Prologue

21 1 0
                                    

Kina's POV

This is it aalis na kami sa bahay kung saan ako lumaki. Anong pakiramdam? I feel so sad pero kailangan... Konting sakripisyo lang naman to para kay kuya. We need money for his tuition fee since he's schooling abroad. Kahit may scholarship, may mga kailangan pa rin kaming gastusin at nakakalula ang pera na kailangan namin para makatapos si kuya. Pero tama si Mama, dapat matuto kaming mag-sakripisyo lalo na at isang taon na lang naman ay ga-graduate na si kuya.

Makakaahon na rin kami sa kahirapan kahit papano...

"Anak ayos na ba ang mga gamit na dadalhin mo?'' My mother ask me.

Tiningnan ko ang isang maleta na puno ng mga damit, sapatos at iba ko pang mga gamit na kailangan ko. Sa tingin ko okay na kaya pilit akong ngumiti at tumango kay mama.

"Nak alam kong mahirap para sayo na iwanan ang bahay na pinamana ng Lola Zeinaida mo pero dadating din naman ang araw na matutubos din natin to basta't ang isipin muna natin ay ang pag-aaral ng Kuya Zack mo." Muling pag-aalo sa akin ni mama

Tumango-tango ako kay mama kahit nagbabadya na pumatak ang mga luha ko.

"Salamat sa pag-intindi mo Anak." Niyakap ako ni Mama at nilagay na yung mga dadalhin naming gamit sa jeep.

Mahirap sakin na iwan ang tahanan kung saan ako nag dalaga pero kung tutuusin mas mahirap ito para kay papa.

Dito din si papa lumaki, dito siya pinalaki ni lola. Kahit nag iisang anak lang si papa noon, mahirap ang naging buhay nila. Itong bahay na ito lang ang tanging maituturing naming materyal na kayamanan.

Pinamana pa ni Lola kay papa at sa tingin ko mas masakit ito ka kanya kaya wala akong karapatan na magreklamo.

Oo malungkot ako dahil ma mi-miss ko ang bawat sulok ng bahay na to lalo na yung bakuran kung saan kami naglalaro ng mga kaibigan ko dati, pero para naman to kay kuya at sa ikakabuti namin. Kaya kahit mahirap susundin ko pa rin kung ano ang nararapat na gawin.

At isa pa isasangla na ni papa ang bahay na ito sa isa niyang kaibigan, at may kasunduan na kapag naka-graduate na si kuya ay maaari na uli namin itong matubos at makabalik.

Hays ma-mimiss ko ang bahay na to

Sa halip na mag-emote, tinulungan ko na lang sila mama at papa sa paglalagay ng mga gamit namin sa sasakyan. Si papa ang may-ari ng pangpasaherong jeep, iyon ang kinabubuhay namin. Kaya kung tutuusin, kulang na kulang ang pera namin para maigapang ang pag-aaral naming dalawa, lalo pa at isang taon na lang ay mag ko-kolehiyo na rin ako.

"Wala ka na bang nakalimutan nak?" Tanong sa akin ni mama.

Teka hmm, inisip ko kung may nakalimutan ako mahirap na! Pero wala na kong maisip eh

"Mukang wala na Ma..."

"Sigurado ka nak? Malayo layo ang lilipatan natin, baka mahirapan tayong balikan kung may nakalimutan ka."

Dahil sa sinabi ni Mama naalala ko yung kwintas na pinamana sa akin ni Lola! Hala bakit ko nakalimutan yon?

"Ma, sandali lang, may kukunin lang ako!" Tumango naman si mama

Dali-dali akong bumalik sa bahay at umakyat sa ikalawang palapag kung saan naroon ang kwarto ko. Hingal na hingal ako mula sa pag takbo pero hindi ko na pinansin at binuksan ko yung pinakalumang kabinet sa kwarto ko.

"Sabi ko na nandito ka lang." Pagkausap ko don sa kwintas.

Hindi ko to madalas suutin dahil napakahalaga nito sa akin. Ito na lang ang natitirang ala-ala ko kay lola bukod sa bahay na to.

Ngunit dahil kailangan namin pansamantalang iwan ang bahay, sinuot ko na yung kwintas dahil gusto ko maaalala ko pa rin si lola.

Umalis na ako sa aking kwarto na ngayon ay ipapaubaya ko na sa kung sino mang bagong may-ari. Bumaba na ako sa hagdan.

Muli, sinulyapan ko ang buong bahay. Grabe wala pa rin pala itong pinagbago mula pagkabata ko. Antique pa rin ang disenyo at medyo naluma na ng panahon pero bakas pa rin ang ganda ng bahay na to.

Nakakalungkot...

Lumabas na ako at pinuntahan sila mama pero nakarinig ako ng mga hikbi.

Teka umiiyak ba sila? Akala ko ba dapat hindi kami iiyak sa oras na alis na kami. Andaya naman nila eh!

"Ma, pa?" Narinig ko bigla ang hagulgol ni mama.

Naabutan kong naiyak si mama habang nakatingin sa cellphone. Si papa naman walang tigil sa pag-alo kay mama pero maging siya ay nagbabadya na ring umiyak.

"Mama? Papa? Ano pong nangyari?" Napalingon sila sa akin. Lalong naiyak si mama...

"Kina, anak..." Nanginginig na boses ni Papa sa pagtawag ng pangalan ko.

"A-ang Kuya Zack mo..." hindi na natuloy ni papa ang sasabihin niya. Napayuko siya at niyakap si mama.

"Huh? Bakit po papa? Anong nangyari kay Kuya?" Kinakabahan ako. Ang sama ng kutob ko. Tumakbo ako papalapit sa kanila.

"Bakit po papa? Anong nangyari kay Kuya?" Napaiyak lalo si mama sa tanong ko kaya humarap ako kay papa. "Pa?"

"Ang kuya Zack mo

Nagdarasal ako sa kaloob looban ko na sana walang nangyaring masama

Na sana ayos lang lahat...

Na sana mali lang ako ng kutob...

Pero nabigo ako...

 wala na siya..."

________

Pinahid ko ang luha na pumatak mula sa mga mata ko.

"Okay class, dismissed." Anunsyo ng aming guro.

Naalala ko na naman. Yung araw na nawala si Kuya...

Nung araw na gumuho ang mundo namin. 

Nung araw na nawala sa amin ni Papa ang lahat

Nung araw na inatake sa puso si mama

Nung araw na nawalan ako ng kapatid at Ina

Walong buwan na ang nakalipas...

Pero ang sakit sakit pa rin

Leave Me or Live With Me?Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang