CHAPTER ONE (The Betrayal)

Start from the beginning
                                    

Iyon pala ang sorpresa na naghihintay sa kanya.

Isang sorpresa na talagang ikinagulat niya at hindi niya alam kung kakayanin niya.

Naroon sa kama ng kanyang ate at ang pinakamamahal niyang lalaki. Nakayakap ito sa kanyang kapatid. Kapwa tulog at kapwa walang damit sa katawan. Tanging ang comforter lang sa kama ang nakatabing sa hubad na katawan ng dalawa.

Pakiramdam niya ay nanigas ang buo niyang katawan. Hindi siya makakilos. Hindi siya makapagsalita. Parang may bato sa kanyang lalamunan at para siyang hihimatayin sa kanyang nakikita. Ang luha niya ay patuloy sa pag – agos mula sa kanyang mga mata. Ipikit – imulat man niya ang kanyang mga mata ay ang tagpong iyon pa rin ang bumubulaga sa kanya.

"Sydney?"

Napatingin siya sa pinanggalingan ng tinig at nakita niyang ang kanyang daddy iyon. Alam niyang kakauwi lang nito mula sa pagte – tennis.

Mabilis itong lumapit sa kanya ng makita siyang umiiyak.

"Sydney, what's wrong? What's –"

Hindi na naituloy ng kanyang ama ang sasabihin at mabilis na bumitiw sa pagkakayakap sa kanya. Alam niyang nakita na nito ang nakikita niya.

"Mga punyeta! Mga walanghiya! Ang kakapal ng mukha ninyo! Binababoy 'nyo ang bahay ko!" malakas na sigaw ng kanyang ama at mabilis na dinaluhong sa kama si Jack na pupungas – pungas at gulat na gulat.

"M – Mr. Avila!" gulat na gulat ito at natigilan ng makita siyang nakatayo sa pinto. Mabilis itong nagsuot ng pantalon at akmang lalapit sa kanya pero mabilis din itong sinuntok ng daddy niya.

"Demonyo kang walanghiya ka! Pinagkatiwalaan kita pero wawalanghiyain mo lang ang mga anak ko!" galit na galit ang kanyang ama at sinuntok muli si Jack.

"Daddy, stop it!" sigaw ng kanyang ate Margot. Hindi ito makaalis sa kama dahil wala itong suot na damit. Nakatapi lang ito ng kumot sa ibabaw ng kama.

"Isa ka pang babae ka! Hindi ka na nahiya! Dito pa sa pamamahay ko!" at malakas din itong sinampal ng kanyang ama.

"M – Mr. Avila, sir, pabayaan 'nyo po akong magpaliwanag. Mali po kayo ng inaakala. Wala pong nangyari sa amin ni Margot," sabi nito sa kanyang ama. Halos maglumuhod ito sa harap ng daddy niya.

"At gagawin mo pa akong tanga?! Hindi ako bobo! Napakawalanghiya mo!" at muli ay susugurin ito ng kanyang daddy pero mabilis na tumakbo ang kanyang ate na nakatapi ng kumot at yumakap kay Jack.

"Daddy please! Tama na! Huwag mo siyang saktan!" umiiyak na ang kanyang ate Margot.

Wala naman siyang magawa sa nangyayari. Gulat na gulat siya sa kanyang nakikita at talagang para siyang robot na nanonood lang ng nangyayari doon. Pakiramdam niya ay isang panaginip lang iyon. Isang masamang panaginip.

Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanila. Walang sinuman ang naglalakas loob na magsalita. Nakita niyang nanatiling nakayuko si Jack habang yakap ng ate niya. Lalo ng parang dinurog ang puso niya.

Maya – maya ay narinig niyang malakas na bumuntong – hininga ang kanyang daddy tapos ay nagsalita.

"Pakakasalan mo ang anak ko, Jack. Ayokong nabababoy ang pangalan ng anak ko," narinig niyang sabi ng kanyang ama. Kitang – kita niya ang pangangatal ng mga labi nito sa sobrang galit.

"S - Sir, handa po akong pakasalan si Sydney kahit ngayon na. Hindi na po namin hihintayin ang date ng kasal namin," sagot ng lalaki.

"Si Margot ang papakasalan mo! Akala mo ba ay papayag akong hindi mo panagutan ang ginawa mong paglalapastangan sa kanya? Kailangang maikasal kayo sa madaling panahon!" sigaw ng kanyang ama.

If I was the One (complete)Where stories live. Discover now