Hello Again (Last Wattpad Update)

Comenzar desde el principio
                                    


"Pero kapag nanatili po ang bangkay ni Rogelio dito sa Casa, mabubulok po ito at mangangamoy. Maaari po kayong magkasakit dahil po sa nalalanghap niyo. Isa pa, labag po ito sa batas."


"Alam ko. Pero nirerespeto namin ang desisyon ni Corazon. Kami na ang itinuring na pamilya ng dalawang 'yan. Kaya kung ano man ang maging desisyon ni Corazon, hahayaan na lang namin siya. Kailangan namin silang tulungan. Wala nang ibang nagmamahal sa kanila."


Lumamlam ang mga mata ko sa sinabi niya.


"Mayroon lang akong favor sa'yo, hija."


"P-po?"


"Wala sanang makaaalam ng tungkol dito."


Mukhang malabo din naman na may makaalam nito dahil wala silang kapitbahay. Kung mayroon man, milya ang layo dito sa Casa Castellano.


Kinuha ni Lola Soler ang palad ko. "Alam kong nahihirapan ka rito dahil sa masangsang na amoy. Kaya hindi kita masisisi kung aalis ka na mamaya at uuwi ng Manila."


Hindi pa ako puwedeng umalis. Hindi ko pa nakakausap si Klay para bigyan siya ng warning sa mga mangyayari.


"B-baka po rito muna ako nang ilang araw. Volunteer po ako para tulungan po kayo sa ibang gawaing bahay."


Umangat ang isang kilay ng matanda.


"'W-wag po kayong mag-alala. Makaaasa po kayo na walang makaaalam na may burol dito."


"Kahit sa apo ko na si Green? Hindi na niya dapat na malaman pa ang tungkol dito."


"O-opo. Hindi ko rin po sasabihin sa kanya ang tungkol dito." Sa tingin ko ay iyon ang makakabuti. Hindi na dapat madamay at malagay sa kapahamakan ulit si Green.


"Good. And if you're staying here for a while, kailangan mong malaman na mayroon akong isang rule."


"A-ano po iyon?" kabadong tanong ko.


"Pagsapit ng gabi, kailangan nasa loob ka na ng room mo. At  'wag na  'wag kang lalabas ng kuwarto mo kahit may marinig kang ingay, understand?"


Napalunok ako. Ganito rin iyong nasa premonition ko. "O-okay po..."


"Good. Pakitawag naman si Lolo Saul. Pakisabi na buhatin na niya ako pababa sa hagdan." 


Tumango ako. "S-sige po."


Aalis na sana ako nang bigla siyang magsalita. "Hindi mo ba itatanong kung bakit bawal kang lumabas ng kuwarto mo sa gabi?"


Napahugot ako nang malalim na paghinga. "B-bakit po? Ano po bang mangyayari sa akin kapag lumabas ako nang gabi?"

Casa Inferno (The heart's home)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora