"Chandy kooo..." tawag na naman niya pero di ko parin siya pinapansin. Kanina pa kasi yan eh! Napaka-clingy! Gusto, lagi ko siyang kausap. Gusto, lagi ko siyang inaasikaso. Bahala siya jan.

Lumingon naman sa'kin sina Julia at Miles na nasa harapan ko. Tinaasan ko sila ng kilay.

"Kath, please lang. Pansinin mo na si DJ." sabi ni Julia.

"Oo nga. Parang-awa mo na, di kami makapag-concentrate sa sobrang kilig." dagdag pa ni Miles kaya binatukan siya ni Julia.

"Hindi lang kayo ang hindi makapag-concentrate, girls. Wag niyo nalang pansinin at makinig nalang kayo sa lecture." sabi ko.

"Babyyy~" irita kong tinignan si DJ. "Isang isa nalang talaga Daniel John. One last strike."

"Okay. Sorry." sabi niya at nag-head down nalang sa armchair niya.

Napa-hinga nalang ako ng malalim bago harapin si DJ.

"Ano ba kasi yun at di ka mapakali? Ha, DJ?" tanong ko sa kanya. This time siya naman yung di sumasagot. "Ngayon naman, ako na pumapansin sa'yo, ayaw mo naman sumagot."

I rolled my eyes at nakinig na ulit sa lecture. After an hour ay nag-dismiss na yung prof kaya kanya-kanya nanamang labas yung mga classmates ko.

"Kath, una na kami ni Julia ah?" paalam sa'kin ni Miles.

"Ha? Hindi. Wait. Hintayin niyo na kami. Gigisingin ko lang 'tong mokong na 'to." sabi ko habang naka-turo kay Daniel.

"Hindi, Kath. Mauuna na kami. Mag-usap muna kayo ni DJ." sabi ni Julia kaya tumango na 'ko at umalis na sila.

Lumuhod naman ako sa harap ni DJ para maka-level ko siya. "Deej, break time na. Kain na tayo..." sabi ko sa kanya.

"Hmm..." ungol niya lang.

"Deej, kain na tayo. Tara na." sabi ko habang tinatapik yung braso niya.

Nag-angat naman siya ng ulo at unti-unting dinilat yung mata niya. Parang may mali kay DJ... Parang may sakit siya.

He smiled at me weakly, "Chandy..." tawag niya sa'kin. Tumayo naman ako at inilagay yung kamay ko sa leeg at noo ni DJ.

"Ang init mo, Daniel!" sigaw ko.

"Babe... alam ko'ng hot ako... Maliit na bagay..." sabi niya kaya hinampas ko siya.

"Nilalagnat ka, Daniel John!" panenermon ko pa. "Bat di ka manlang nag-sasabi?!"

"I tried. Di mo 'ko pinapansin eh." sabi niya habang pumipikit pikit.

Napa-face palm nalang ako. Kaya pala kanina pa niya 'ko tinatawag!

"Give me your address, I'll take you home." sabi ko habang naka-hawak sa noo ko.

"Sa bahay o sa condo...?" tanong niya.

"Sa bahay niyo." Mas safe dun eh.

Binigay naman niya sa'kin yung address nila at nag-patulong ako sa isa sa mga kaklase naming lalake na dalhin si DJ sa kotse ko. Nag-thank you lang ako dun sa lalake at pumasok na ng kotse.

Medyo traffic sa daan at ito si DJ, gising pa din. Ayaw matulog! Ang kulit!

"Baby, ang sakit talaga ng ulo ko..." rinig kong bulong niya.

"Matulog ka na kasi muna! Ang kulit kulit mo eh!" inis kong sabi.

Nag-pout naman siya, "Di mo na 'ko love. Sinisigawan mo 'ko." What the heck?!

I tried to speak softly, "Deej, matulog ka na muna, okay? Promise pag gising mo may prize ka galing sa'kin."

"Promise?" ngi-ngiti ngiti niyang sabi.

I nodded, "Promise. Now, sleep."

Tumango din naman siya at nang huminto kami sa stoplight ay ihiniga niya yung upuan niya. Akala ko ay matutulog na agad siya pero nagulat ako ng i-kiss niya 'ko sa cheeks at ngumiti siya, "Pag gising ko, kasama pa din kita ah?"

"Syempre naman." sagot ko habang naka ngiti din. Nahawa na ata ako. "Sleep now, Din-din."

DJ ♕

Pag gising ko ay naramdaman ko yung sobrang sakit ng ulo ko. Tsk. Di naman ako uminom pero... ah, may lagnat nga pala ako.

I stared at the ceiling at parang nanibago ako. Teka... hindi naman ito yung kwarto ko sa condo ah... I tried looking around. Nang ma-realize ko na nasa bahay pala ako namin nila Mama ay agad kong naalala si Chandria. Siya yung nag-dala sa'kin dito.

Aalis na sana ako sa pagkaka-higa para hanapin si Chandria nang may makita akong babaeng naka-upo na natutulog sa sofa ng kwarto ko. It's her, Chandria.

Lalapitan ko na sana siya para ilipat sa kama nang bumukas yung pinto at nakita ko dun si Mama.

"Oh, 'nak. Hindi ka na ba nilalagnat? Humiga ka lang jan!" sabi ni Mama.

"Medyo may lagnat pa nga, Ma. Kaso..." sabi ko at tinuro si Chandria na naka-upo sa sofa.

"Hayaan mo na muna siya jan, 'nak. Hindi pa nakakatulog ng maayos yan simula nang ihatid ka dito." sabi ni Mama.

"Huh? Ilang oras ba 'kong tulog Ma?" tanong ko.

"Mga 10 hours din 'nak." sagot naman niya.

Umupo si Mama sa kama ko at tinignan din si Chandria, "Nahanap mo na pala siya no? Ang ganda-ganda na ng bestfriend mo. Walang pinag-bago. Magalang at mabait pa din."

"Maalaga pa. Pilit ko nga siyang pinapa-tulog nalang sa guest room pero ayaw niya. Dito lang daw siya kasi sabi mo, pag gising mo dapat daw kasama mo pa siya." dagdag pa ni Mama.

"Ma," tawag ko kay Mama kaya nilingon niya naman ako. "Pwede ba siyang ilipat dito sa kama?"

"At bakit naman, Danilo? Ikaw ah! Napaka-bata niyo pa! Nilalagnat ka pa! At saka, Danilo naman, ayoko pa maging lola!" kung may lakas lang talaga ako ngayong binatukan ko na 'to si Mama eh.

"Ma! Nakakahiya ka talaga. Kadiri 'yang mga sinasabi mo. Gusto ko lang naman ilipat dito si Chandria kasi baka sumakit likod niyan jan sa sofa!" sabi ko.

Tumango naman si Mama, "Ahh... Akala ko kung ano na eh. Wag mo na siya ilipat jan sa kama mo. Baka mamaya maka-gawa pa kayo ng baby - este, baka magka-hawaan pa kayo ng sakit."

"Ikaw talaga, Ma! Sige na. Mag-papahinga na po ako." sabi ko sabay ngiti.

"Sige, marami pa din akong gagawin sa kusina eh. Pahinga ka, 'nak!" sabi ni Mama at lumabas na.

Nang masiguro kong wala na si Mama ay lumapit ako kay Chandria at ini-ayos siya ng higa sa sofa. Buti nalang at medyo may kahabaan yun at kasya siya.

Kumuha din ako ng extrang unan at kumot sa cabinet ko at ini-unan yun sa kanya. Kinumutan ko na din siya at hinalikan sa noo. "Thank you, Chandy." for never breaking any of your promises.

That Nerdy ChicWhere stories live. Discover now