CHAPTER XII

1.4K 39 0
                                    

JHOANNA'S POV

"JHOANNA!" Biglang sigaw sa akin ni Maloi kaya gulat naman akong napatingin sa kaniya.

"Kanina ka pa namin kinakausap, okay ka lang ba talaga?" Tanong niya kaya tumango na lang naman ako.

"Ano nga ulit tong topic natin?" Tanong ko sa kanila kaya napailing na lang naman sila at napatingin na lang ako sa kanila.

May group activity kasi kaming kailangan gawin at si Gwen, Maloi at Sheena naman ang kagrupo ko habang sila Ate Aiah, Colet, Mikha at Stacey naman ang magkakagrupo. Kaya kila Ate Aiah na muna siya sumabay habang kay Gwen naman na kami sumabay nila Maloi at Sheena papunta rito sa condo ng pinsan ko.

"May napapansin ba kayong kakaiba kay Stacey?" Biglang tanong ko sa kanila kaya sabay-sabay naman silang napatingin sa akin.

"Kay Stacey?" Takang tanong pa ni Gwen kaya tumango naman ako

"Bukod sa hindi na kayo masyadong nag aaway, wala naman na masyado" Sagot sa aking ni Maloi

"Hmm tsaka lagi na kayong sabay pumasok" Sagot naman ni Sheena

"Lagi rin kayong sabay kumain sa classroom" Dagdag pa ni Gwen kaya napailing na lang naman ako at huminga ng malalim.

"Kay Stacey ang sabi ko, hindi sa amin" Nasabi ko na lang sa kanila at binasa na ang mga nagawa nila.

Tinapos naman na muna namin ang dapat namin tapusin bago pa namin maisipan na magpa deliver ng pagkain.

"Ano bang problema?" Biglang tanong sa akin ni Sheena kaya taka pa akong tumingin sa kaniya

"Saan?" Tanong ko pa.

"Sa inyo ni Stacku" Sagot pa niya, umiling naman ako bilang sagot at pinagpatuloy na lang ang pagkain sa pizza ko.

Tumitig lang naman sa akin ang tatlo kaya tinignan ko na lang sila ng masama

"Mukhang okay lang naman kayo ni Stacku, sabay kayong pumasok, sabay pa rin kayong kumain sa room, sabay pa kayo umuwi minsan" Usap pa ni Gwen kaya tumango tango na lang ako

"Okay naman talaga kami, hindi ko alam pero parang may dapat pa ako malaman tungkol sa kaniya" Sagot ko sa kanila at sila naman ngayon ang takang tumingin sa akin.

"Good news ba yan? O bad news?" Nag aalangan na sagot ni Maloi sa akin kaya nakibit balikat na lang naman ako.

"Good news pag mali hinala ko, bad news kung tama" Sagot ko. At sana mali talaga ang hinala ko.

Napaisip naman sila sa sinabi ko at napailing.

"Hindi ko gets!" Nasabi na lang ni Sheena, lumapit naman sa akin ni Gwen at inakbayan pa ako

"Kung ano man yan naiisip mo, ipagpaliban mo na muna yan, sabi mo nga, okay naman kayo ni Stacey, edi walang problema" Seryosong usap sa akin ni Gwen kaya napatingin na lang naman ako sa kaniya.

"Ikaw nga, magsabi ka nga sa amin, may gusto ka na ba kay Stacey?" Seryosong tanong pa ni Maloi kaya taka pa akong napatingin sa kaniya.

"Ako? May gusto kay Stacey?" Paniniguradong tanong ko pa sa kaniya, napatingin naman ako kay Sheena ng bigla siyang nagsalita.

"Malinaw na iInulit mo lang yung sinabi niya" Sabay turo kay Maloi.

Napailing naman ako bilang sagot kaya bahagya pa akong tinulak ni Gwen at napatayo pa sa tabi ko.

"Ang torpe mo naman, Jho, kaibigan ka ba talaga namin?" Tanong pa ni Gwen kaya natawa na lang naman sila Malaoi at Sheena.

"Kaibigan niyo ko, pero gaya niyo, kaibigan lang din turing ko kay Stacey" Sagot ko, hindi naman na sila nakipag talo at tumango tango na lang na kunwari pang naniniwala sa akin.

"Pero alam mo, Jho, payong kaibigan lang ah" Biglang usap pa ni Maloi at seryoso pang humarap sa akin.

"Kung may gusto ka, gawin mo, sabihin mo, hawak mo buhay mo, mahirap magsise sa huli" Seryosong usap niya kaya napatitig na lang ako sa kaniya.

"At isa pa, maikli lang ang buhay, ang mga kinabukasan, lagi yan walang mga kasiguraduhan" Dagdag pa niya kaya agad na nanlaki ang mata ko sa mga sinasabi niya.

Kung ang kinabukasan ay walang kasiguraduhan
Pwede bang ituring natin ang ngayon na para bang walang hanggan?

"Siguro nga" Nasabi ko na lang at napasandal na lang sa sofa. Taka naman silang napatingin sa akin.

"Siguro nga, ano?" Takang tanong pa ni Sheena. Napahinga na lang naman ako ng malalim.

"Siguro nga may gusto talaga ako kay Stacey" Sagot ko kaya agad naman napangiti si Maloi at Sheena habang kunot noo naman nakatingin sa akin si Gwen at sinipa pa ang binti ko.

"Anong siguro nga? May gusto ka talaga kamo! hindi ka naman magkakaganyan kung wala no!" Naiinis pang usap niya kaya natawa na lang naman ako.

"Ngayon lang kita nakitang nagkaganyan, first time 'to kaya kailangan malaman nila Mikha 'to" Natatawa ng usap niya habang dinudukot sa bulsa niya ang cellphone niya, agad naman akong napatayo para pigilan siya atsaka umiling.

"Huwag mo muna sabihin kay Mikha" Pakiusap ko sa kaniya, taka pa siyang tumingin sa akin bago ako tanungin.

"Bakit?"

"Hindi ko alam pero please wag muna, kahit kay Colet na lang" Pakiusap ko pa sa kaniya, kahit takang taka pa rin siya ay tumango pa rin siya kaya napangiti na lang ako.

Bakit pakiramdam ko maling magustuhan kita?
Bakit ngayon pa kung kailan ako sayo'y tinamaan na?

Will She Come BackWhere stories live. Discover now