"Clear?" tanong ko.

"Yes. Tinapos ko na, nilinis ko na. Ako na ang gumawa kanina."

"Teka. Paano?"

"Sa tulong ng Lolo at lola mo. And now. Nasa Farm na si Reid then, habang wala ako at ikaw ay nandito pa. Ikaw na ang bahala kay Samira."

"Pero akala ko sabay nating gagawin yung plano?" bulong ko.

"Kaylangan kong kausapin si Lolo. Iyon naman ang mission ko duon. At bilang kuya ni Samira. Gusto ko maramdaman naman niya na may Kuya sya na handang tumulong sa kanya." seryosong sabi nya

"Mukhang nag matured ka na huh." pang-aasar ko pa sa kanya.

"At ikaw bilang Ate nya na tutulong sa kanya, kapag may problema sya." sabi pa nya sakin, hinawakan ang dalawang kamay ko at dinampian nya ng halik.

Hindi ko na talaga maintindihan ang nararamdaman ko, parang nagkakarambol rambol na sa kaba. Ibang Samraz na naman ang kaharap ko.

Ano ba ito bakit ang lakas naman ng kaba ko. Hindi ka naman ganito Samraz. Wag mo ko pakabahin ng sobra. Baka mahimatay ako.

"S-sige na, kaylangan ko na magpahinga." sabi ko pa at tinalikuran ko sya.

Bago pa ako makahakbang ay muli nyang hinawakan ang kamay ko at hinila nya ako papunta sa kanya, kaya napaharap ako. Ang isang kamay nya ay nasa bewang ko.

Niyakap nya ako at idiniin ang sariling katawan sakin.

"Ano bang ginagawa mo? Bitawan mo nga ako." sabi ko sa kanya pero parang wala syang narinig.

Kinakabahan na naman ako, wala ng hinto hinto ang kaba ko. Halos maduling na ako sa titig nya. Ang mukha nya, malapit na malapit sa mukha ko hanggang sa dumampi ang matangos nyang ilong sa ilong ko. At ilang saglit pa ay hinalikan nya ako.

Shit!!! Ang first kiss ko. Sabi ng isip ko.

Pero para akong nawalan ng ulirat, ng maramdaman ko ang lambot ng labi nya. Ang sarap pala ng halik. At kung may anong kuryenteng gumapang sa katawan ko.

Ngayon ko lang naramdaman ang ganong pakiramdam. Halos malunod ako sa halik nya. Hanggang sa parehas kaming naghahabol ng hininga.

Muli na naman nya akong hinalikan ng makabawi sya ng hangin. Pero ang halik na yun ay kakaiba na. Ang kamay nya na nasa bewang ko ay parang nanggigil na sa paghawak sakin lalo na ng maramdaman kong pinisil nya iyon kaya bigla akong natauhan.

Huminto ako at tinulak sya, may kakaiba kasi akong naramdaman sa loob ng katawan ko. At hindi ko alam kung anong tawag sa naramdaman ko na yun.

"S-sige na. P-papasok na ako. G-goodnight." utal utal kong paalam sa kanya.

Muli ko syang tinalikuran at nagmadaling pumasok sa loob hanggang sa makarating ako sa kwarto.

Shit! Bakit ganon yun naramdaman ko sa kanya.

Habang nakahiga, di ko napigilan sarili ko mapagakat sa labi ko. Para akong tanga na iniisip ko sya habang naghahalikan kaming dalawa.

"Ano ba! Bakit ang sarap ng halik na yun? Ganon ba talaga ang lasa nun?" tanong ko sa sarili ko.

"Hindi pwede to. Hindi ako pwedeng mapuyat dahil lang sa kanya. Dahil bukas na ang birthday ko." sabi ko pa sa sarili ko. Ngunit pagpikit ko. Sya ang nakita ko.

Piste! In love na ba talaga ako? Lagi na sya sa isip ko.

••••

K i n a b u k a s a n ....

Habang natutulog pa ako na may narinig akong kumakanta sa loob mismo ng kwarto ko.

"Happy birthday to you... Happy birthday to you.. Happy birthday happy birthday.... Happy birthday to you...." rinig ko ang dalawang boses na nagsasabay ng pagkanta. Boses lalaki at boses babae. Nang mabosesan ko kung sino sila. Halos lumaki ang mata ko. At bumangon kaagad.

"Happy birthday!!!." bati nilang dalawa. Si mom and dad. May hawak pa silang Cake.

Parang gusto kong maiyak. Ngayon lang kasi uli ginawa ni mom and dad ang gisingin ako at kantahan ng happy birthday.

"Mom.... Dad... Nanaginip po ba ako?" tanong ko sa kanila na mapaluha ako.

"No honey. Hindi ka nanaginip. Gising na gising ka." sabi ni mommy at umupo sa kama, sa tabi ko.

"Akala ko hindi po kayo makakauwi sa araw ng birthday ko." sabi ko at di ko na napigilan umiyak.

"Ang baby ko iyakin pa rin." sabi ni Dad at niyakap ako.

"Masaya lang po ako. Akala ko talaga wala kayo ngayon." sabi ko habang patuloy sa pag luha ang mata ko.

"Halos isang araw ang flight honey." paliwanag ni mama. Kaya pala walang naisagot sila lolo at lola dahil nasa byahe na pala sila mom.

"Ang importante. Nakauwi pa rin kami sa mismong araw mo." sabi pa ni Dad.

Matagal kong hinintay ang pagkakataon na ito na. Muli ko silang makasama sa araw ng kaarawan ko.

"Oh. Blow mo muna ang cake mo." sabi ni Dad at sinindihan ang candle.

"Mag wish ka muna." sabi naman ni mom. Kaya na wish ako agad at hinipan ko ang kandila.

"Ano naman ang winish mo?" nakangiting tanong ni Dad.

"Sana po magka-boyfriend na ako." nakangiti kong sagot.

"Pero, may boyfriend ka na diba?" tanong ni Mom.

"Huh? Wala pa po akong boyfriend mom."

"Wala? Eh diba si Samraz, boyfriend mo na?"

"Hala! Saan nyo naman napulot ang kwentong yan?"

"Kay Samzar. Sinabi nya sa mama at papa nya na may relasyon na kayong dalawa." sabi pa ni mom kaya gulat na gulat ako at umabot pa kila tita at tito ang kalokohan ni Samraz.

"Sige na, bumangon ka na. Maaga pa lang nanjan na ang mag o-organize ng party mo." sabi ni Dad. Pagtingin ko ng oras alas nuebe na pala ng umaga.

"Sige po mom... Dad... Maya-maya bababa na din ako." sabi ko.

Lumabas na sila ng kwarto ko, na bitbit ang cake na pasalubong nila. Lumingon pa si mommy at kinindatan ako.

To be continued...

Accidentally In Love with my FrenemyWhere stories live. Discover now