Page 9

280 12 0
                                    

Selena's Sentiment



________________________





"If you continue ignoring me, I might kiss you again."






Napatingin ako kay Blagden na nagd-drive. It's Monday and back to school nanaman. Ang bilis ng araw.






The kiss...the kiss happened yesterday. Hindi ako makagalaw sa upuan ko after he let go of my lips, tumayo nalang ako at umalis doon. I am not really ignoring him, I don't know. Hindi ko talaga alam.






"Are you mad?" he said as he parked the car on the university's parking lot. He was about to reach for my hand when he stopped himself. "I'm sorry..."





Tumingin ako sakaniya. "You're not sorry..." umirap ako.





He bit his lower lip to stop himself from smiling. "I'm not sorry for the kiss.... I liked it." he looked away. "I'm sorry for shocking you."






I looked at him. Sinalubong niya yung tingin ko, waiting for my reaction. "Honestly, I was shocked. I'm kinda mad at you..." Nagsalubong yung kilay ko at padabog na sumandal sa upuan. Wala akong pake kung makakabili na ng isang building 'tong kotse niya, basta nagtatampo ako. I crossed my arms in front of my chest.






"Why are you mad?" he gently asked me. Buti nalang heavy tinted 'tong kotse niya at hindi nakikita ng ibang students na pumapasok pagt-tantrums ko. Except sa mga nagagarahan sa car niya at talagang napapalingon.






I rolled my eyes. "You stole my first and second kiss, and now, pati yung third..." padabog kong sabi.





Tumingin ako nang masama sakaniya nang marinig ko yung tawa niya. "I'm sorry, I'm sorry..." he covered his mouth while looking at me, pinipigilan niya yung sarili niyang tumawa. "You're just too cute."





I glared at him before looking away, tumingin ako sa bintana at kunwaring tinitignan mga pumapasok na students but I just hid my face. Damn, I'm blushing.







Tangina, nagtatampo ako e.






When I was able to contain myself, I looked at him and glared. "Alam mo, bahala ka na dyan!" I exclaimed and opened the door.





Naglalakad na ako papasok nang building when I heard his voice from behind.





"Alair, wait!" binilisan ko yung paglakad ko but no use, kahit binilisan niya lang ng konti yung paglakad niya, naabutan niya na ako.





Nasa hallway na kami at tumatabi talaga yung ibang students and same reaction ng mga girls na parang maiihi na pag nalalampasan namin sila.






"I never imagined na manunuyo ako." I heard him said before entering the class. Maaga palang but nandito na almost lahat ng kaklase ko. Athena saw me and ngumiti nang lumipat yung tingin niya sa likod ko.







Ako yata mang f-fo dito, e.






Paglapag ko ng bag ko ay tumayo ako at pumunta sa cr. Naramdaman kong sumusunod pa rin saakin si Blagden but when he saw that I'm going to the cr, he stopped.






"Oh, ano? Sasama ka?" asar ko.






Napailing nalang siya bago umatras. "Hindi, ho." may pang aasar sa mga mata niya.






Tutorial for MarriageWhere stories live. Discover now