Ilang minuto na din akong nandito sa labas. "May dadating pa kaya?" I asked myself. Bakit ba kasi hindi pa ako sumabay sa ibang group of people nung pumasok sila sa loob? Dinouble check ko muna ang sarili ko. Ayoko naman magmukhang haggard kapag pumasok ako sa loob.

I'm not expecting na ganito kadami ang tao sa loob.

Kanina pa ako doon sa labas, pero iilang grupo lang naman ang nakita kong pumasok dito. Pero baka maaga lang silang dumating. But seriously? Naglakad ba silang lahat papunta dito? Kahit kasi yata isang sasakyan, wala akong nakita sa labas.

Nasa tapat na ako ng mismong entrance ng function na pinaggaganapan ng party at nakatanaw sa loob. From here, kitang-kita kung gaano ka-gara ang party. Itong part lang na ito ng mansion ang punung-puno ng ilaw. Hindi mo nga maikakaila na pang high class ang party. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa loob.

The moment I moved my left foot para maglakad ay sabay-sabay silang tumingin sa'kin. Wow! Soldiers ang peg? But hell! I hate this!

Inilibot ko ang tingin ko sa buong paligid habang naglalakad. To be honest, I hate too much attention, and this is what I am feeling right now. Tinatayuan ako ng balahibo sa mga titig nila na hindi maalis sa'kin. Ganun na ba kahaba ang buhok ko para titigan nila? Most of them are wearing black, some are red. Tumerno naman ang outfit ko, okay din naman ang itsura ko kanina nung chineck ko. So what the hell is their problem?

Tinungo ko ang isang bakanteng round table sa pinaka dulo at saka umupo sa isa sa mga silya. Mas mabuti ng dito na lang ako mag-stay kaysa doon pa sa kanila. Hindi din naman nagtagal, nagsawa din sila sa pagtingin sa'kin at bumalik sa kanya-kanya nilang ginagawa.

"Wala man lang bang pagkain?" Bulong ko. May mga tables kasi, pero wala akong makitang sineserve na pagkain, or kahit buffet table. Puro red wines lang ang dala ng mga waiter, eh may allergy naman ako sa alcoholic drinks kaya hindi din naman ako pwedeng uminom non. Dapat pala kumain muna ako sa bahay kanina.

Since nandito na ako, hindi naman ako pwedeng umuwi na lang kapag nagutom. Kaya nag-hintay-hintay pa ako.

"Ayan na" Bulong ko nung feeling ko may something na mangyayari, dahil lahat sila tumingin sa mataas na hagdaan. It's a grandiose staircase, royal palace ang datingan. Iba talaga kapag mayayaman.

Tumayo ang lahat ng tao nung may mga naglakad sa hagdan pababa. So ako naman si tanga, nakigaya. Syempre kailangan ko nga makiblend sa kanila diba. Bahagya silang nakatungo, eh ano pa nga ba? Edi ginaya ko din. And I am also wondering, 'sino ba sila?' parang highly respected masyado. Hindi naman sila mukhang politician, not even actors and actresses dahil hindi ko naman sila nakikita sa TV.

Isa sa mga bumaba si Loki.

-Flashback-

"Loki"

"Magkakilala kayo?" Tanong ni Lucian.

So Loki nga ang pangalan nya? "Hindi" Diretsong sagot ko. Ito ang first time na nakita ko sya, kaya paano ko sya makikilala. "Hind kami magkakilala" Ulit ko.

Ngumiti sa'kin si Loki. He seems to be nice man naman kaya ngumiti din ako sa kanya.

-End of Flashback-

Sunod kong napansin si Dred, sya kasi ang huling bumaba sa hagdan atwow! Astigin talaga 'tong si Dred, haciendero talaga ang datingan eh! Tumingin sya sa'kin saglit pero tumungo ako, tulad nung ibang nandito. Siguro naman hindi nya agad ako nakilala diba?

Pasimple kong sinundan ng tingin si Dred hanggang sa makababa sya ng hagdan. At pagtungtong nya sa baba napalibutan agad sya ng mga babae. Napailing na lang ako. Ano pa ba i-eexpect ko? Eh mayaman sya, may itsura din, syempre madaming babae ang magkakandarapa sa kanya.

Bumalik na ako sa pagkakaupo nung akala ko tapos na. Hanggang sa may bumaba ulit sa hagdan. Lahat ng tao dito sa loob ng function hall ay yumuko para magbigay galang. Maging sila Dred at Loki ay nakayuko.

Ibinaling ko ang tingin ko sa dalawang taong pababa ng hagdan. Ang ganda nya grabe! Nakaka-stun at nakakainggit ang kagandahan nya. Sobrang puti, a Nakasuot ng magarang itim na gown ang babae, nagkikislapan ang damit na suot nya dahil may mga crystal. She's also wearing jewelries na sa unang tingin pa lang alam mo ng milyon-milyon ang halaga. I just stared at her in amazement bago ko inilipat ang tingin ko sa lalaking kasama nya na naglalakad pababa ng hagdan.

"Lucian" Bulong ko. He immediately shifted his attention at me. I smiled at him, pero bakit ganon? Parang ang plastic ng ngiti ko. Leche! O sige na, sya na may magandang asawa.

I think I need some air. Ang init naman kasi dito sa loob ng function hall. Walang aircon.

Nagmadali akong lumabas. "Hayy! Mas masarap pa dito" Nag-inat inat ako. Feeling ko mas nakakahinga ako ng maluwag dito. Umupo ako sa isang wooden bench sa garden saka bumuntong hininga.

It's not that I am expecting him to follow me here, pero nakita naman nya ako diba? Hindi naman siguro masama kung igi-greet nya ako. Aish! And what the heck is wrong with me? Bakit ko ba iniintindi ang lalaking 'yun.

"Ang landi mo talaga Alexis" I whispered. Nahahawa na yata ako ng kalandian kay Eureka. Pati may asawang tao iniisip ko. Wala na yata ako sa mood mag-stay pa dito.

**

Narrator's PoV

Nakatayo si Lucian sa isa sa mga veranda ng mansion habang pinagmamasdan si Alexis na nakaupo sa garden. "Lord Lucian" Malambing na sambit ni Narkissa na ibinaling ang tingin kay Alexis, all she feel is envy. She's wearing a fabulous dress any lady would want to wear. She owned one of the most expensive set of jewelries. And yet wala pa din sa kanya ang attention ng mahal nya.

"Hindi kailanman pwedeng umibig ang mga immortal sa mga mortal Lord Lucian" Wika ni Narkissa habang pinagmamasdan si Alexis na naglalakad palabas ng mataas na gate ng mga Arentsvelt.



"Alam ko" Sagot ni Lucian.

Writer's BlockWhere stories live. Discover now