Chapter 14

626 44 28
                                    

Yumiko's POV

Pagkauwi ko ng bahay ay natulog lang ako di na ako kumain, natulog lang talaga dahil kailangan ko ng lakas para bukas

++++++++++++++++++++++++++++++++++++

nagising ako ng maaga kaya naligo na ako at dumeretso sa school

medyo marami nadin ang tao, may mga dala silang maleta, samantalang ako ay maliit na bag Lang

Mga ilang oras din akong naghintay noong dumating na ang iba kasama na don sina Justina

"Oh ready na ba kayo" tanong ko

"Yes naman" sagot ni Suzuki

umupo lang kami sa isang mahabang upuan at nag hintay

Maya maya ay hinahanap na kami

Pumunta na kami sa bus at tinignan ko muna saglit kung kumpleto nag section e, salamat naman at walang problema

Chineck lang ng mga teacher kung kumpleto kami at noong nacheck na ay pinaandar na ang sasakyan

nasa tabi ko si Zoe na mahimbing ang tulog

Dahil sa mahaba ang tulog ko ay di na ako inantok, tumingin nalang ako sa bintana at nag isip isip

Ilang oras din bago kami makapunta sa resort

Kasama ko sina Vherlyn, Vheirraline, Justina, Max at Kenneth may boys din sa room dahil daw sa protection

"Justina may pupuntahan lang ako" sabi ko tumango ito kaya umalis na ako

pinuntahan ko ang principal at sinabing iannounce na pwede na silang mag swimming

naglabasan na ang mga estudyante at nakita ko si Kira na lumalangoy mag isa

kinuha ko ang selpon ko at may tinawagan

"Mag isa na sya hitakin nyo na"

sabi ko sa tinawagan ko

tinignan ko lang sa malayo si Kira at halatang relax na relax ito

maya maya ay bigla syang nag panic at nagsimulang malunod

"Tulooooong!" sigaw ni Kira pero walang nakapansin nito dahil kakaunti lang ang lumalangoy, dahil nagluluto ang mga ito

kitang kita kong umuubo na ito kaya tinawagan ko na ang mga inutusan ko na itigil na

"Kira umpisa palang ito wag kang mag alala" sabi ko at nilapitan ang isang lalaki

"Kuya may nalulunid ata oh" turo ko kay Kira

narinig naman ng iba yun at nakita ko si keifer at yuri na nagmamadaling tumakbo papunta kay Kira

How pathetic

Noong nakaahon na sila ay Umubo ng umubo si Kira na para bang ito na ang huling ubo nya, nagulat sina keifee noong may kaunting dugo ang lumabas sa bibig ni kira

Hay Kira dapat patay ka na kung may Hika ka

Nilapitan ko sya at nilagyan ng twalya, tumingin sya sa akin ng masama pero nginitian ko nalang sya

"Call the teacher nasa room nyo kami" sabi ko kay yuri na takang taka pero sinunod din naman ako

"Anong ginagawa mo?!" tanong ni Keifer

"Di mo ba nakikita umubo sya ng dugo!" sagot ko sakaniya

"bakit bigla kang bumait? diba kahapon lang ay kinaladkad mo sya papuntang office" sabi ni Eman

"dahil di natin alam kung sino ang tama kahapon, atsaka ngayon naman ay kitang kita natin na umubo sya ng dugo ng walang kung suno man ang gumawa" sabi ko kaya napatahimik nalang sila

Ang Revenge ni Mutya (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon