maramdaman niyang hinawakan siya nito sa kamay.  Pinipigilan siya.  Takang napatingin siya dito.

            "Don't leave me, please?  Don't leave me alone," nakikiusap na sambit nito.

            "Ikukuha lang –" pinutol ng halik nito ang anumang sasabihin niya. 

            Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit wala siyang lakas na pigilan ang babae sa ginagawa nito.  Napakalambot ng mga labi nito at tila ayaw na niyang tigilan iyon.  Pero dahil alam niyang dala lang marahil sa espiritu ng alak kaya ito nakakagawa ng ganoon ay pinigil niya ang kanyang sarili.  Ayaw naman kasi niya ang magsamantala sa ganoong sitwasyon.

            "W – wait.  Lasing ka lang kaya mo ito nagagawa," awat niya ng maramdaman ang kamay nito na binubuksan ang button fly ng maong pants niya.  Bahagyang lumayo siya sa babae bago pa man kung ano ang magawa niya dito.  Hindi niya alam kung hanggang saan niya kayang magtimpi.

            Kitang – kita niya ang lungkot sa mga mata nito ng tumingin sa kanya.

            "Please let me forget the pain even just for this night.  I don't want to be alone.  Let me feel that someone needs me.  Someone loves me," mahinang sambit nito at muling humalik sa kanya.

If I was the One (complete)Where stories live. Discover now