[Twenty] His fallin'

112 56 0
                                        

A/N: Hello shawncola! I know you love shawn mendes! so as a thank you, I love to dedicate this episode to you. Thank you so much for being his fangirl! Ilysm! :)

And for the others hope you'll still support this story, specially to those silent readers out there! Kawaiii!! Ilysm! XD

Donita's Pov

Para akong batang dali daling nagtatakbo papuntang dagat.

"Hellowwww!!!! ako si donita divine!!!! Naririnig nyo ba ko?!!!! Hahhahaha!!" Nagsisigaw ako sa dagat. Ang sarap pala sa pakiramdam. Ang lamig ng simoy ng hangin at ang sarap sa talampakan ng mga buhangin. Tinanggal ko kasi yung suot suot kung rubber shoes at nagpaa lang.

"Ako si Gray McGregor!!!! At Oo! Naririnig kita! Hahaha!!!" Nakisigaw din si Gray sa akin. Haha. Ang cute nya tignan. Sabay Nagtawanan kaming dalawa.

"Hoyyy mga Baliw!!! Tara na!" Pagawat samin ng inggiterong Mayabang.

Nang magdilim na ay sinimulan na naming mag bonfire. Tapos nagpacircle kaming tatlo. Kokonti lang ang mga turista kaya medyo tahimik ang lugar.

"Mag kwentuhan tayo ng nakakatakot?" Pagyaya ko. Tahimik kasi silang nag iihaw ng fish at marshmallows. Naiinip tuloy ako.

"Wala akong alam na kwentong nakakatakot." Sabi ni Chicken head.

"Ako meron. Nabasa ko lang to sa site habang sinisearch ko tong place na to. Tungkol to mismo dito sa lugar." Pansingit ni gray. Sabay nagsitinginan kami sa kanya.

"Kwentong hindi kapanipaniwala. Sabi ng Mga residenteng Malapit sa lugar na to, e may nagpakamatay daw dito, isang babaeng winakasan ang Buhay dahil sa isang hiling. Kwento Kwento kasi ng mga matatanda na may magic daw tong lugar na to, na kapag humiling ka sa mismong lugar na to, Ay magkakatotoo daw. Ang kaso, Buhay mo daw ang kapalit. Gagamitin yung katawan mo mismo para makuha ka. Kaya ganun yung ginawa ng babae kaya namatay sya. Parang sinapian para makuha yung buhay nya. Ohh diba? Hindi Kapanipaniwala."

"Maglaro na lang tayo ng truth or dare." Pagiba nya sa topic. Pero parang interesting yung kinuwento nya kanina. Try ko kaya yun? Hehe.

"Sige! Game ako dyan." Sabi ko. Hehhe Lagot kayo sakin. Kailangan may malaman ako.

"Ikaw mauna donita, ladies first diba?" Asar tong si chicken head e. Ako pa pinauna.

"Ikaw na lang mauna, dalawa tayo Isa lang sya." Sabi ni gray kay chicken head. Salamat naman. Your my hero.

"Truth or dare?" Gray. Seryoso ata sya.

Magtruth ka!! Please!! Kinakabahan tuloy ako. Bakit kaya?

"Truth."

Hehehe. Yes! Pwede quit nalang ako. Grabe lakas ng tibok ng Puso ko.

"May gusto kaba kay Donita?" 

owwwwwwwo what the?!!!

"Ano bang klasing Tanong yan gray?" Sabi ko. Kakahiya! Ayoko malaman. Wàaaaaaaahhhh!!!

"Choice nya yan, Nagtruth sya e."

"Wala." Sabay Napatingin ako sa kanya. Biglang may Kirot akong Naramdaman. Para akong nabagsakan ng langit at Lupa sa narinig ko. Huhuhu! Sabi na e.

"Ako naman tanungin mo." Utos ni gray sa kanya. Kasali pa ba Ko?

"Gusto mo ba sya?" What?!! Ano ba kayo?!

owwwwwwwo what the?!!!

"Anu ba yan!" Naiinis na ko.

"Oo." Sumagot agad si Gray. Anu ba gray nagloloko ka lang diba? Bawiin mo please!

Show YouWhere stories live. Discover now