She's friendly pero for some reason, yung magkapatid lang ang palagi niyang kasama. Kapag may iba siyang kausap ay mas nagiging polite ito at medyo formal. Para bang naglalagay siya ng boundary depende sa kung sino ang kausap o kakilala.

She's like that. She shows different sides of her depending on the relationship she has with people.

It's been just like months since we've known each other. Ni hindi ko pa siya ganap na kilala. Kung ano lang ang pinapakita niya at napapansin ko, iyon lang ang alam ko.

"Hindi ako special, Eris." sagot ko.

Kahit naiilang man ako dito sa expensive style niya ay nagsimula na akong kumain. Ayoko naman masayang ang effort niya dahil una, sure akong hindi biro ang mag-rent ng buong restaurant. Aware akong may kasamaan ang ugali ko pero hindi pa naman ganoon kasagad.

Tsaka gutom ako. At mas nakakagutom mag-isip bukod sa nag-defense kami kanina.

She seemed relieved when I took a spoon of food. Saka siya nagsimulang kumain na rin.

"I'm far from special."

"You are...at least to me."

Ayoko nitong current ambiance. Sanay ako na mas nagtatalo kami, na sinusungitan ko siya. Hindi yung ganito. This feels like a date no matter how I look at it. Nakakaputangina talaga itong babaeng 'to.

"Hindi, Eris." Kumunot na ang noo ko. "You just find me different."

"Parehas lang naman 'yon, eh."

"Magkaiba."

"Parehas lang."

Parang gusto ko siyang saksakin ng tinidor. "Magkaiba sabi."

"How did you say so?" She argued calmly. "You're special, you can't deny that privilege to me. You're different, you're special, that's the same thing to me."

"Kulang ba vocabulary mo?"

Tumawa siya. "Bianca, you're special, just accept my truth."

"Well, let me tell you that your truth is fleeting."

Nakaka-pressure maging special. If she thinks that's me, hanggang kailan yung ganoong treatment? Being special means being someone living to a standard of someone else's, if something changed in me, how's that?

Sampalin ko 'to, eh.

"May gusto ka ba sa akin?"

Tinaas niya ang isang kilay na para bang aliw na aliw siya sa tanong ko. Feeling ko tuloy ang tanga ng tanong ko kasi nakaka-badtrip yung pag-smile-smile niya!

"Sinabi ko na sa'yo una pa lang na gusto kita maging girlfriend. Or more like I'm claiming you to be one. Nakailang subok na ako pero ayaw mo naman."

Natahimik ako at inalala yung dati. She's right, pero gago ba siya? Puro kaya siya joke. Hindi ko nga alam kung alin yung totoo minsan. Tsaka hindi naman halata sa kanya.

"Hindi mo lang kasi sineseryoso yung sinasabi ko, umaangil ka kaagad."

"Straight ka, 'di ba?" Tumango siya. "So hindi mo ako gusto? Like in a romantic way?"

"If I don't, I won't have these thoughts about you." She wriggled her eyebrows suggestively.

Out of impulse ay napatakip ako sa katawan ko. "Puta. Dati ka bang manyakis?"

"If being attracted to someone and wanting to do a lot of things is being manyakis, then maybe I am." Nagkibit siya ng balikat. Parang wala lang yung sinagot niya samantalang ako ay lalo lang yatang nagulumihanan. "Gusto kitang alagaan, gusto kitang nakikita. Minsan gusto kitang halikan, o hawakan, o kaya naman ay—"

"O-okay na! Okay na!" Todo pag-awat ko dahil may balak pa yata siyang idetalyado ang lahat. "Kumakain tayo, ayoko mawalan ng gana."

"Grabe ka naman." Imbes ma-offend ay tuwang-tuwa pa ito. "So, ano?"

"Anong ano?"

"You just made me confess today, what will be your answer?"

"Edi siyempre no."

"Bakit naman?"

Tiningnan ko siya. Seryoso ba siya? "Kasi hindi kita gusto?"

"Pero gusto mo akong kaibigan?"

"Ewan ko. Hindi rin siguro."

"Let's start with that. Start liking me as your friend." Napatitig ako sa sinabi niya. She mouthed what na para bang walang wrong sa sinabi niya. "Bakit parang aangal ka na naman?"

"Are we even friends?"

"Oy, Maria Clara, don't be mean to me. We're friends na, remember?"

"Fine." Kung mag-usap kami ay parang wala lang. Siguro dahil hindi niya rin bini-big deal, ayaw niya siguro maging mas awkward.

"About this kind of setup, I promise I won't do this again without telling you. Pero seriously, can I invite you next time without you lashing out on me?"

"Basta hindi mo ako iinisin."

"Ikaw nga kasi itong mabilis mainis," rason niya. "Is this too much for you?"

"Too expensive and luxurious." Tumango ako. No'n ko napansin na parang na-down ito. Para namang nataranta ako. "Pero pagbibigyan kita ngayon, given na naging considerate ka lang. Hayop ka."

"Thank you," She smiled. Nakahinga naman ako ng maluwag. "So, that's that then. Let me know if you're starting to like me na in a romantic way."

"Luh, gago ka ba?"

"What? I'm trying to court you here."

"Ligaw tawag mo riyan?"

"Hindi pa ba?" tanong niya. Nagkibit ako ng balikat. "See? So nililigawan na kita."

"Pwede ba ako mag-backout?"

"Pwede mo ako i-basted pero pwede next time na?" Nagpa-cute ito sa harap ko—she was battling her eyelashes with a smile na parang nagpapaawa na ewan.

Pabebe amputa.

Inirapan ko siya. Parang gusto kong matawa. Tangina. Natatae pa yata ako, ano bang pakiramdam 'to, may something-something sa tiyan.

"Malinis naman cr dito, 'no?"

_____

Discord (GL) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon