Ikinabigla ko ang sumunod na gawin ni Zane sa kambal ko. Napaatras ako in shock but Chase blocked me sa pamamagitan ng paghawak sa baywang ko. Takip takip ko ang bibig ko sa gulat na napatingin kay Chase. He smiled at me. Feeling ko iniisa isa kami ng barkada ni Zach.
Zane freakingly kissed my twin sister in front of every audience. Naghiyawan ang audience at ang host ay tinawag ang mga sumali sa pair skating. Inari and Zane won this competition. Binigyan sila ng prize at sinabuyan ng roses. Mabilis silang lumapit sa amin. Nakita ko naman si eomma at si appa na kasama si Zion na nagmamadaling lumapit sa aming apat.
"Congrats sweety!" ani eomma kay Ina at niyakap ito.
Nakipag-apir ako kay Zane at ganun rin si Chase. Niyakap ni appa muna si Ina bago ako niyakap ni Ina. Nang maghiwalay kami ni Ina ay tumingin si eomma sa amin.
"This calls for a celebration! Tara, kakain tayo!" ani eomma.
"Evol, bukas ang flight ng limang bata. Umuwi tayo ng maaga." ani appa kaya napatingin ako kay appa.
"Flight po?" tanong ko.
Napangisi si Chase sa tabi ko. Tumingin naman si Ina sakin at kila eomma. "Hindi niya alam?" tanong nito kila eomma.
Nagkibit balikat si eomma at nginitian ako. Tumikhim si Zane at bumaling kay eomma. "I'm sorry tita but I'm not going to come with them tomorrow." ani Zane kay eomma.
Tinignan siya ni Ina saka naman tumango si eomma sa amin ni Chase para ayain kaming kumain. Humawak si Chase sa baywang ko saka namin sinundan ang nauunang si eomma at appa na hawak si Zion. Naramdaman ko naman na sumusunod na sila Ina. Akmang lilingunin ko nang lumipat sa likod ng ulo ko ang kamay ni Chase at pinigilan ako sa paglingon saka niya ibinalik sa baywang ko ang kamay.
"Let them talk, Irina. Isn't this what we want?" bulong niya.
Lumingon ako sa kanya. "P-pero kasi--" pinutol ni Chase ang sasabihin ko dahil hinalikan niya ko ng mabilis.
"Shut up. I'm with you and I want your attention because I'm all yours." aniya at ngumisi.
Napailing ako. Paglabas namin ng stadium ay sumakay si Zane at Ina sa dalang sasakyan nila appa. Tinawag ako ni eomma mula sa loob ng sasakyan kaya lumapit muna ako doon habang hinihintay ako ni Chase sa tabi ng kotse niya.
"Sundan niyo na lang ang sasakyan, Ina. Okay?" ani eomma na tinanguan ko.
Tumango siya at sinara ang bintana. Dali-dali naman akong lumapit kay Chase na agad akong pinagbuksan ng passenger seat. Sumakay ako at sinuot ang seatbelt habang si Chase ay umikot papunta sa driver's seat. Pagka-upo ni Chase ay agad niyang pinainit ang makina saka sinundan ang sasakyan nila eomma.
Medyo matagal tagal ang byahe namin. Huminto ang kotse ni Chase at ang sasakyan namin sa tapat ng isang restaurant.
"Si Hwa Dam..." bulong ko sa nakita kong sign ng restaurant habang nagtatanggal ng seatbelt.
Naunang lumabas ng kotse si Chase para lumipat sa side ko. Bubuksan ko pa lang yung pinto nang maunahan niya na ko. Lumabas ako saka niya sinara ito at pinaalarm. Hinihintay kami nila eomma sa labas ng restaurant. Lumapit sakin si Zion at humawak sa kamay ko habang si Chase ay balik sa baywang ko ang kamay.
Sabay sabay kaming pumasok sa loob at nakipag-usap si appa sa host ng restaurant. Inassist kami sa table kung saan kasya kaming lahat. Si appa at eomma ang umoorder. Kami kasing magkakapatid kahit sabihin na may lahi kaming Korean ay hindi naman kami masyadong pamilyar sa pagkain. Basics lang ang alam namin ni Ina.
KAMU SEDANG MEMBACA
Nothing But Strings
Fiksi RemajaBridge. Tuning pegs. Fret. Rosette. All of these are a part of a stringed instrument. Simula ng mapangiti ko siya, mapatawa, I started falling for this guy. Chase is the kind of guy that doesn't like holding someone's hand, not even mine except his...
Chapter 18
Mulai dari awal
