Habang kumakain ay dumating si Stell.

"Oh Selene, bat mag isa ka jan?"

"Kakagising ko lang kase e, di nyo ko ginising :3" Napakamot naman to sa ulo nya.

"Kakagising ko lang din, alam mo bang lahat kame ay puyat ngayon? Galit na galit si Ken kagabi. Napatraining kame ng wala sa oras." Napalunok naman ako ng malala ng malaman kong ganon pala ang naging epekto kay Ken kagabi.

"San kaba kase nagpunta? Bat di ka nagpaalam sakanya?"

"Nakipagkita ako kay Justin, closure ba ganon. Wala naman syang dapat ikagalit e." Napa-iling naman si Stell nang malaman nyang si Justin pala ang kasama ko.

"Kaya pala e, yare ka kay Ken. Ihanda mo na sarili mo, di ka non kakausapin hanggat di nawawala galit nya." Ano ba to si Stell nanakot pa. Gusto ko tuloy makausap si Ken para makapag sorry hay.

"Ah, Stell, ikaw muna bahala kay Kuro ha. May kelangan lang akong gawin." Hindi ko na hinintay pang magreklamo si Stell at umalis na ako agad. Kelangan kong makausap si Ken.

Hinanap ko nang hinanap si Ken pero bigo ako, wala sya sa kwarto nya, wala sya dun sa meeting room, wala din sya sa office nya. Isa nalang ang di ko napupuntahan, sa UG. Pero natatakot kase akong pumunta don, sobrang dilim don. Hay! Bahala na nga, gusto kong makausap at makapagsorry sakanya. Kaya mo yan self.

Kabadong kabado ako habang tinatahak ko ang daan papuntang UG. Nasa dulo kase to ng bahay tapos kahit umaga na ay madilim pa din. Binuksan ko na ang lihim na lagusan at pumasok. Cheer up self, kayang kaya mo yan. Conquer your fear para kay Ken.

Hanggang sa makarating ako sa dulo ay ubod pa din ang kaba ko. Finally nandito na din, binuksan ko nang dahan dahan ang pinto at saktong nakita ko si Ken. May hawak syang baso ng alak. Tsk tsk! Nilapitan ko naman agad ito at inagaw ang baso sakanya. Walang reaksyon ang mukha nya.

"Stop drinking, it's bad for your health

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Stop drinking, it's bad for your health." Umigting naman ang panga nito kaya medyo napaatras ako ng konti. Nakakatakot sya pag ganto.

"Who are you to tell me what should I do?" Tumayo ito at inagaw ulit ang baso ng alak sakin. Tinungga nya ang laman saka binato ang baso. Napasigaw ako sa gulat dahil sa ginawa nya.

"Ano bang nangyayare sayo? Bakit ganyan kang umasta?" Gulong gulo na ko sa mga kinikilos nya.

"Tss! You know what? Get lost. I don't need you here." Pagkasabi nya non ay nagsalin pa sya ulit ng alak sa bagong baso nya. Sa sobrang inis ko ay kinuha ko ang bote ng alak at binato.

"What the hell? Bakit mo binato?" Nilakasan ko ang loob ko dahil nakakaubos ng pasensya ang pagtataray ng isang to.

"Diba sabi ko stop drinking!" Sigaw ko sakanya, tumalim naman ang tingin nito sakin at hinawakan ako sa braso.

"A-aray, Ken. Ano ba! Nasasaktan ako." Binitawan naman ako agad nito, mukhang pinapakalma ang sarili nya.

"I-I'm sorry. Please leave me alone." Mahinahon nyang pakiusap sakin. Pero ayokong umalis dito ng di kame nagkakaayos.

"K-ken, galit kaba dahil sa di ako nagpaalam sayo kahapon?" Yumuko ito at nilaro ang mga daliri nya.

"I'm mad, yes. I was so scared that I might lose you. Nakailang missed calls ako sayo pero di ka sumasagot, may mga text din ako sayo. I'm so worried, Selene. Tapos malalaman ko kasama mo pala si Justin, di ko pa malalaman kung di sinabi ng kapatid ko. So don't blame me if I get mad." Mas lalo akong naguluhan sa mga sinabi nya. May gusto ba sya sakin? Bakit ganon nalang sya mag alala? Diba fake relationship lang naman ang meron kame.

"I'm sorry kung nag alala ka sakin, Ken. Pero linawin ko lang, diba we are only in a fake relationship? Bakit ganyan ka mag react? As if we are a real couple? Please enlighten me, Ken. Naguguluhan na ko sa mga actions mo." Napatingin sya sakin matapos kong sabihin yon. Matagal na katahimikan muna ang namayani bago sya magsalita.

"I like you, no scratch that, I love you, Selene, for real." Parang pakiramdam ko ay nalunok ko ang sarili kong dila dahil walang lumalabas na salita sa bibig ko. Ano daw? Mahal nya ko? Ang bilis naman? Totoo ba?

Sasagot pa sana ako nang bigla nya akong halikan. Smooth and very passionate. Wala na kong nagawa dahil nakakalunod ang mga halik nya.

Tama ba ang desisyon ko na to? Maniniwala ba ko sa Mafia Boss na to?

I Met The Mafia Boss | COMPLETEDWhere stories live. Discover now