Operation 16: Threats

26 1 0
                                        

OPERATION 16

Threats

Renz's POV

"Ang tagal naman, tsk. Asan na ba yun?" Reklamo ko. Anak ng tinapa nakakabagot na. Kating-kati na akong lumabas sa kwartong 'to para kumain. Pero kailangan pa daw hintayin yung mga kasama sa kwarto. Sino ba kasi yung kasama ko at napakatagal naman.

"LECHE. Pa'no na 'to, susme sana di na lang ako sumama!"

Teka, si Alexandra yun ah? HAHA. Ang lakas naman ng boses. Rinig na rinig kahit nakasara yung pinto.

Napapitlag na lang ako nung bigla siyang pumasok sa kwarto. Ganon din siya nung makita niya ako.

Siya ang roommate ko?!

"Hoy gangster ka anong ginagawa mo dito?!" Pasigaw niyang tanong. Hindi pa nakasara yung pinto niyan ah. Tsk ang ingay.

"Baka naman kuwarto ko 'to,"

"Ano?! Eh kwarto ko 'to ah!"

"Tsk, ingay mo," HAHAHA. Bahala kang maasar diyan. "Tutal nandito ka na, bababa na ako. Dalawa naman yung kama eh, tsaka feeling mo naman may gagawin akong masama sa'yo," tinalikuran ko na siya.

"Grrrrr LECHE! Madapa ka sana! >______

Napangisi ako.

***

Lumabas ako sa hotel para magpahangin. Hindi naman sapat pera ko para kumain sa mga mamahaling kainan na yan kaya mas magandang maglibang na lang.

"Uy Renz, napadpad ka sa labas?"

Lumingon ako kay Steve na nakaupo sa may hagdan. "Bawal na ba?" Umupo ako sa tabi niya. Patambay tambay lang pala siya dito eh.

"Sus. Nga pala nabalitaan mo na ba?" Angas mo ring gunggong ka eh. Tsk.

"Ang alin?" Na tatanggalin ka na sa gang?

"Nasundan daw tayo,"

Napakunot ang noo ko at tumingin sa kanya. "Ng Alpha?" Tumawa ako. "Nagbibiro ka ba?"

Inaasahan kong tatawa rin siya. Pero hindi. Umiling lang ang loko. "Bahala ka kung hindi ka maniniwala. Palibhasa kasi mahina ang tingin niyo sa akin. Para namang wala akong naitutulong sa gang na 'to," himutok niya.

Napailing ako. "Drama mo, 'tol. Alam mo, kung nasundan nila tayo edi sana kinontak na tayo ni Zyden," pampawala lang ng kaba yan. Para kasing natatakot siya na ewan.

Magsasalita pa sana siya kaya lang may tumawag sa kanya. Tumayo naman siya agad at nagpaalam. Tinanguan ko lang siya. Anong oras na ba? Nung sumulyap ako sa relo, 9:30 pa lang ng umaga. Ano kayang magandang gawin? Nakakainip.

Biglang tumunog ang astig kong cellphone. May text pala.

1 message received

Zyd

Zyden? Napakunot ulit ang noo ko. Sa di malamang dahilan ay bigla akong kinabahan. Minsan lang kasi na magpadala siya ng message, at sa ganitong pagkakataon pa.

From: Zyd

Nasundan nila kayo. Sabihin mo lang saken at tatawag ako para pag-usapan yung plano.

T*ngna, lagot na.

Paano nangyari yun? Ang layo layo ng lugar na 'to. Hindi pwede. Tsk. Pero kailangan ko ring makasiguro.

Nagreply ako kay Zyden para makatawag na siya. Sa ganitong sitwasyon, buong gang na agad ang tinatawagan. Kaso ngayon, mahirap na, malayo pa. Kaya mas maigi kung kami na lang munang dalawa ang mag-uusap.

"Zyden," sabi ko pagkasagot sa tawag. Lumayo pa ako ng konti sa hotel at luminga-linga sa paligid. Baka may makarinig.

[Nasaan ka?]

"Sa labas ng hotel. Zyd anong nangyari? Panong nasundan kami? Imposible naman yun! At.. paano mo nalaman?" Hindi ko talaga maisip kung bakit nga ba nangyayari lahat ng 'to. Nakakainit ng ulo.

[Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung bakit umabot sa ganito. Pero isa lang ang nakatitiyak at sigurado ako.]

"Ano?"

[May traydor sa gang na 'to.]

Napatigil ako saglit. "Traydor?" Bigla akong kinabahan. Malala na siya. "Nahihibang ka na rin ba kagaya ni --"

Steve?

"Si Steve," wika ko. Nabawasan ang kabog ng dibdib ko. Pwede nga. May alam siya.

[Ano'ng meron sa isang yun?]

"Nauna pa niyang nalaman itong balita na 'to bago mo ako kontakin. Posible kaya?"

Tumahimik sa kabilang linya. Nag-isip isip pa siguro siya. Napabuntong hininga na lang ako. Kailangan pa bang mangyari ang ganito?

[Sige, obserbahan mo ang kilos niya. May kinakausap ba siyang kaduda-duda, lagi ba siyang wala o kung ano man. Sabihin mo sa akin agad. Pwede kasing nagpapanggap lang siyang mahina.]

"Sige," tumigil ako saglit. "Eh anong plano dun sa mga walang hiyang Alpha na yun?"

[Susubukan kong makapunta diyan hanggang mamayang gabi. Kokontakin na lang ulit kita. Wag na wag mong sasabihin kay Steve 'to. Gusto kong malaman kung anong reaksyon niya kapag nakita niya ako.]

"Paano naman kung sumugod sila mamayang gabi?"

[Kailangan nating maghanda. Matindi ang galit nila sa atin kaya hindi nila tayo palalagpasin ng ganon ganon na lang. Basta, pupunta na ako diyan. At, paki-bantayan si Steve.]

"Sige boss," ibinaba na niya ang tawag.

"Sino yung susugod mamayang gabi?"

Anak ng! Mabilis akong pumihit para harapin si Alexandra.

***

AN: Spell bitin. :/

Operation: Patinuin si GangsterWhere stories live. Discover now