Ngumiti ako saka ko ginulo ang buhok niya. Nagpatuloy kami sa pagkain at nakisali na rin sa usapan nila eomma. Next week uuwi ng Pilipinas si eomma at appa. Pinauna na nga kami nila eomma kasi nag-aaral nga naman kami at hindi naman namin kailangan pumarito habang nagpapatingin si eomma dahil kasama niya naman si appa.
Matapos kumain ay nag-usap usap sila saglit. Inintriga nila eomma si Zayn habang kami ni Chase ay nakangiti lang. Paminsan minsan ay inaasar ko naman si Ina na iniirapan ako. After some time ay nagkayayaan na sila umuwi. Iniwan ni eomma ang bayad para sa kinain namin. Sabay sabay naman kami lumabas.
"May I borrow Irina first, Mr. Buenaventura?" tanong ni Chase kay appa.
Napangiti si appa at biniro pa si Chase. "Where are you taking my daughter, Mr. Wilson?" tanong ni appa.
"Just somewhere, sir." sagot ni Chase na may ngiti.
"Okay, Chase. Gusto kong mag-iingat kayo. Agahan niyo umuwi hangga't maaari para hindi kayo mapagod masyado sa byahe. Naiintindihan?" tanong ni appa.
"Yes, sir." ani Chase.
Ngumiti si appa at tinapik ang balikat ni Chase. Lumapit naman sa akin si appa saka ako hinalikan sa noo. "Take care, sweety." ani appa at niyakap ako.
Bumitaw si appa at lumapit na sa sasakyan nila. Kumaway ito sa akin and I waved back. Hinintay ko sila umalis saka ako sumakay sa kotse ni Chase. Nakangiting sinulyapan ako ni Chase saka niya pinaandar ang kotse niya papunta sa kung saan. Pinatong ko ang ulo ko sa may bintana at pumikit.
Nagising na lang ako nang may humaplos sa buhok ko at humalik sa noo ko. Dahan dahan kong minulat ang mata ko at ang unang bumungad sakin ay si Chase at sa likod niya ay ang N Seoul Tower. Napa-ayos ako ng upo ko saka napatingin kay Chase.
Lumabas kami ng kotse ni Chase at mabilis akong lumapit sa kanya. Agad inalok sakin ni Chase ang kamay niya na agad kong hinawakan. Pinagsalikop ni Chase ang kamay niya saka ako hinila papunta sa N Seoul Tower. Umakyat kami sa taas ng N Seoul Tower. Dinala ako ni Chase sa isang bench at pinaupo.
"Wait for me here, okay?" aniya na tinanguan ko.
Humalik si Chase sa pisngi ko saka ako iniwang nakaupo rito. Napahawak ako sa laylayan ng dress ko habang iniikot ang tingin ko sa paligid. Puro magkasintahan ang nandito. Ni kahit kami ni Kurt noon ay hindi kami makapunta dito sa N Seoul Tower.
Nakabalik na si Chase at lumapit sakin ng may ngiti. Nasa likod niya ang kanang kamay niya at si ako naman ay pilit na sinisilip ito hanggang sa lumuhod siya sa harap ko.
"Palms up, Irina." utos ni Chase na ginawa ko naman.
Inilahad ko ang pareho kong kamay sa kanya at ipinatong sa hita ko. Inilabas ni Chase ang kanang kamay niya at may ipinatong sa kamay ko na padlock na may nakapasok na susi rito. Tumingin muna ako kay Chase na pinanonood ako. Hinawakan ko maigi yung padlock at binasa ang kung ano mang inilagay ni Chase rito.
Are you mine, Irina? If not, can you be mine?
Pagkabasa ko rito ay napanga-nga ako. Tumingin ako kay Chase hanggang sa unti-unting napupuno ng luha ang mga mata ko. Hinawakan ni Chase ang isang kamay ko at nilaro ang mga daliri ko.
"If you say yes, we'll lock this up somewhere." aniya at kinuha sakin ang padlock. "A-and if y-you don't..." aniya pa pero agad pinutol ito.
Nangunot ang noo ko saka ko tinignan ng maigi si Chase na nakagat sa labi niya. "If I don't? If I say no, what should we do with it?" tanong ko rito.Napangisi siya kasabay ng paghaplos niya sa padlock kung saan nakasulat ang nabasa ko.
"I'll find someone just like you and give her this. Then I'll start forgetting about you even though it's hard for me." sagot niya.
Palalagpasin ko pa ba to? Tutal alam ko naman sa loob loob ko na si Chase pa rin naman talaga. Alam ko na sa puso ko, mahal ko si Chase. I love him so damn much na kahit itapon ko ang feelings ko ay paulit ulit na babalik to. Kahit na anong gawin ni Kurt para matabunan ang nararamdaman ko para kay Chase ay huhukayin lang nito ang sarili niya pabalik sakin.
"Chase," tawag ko rito kaya tumingin sakin si Chase. "I'm yours. Whole-heartedly." sagot ko.
Napangti si Chase sa narinig sakin. Lumipat sa pisngi ko ang isang kamay niya. Lumapit ang mukha ni Chase sakin hanggang sa maramdaman kong dumampi ang labi ni Chase sa labi ko. I kissed Chase back pero lumayo rin ako agad.
"I think I love you, Irina." aniya habang nakangisi.
"You think?" ani ko na may kunot sa noo.
Tumawa si Chase at umiling saka ako tinignan sa mata. "I wasn't planning on loving you, Jace but I'm happy that I did." aniya na nagpangiti sa akin.
Tumayo kaming dalawa at lumapit sa pinakamadaling spot na makikita. Kinuha ko yung ribbon na nakasabit sa buhok ko at itinali ng mahigpit sa may padlock. Ikinandado ni Chase ang padlock doon at binigay sa akin ang susi.
Tumingin ako kay Chase saka ko siya niyakap. He hugged me back at mas mahigpit pa ito sa yakap na binibigay ko. Napangiti ako nang may maisip ako saka ako napapikit at wala sa sariling nagsalita.
"I am completely in love with you, Chase." ani ko hanggang sa maramdaman ko ang paghigpit pa lalo ng yakap ni Chase.
YOU ARE READING
Nothing But Strings
Teen FictionBridge. Tuning pegs. Fret. Rosette. All of these are a part of a stringed instrument. Simula ng mapangiti ko siya, mapatawa, I started falling for this guy. Chase is the kind of guy that doesn't like holding someone's hand, not even mine except his...
Chapter 18
Start from the beginning
