Chap. 6.2:Takas Mode Again..

Start from the beginning
                                    

"Hoy, Hoy bawal ang pulubi dito sa loob.." pingilan ako ng isa sa mga nagbabantay.

"Pero..~"

"Papasukin mo na siya, Tacko.." SAVE..! Si Kuya Jonathan yun...  Buti naman at nandito siya.

"Ok.. Sir..!" bumalik na sa counter yung tinawag ni Kuya Jonathan na Tacko.

"Pagpasensyahan mo na si Tacko, bagong employee kasi siya dito."

"Ok. lang yun, pero nasan si Pamela??"

"Nagpalit na siya ng day-off...  Wala siya tuwing martes kasi yun din ang day-off ni Harold.."

"Sino si Harold..??"

"Si Harold yung lalaki na tindero sa grocery store, dun sa tapat ng public library.."

"Bakit ano bang meron???" 

"Hindi mo ba alam na boyfriend na Pamela yun"

"Oh talaga??  Bakit???  Papaano???"

"Sa kwento sakin ni Pamela...  May binili daw siya sa grocery store na hindi naman niya ginagamit tapos may isang lalaki daw na lumapit yung sa kanya, hinihingi yung number niya...  Lumapit yung Harold tapos sinabi na hinid na daw siya pwede sa iba kasi sa kanya daw siya..."

Teka...!  Parang ganito yung kwento na sinabi ko kay Pamela sa public library ah...  Bakit nagkatotoo...???   Pero sadyang mapaglaro ang tadhana ...  Buti pa si Pamela may boyfriend na, samntalang ako...  Huwag kang mag-alala Mika, may lovelife ka ring maipagmamalaki pero sa ngayon ang kailangan mong isipin eh...paano matatakasan ang  utang mo....

"Nga pala, pwedeng makiligo..??"

"Oo naman...!"malapad na ngiti ni Kuya Jonathan.

"Eto yung bayad ko.." iniabot ko ang natitirang kong 5 pesos.

"Huwag ka ng magbayad..."

"Sige na, kapag hindi mo tinanggap 'to magagalit ako sayo"

"Sige na nga..!" kinuha na rin niya ang 5 pesos...  Takot talaga siyang magalit ako sa kanya..

Pumasok na ako sa shower room for girls...  Doon ako sa dulong cubicle dahil doon nalang ang natitirang bakante...  Ang tanging humaharang lang sa bawat cubicle ay nahahawing kurtina...  Tinanggal ko na ang fake kong buhok na buhaghag at damit pampulubi...

JONATHAN'S P.O.V

Si Mika ba yung nakikita kong papasok sa Net Hauz???  Oo nga! Lumabas ako sa counter para puntahan siya.

"Hoy, Hoy bawal ang pulubi dito sa loob.." sigaw ni Tacko kay Mika

"Pero...~"

"Papasukin mo na siya, Tacko"

"Ok..sir.." bumalik na si Tacko sa counter.

"Pagpasensyahan mo nalang si Tacko, bagong employee kasi siya dito.."

"Ok lang yun..blah blah blah~~~~"

Sinundan ko nalng ng tingin si Mika papasok sa shower room...  Kahit mukha siyang pulubi eh...ang cute cute pa rin niya...  Sana hindi nalang siya umalis ng bahay, yan tuloy namimiss ko siya...

Habang nag dedaydream ako eh may biglang pumasok na dalawang lalaki sa Net Hauz...  Lagot.! Sila yung mga lalaking pinagkaka-utangan ni Mika...  Anong gagawin ko???  Papalapit na sila sa counter.

"May dalaga bang pumunta dito...???" inilatag nung isa ang picture ni Mika

"Wa-wala po.." pautal-utal kong sagot dahil pinangungunahan ako ng kaba.

Pero mukha yatang nahalata ako.."Halughugin ang buong kwarto..!" sigaw niya.  Nagsimula na nilang isa-isahin ang bawat cubicle.

"Wow...!  Ang cute naman nito..!" habang hawak ni Tacko ang picture na inilatag nung isang lalaki...  PATAY...!!! Nasa tapat na sila ng shower room.

"Boss may shower room dito pero nakalock ang pinto.." sigaw nung isang lalaki

"Kunin mo ang susi.."

Ako yung tinutukoy nung lalaking boss yata...  Wala naman akong nagawa kun'di ibigay ang susi...  Bago makapasok ang dalawang lalaki. "Mahal na mahal kita.." sigaw ko...  Sana lang narinig ni Mikaella dahil ito ang babala para sa kanya na ang ibig sabihin ay NANDYAN SILA..

Pagpasok ng dalawang lalaki, kinabahan ako pero nakahinga ng maluwag ng makita kong tumakbo palabas si Mika sa shower room (buti natakasan na naman niya ang mga yun) pero hinabol na agad siya palabas...

MIKA'S P.O.V

Mabuti nalang at natakbuhan ko agad sila sa shower room (thanks sayo Kuya Jonathan) pero hanggang sa kalsada eh hinahabol parin nila ako...  Saan man ako pumunta eh..nakasunod parin sila (ang liit-liit kasi ng biyas ng mga hita ko eh..).  ARAY..! ARAY! Biglang sumakit ang tiyan ko..siguro dahil to sa panis na kinain ko kaningang umaga...  WRONG TIMING..!!!  Malapit na nila akong abutan dahil bumabagal ang takbo ko...  Pero teka...ano yun??  May nakikita akong piso sa gitna ng kalsada...  Sakto, wala pa naman akong pera ngayon..

Mabilis akong tumakbo paunta sa gitna ng kalsada para kunin ang piso pero bago ako makatayo eh..may isang magandang kotse ang papalapit sa'kin..  PAPALAPIT ng PAPALAPIT ng PAPALAPIT hanggang sa di ko na nakita kong nasagasaan ba ako dahil biglang nagdilim ang paligid...

AUTHOR'S NOTE: Ayan dalawang chapter sa isang araw....

Malapait na kasi ako sa favourite kong part sa lahat...

Editing: Dont Read...Where stories live. Discover now