Kasi naman, paano magiging pamilyar kung pinanganak kami ni Ina sa London at pinalaki sa Pilipinas? Hindi ko nga rin kabisado ang mga lugar dito sa Seoul dahil ang umuuwi lang rito is si eomma at appa kasama minsan si Zion tas kami ni Ina subsob sa pag-aaral at pagpapractice.
Habang naghihintay sa pagkain ay nagkanya-kanya kaming usapan. Nakikipaglaro ng red hands kay Ina. Si eomma ay nakikipagdiskusyon ng tungkol sa kumpanya habang si Chase sa tabi ko ay napakatahimik sa hindi ko malamang dahilan.
"You okay?" tanong ko rito.
"Of course." aniya at ngumiti sakin. "Why wouldn't I be okay?" tanong niya pa.
"Ang tahimik mo kasi." sagot ko.
"You're still not used to it?" tanong pa ulit ni Chase.
Nagkibit balikat ako saka tumingin sa kanya. "Sanay na. Iba lang talaga pagkatahimik mo ngayon." sagot ko ulit.
Ngumiti si Chase. Hindi ko alam but I could melt because of his smile. Hanggang sa ngayon hindi ko pa rin alam ang nararamdaman ko. I somehow hated Kurt for leaving me confused na wala akong ni isang clue kung sino sa kanilang dalawa. But deep inside, a part of me is telling me that I still have feelings for Chase. A deep one. Should I hold on to that or not?
Nabalik ako sa sarili ko nang napangiti ulit si Chase at napayukong tumingin sa plato niya. Umiling pa ito saka niya iniangat ang ulo niya na may ngiti pa rin sa labi. Kunot noo kong tinignan si Chase. I'm a bit confused sa ikinikilos ni Chase but I felt my lips form into a smile. Napatingin sa akin si Chase habang tinataasan ako ng kilay.
"Why are you looking at me like that?" tanong niya.
"You're confusing yet, a bit amusing." I honestly said.
Napangisi si Chase at lumapit sakin ng kaunti. "Is that so?" tanong niya at sinusubukan akong ikulong sa bisig niya. Nanlalaking mata akong tinutulak siya ng marahan.
"Tigilan mo ko Chase! 'Wag rito!" mahinang bulong ko hanggang sa mahuli niya ko.
Nakahawak siya sa baywang ko at hinila ako palapit sa kanya. Napatingin ako kila appa at kila Ina pero nag-uusap pa rin sila. Nakangisi siya sakin. Ang kaliwang kamay niya ay nakahawak sa baywang ko at pilit akong inilalapit sa kanya. Hindi ko napigilang pamulahan ng pisngi. Oh my God! Chase, why do you have to do this?
"Chase naman..." ungot ko at nakasimangot na ko.
"You really find me amusing?" tanong nito.
Napangiwi ako saka ako sumagot. "Eh kasi...ano...ano..." putol putol na sagot ko at may sumingit sa usapan namin.
"Ano, kambal? Ano?" singit ni Ina.
Natawa si Zane at si Chase nang tignan ko si Ina na may gulat pa. Halata kay Ina na nagpipigil siya ng tawa niya sa naririnig sa amin ni Chase. Napayuko si Chase habang natawa at hindi na ko mapakali. Bwiset pati pagtawa niya nakakahulog!
Humalik sa pisngi ko si Chase saka niya ko binitawan. Bumalik ako sa natural kong pwesto at saka maayos na inihain ng mga waiter ang inorder nila eomma. Hinati ko sa gitna ang chopstick ko. Tahimik kaming nagdasal saka nagkayayaan kumain. Medyo naging maingay ang table namin. Since ako ang katabi ni Zion ay sinusubuan ko paminsan o kaya ay nilalagyan ng pagkain ang plato niya kapag may tinuturo siya.
"Geu bakkui mueos?" (What else?) tanong ko sa kapatid ko.
Umiling si Zion at sinimulang kainin yung inilagay ko. "Ani, noona. I gwaenchanhseubnida, gamsahabnida." (No, noona. This is fine, thank you.) ani Zion sakin.
YOU ARE READING
Nothing But Strings
Teen FictionBridge. Tuning pegs. Fret. Rosette. All of these are a part of a stringed instrument. Simula ng mapangiti ko siya, mapatawa, I started falling for this guy. Chase is the kind of guy that doesn't like holding someone's hand, not even mine except his...
Chapter 18
Start from the beginning
