Nginitian niya ito pabalik at inabot ang tumbler niya dito. Ayaw na kasi ni Yohan na ibang lalagyan ang ibigay niya dito. Lagi nitong inaagaw ang tumbler niyang may design na pink piggy kaya naman parang nasanay na siya na iyon na ang iabot sa lalake tuwing nanghihingi ito ng tubig. 

Uminom si Yohan mula doon at nang matapos ay nagpapa-cute na tumabi sa kaniya. "Papunas," he said with a cheeky smile. Talagang ang hirap paniwalaan na napakaisnabero nito sa iba sa tuwing nakikita niya itong umaktong parang bata sa kaniya.

Mabilis naman niyang naintindihan kung ano ang pinupunto nito. Pawisan kasi ang lalake dahil na rin sa napaka-intense na training ng mga ito. Ang problema nga lang ay wala siyang dalang panyo. Tamad kasi siyang manglaba kaya naman puro nasa labahan ang lahat ng mga panyo niya.

"Wala akong panyong dala," sabi niya dito na mukhang ikinalungkot ng isip-bata dahil bigla itong nag-pout. Nag-chat nga pala ito sa kaniya kagabi na magdala siya ng panyo para dito pero nakalimutan niya iyon.

"Ako, laging ready sa mga kailangan mo pero yung simpleng panyo para sa akin, hindi mo man lang matandaan," maktol nitong sabi na ikinataas ng kilay niya.

"Aber anong pinagsasasabi mo diyan?" pagmamaldita niya dito.

"I always have a hair tie on my wrist in case you need it," ika nito sabay pakita sa kaniya ng kamay nito. True enough, there was a black hair tie on his wrist. "Tapos may wet wipes, tissue at napkin pa sa bag ko, in case kailangan mo," dagdag nitong maktol na ikinakunot ng noo niya.

"The hell, Yohan?! May napkin ka sa bag mo?!" hindi niya makapaniwalang tanong dito.

Inosente namang tumango-tango ang lalake sabay abot pa sa bag nito at binuksan iyon. He opened one of its pockets and revealed to her the contents. Napahalakhak naman siya ng malakas dahil sa nakita.

Hindi nagsisinungaling ang lalake at may mga wet wipes, tissue at napkin doon. Ang mas nagpatawa sa kaniya ay dahil kumpleto ang napkin na dala ni Yohan. May regular tapos meron ring mahaba na para sa heavy flow at yung manipis na panty liner para sa light flow. Tawa lang siya ng tawa habang pinagmamasdan ang mga iyon. 

"Yohan, may vending machine sa loob ng bathroom naming mga babae. Available iyan lahat doon kaya wala kang dapat ipag-alala," tawa niyang ika dito. "Bakit ba ang cute-cute mo?" dagdag niyang sabi sabay kurot sana sa pisngi nito ngunit umiwas sa kaniya ang lalake at lumipat ng upuan. "Huy! Galit ka?" natatawa niyang tanong dito at lumipat ng upo katabi nito ngunit lumipat itong muli. Hindi siya makapaniwalang napanganga habang nakatitig sa lalakeng nakaiwas ang mga mata sa kaniya. "Aba't yung panyo ba ang pinuputok ng buchi mo?!" inis niyang tanong ngunit nanatili itong tahimik. 

Naiinis siyang tumayo at kinuha ang plastic na dala-dala niya kanina. Lumapit siya kay Joshua na masayang nakikipag-usap sa mga kasamahan nito. Agad na lumawak ang ngiti nito nang makita siya at ang kaniyang mga dala. "Apple Pie! Musta?" ngiting bati nito sa kaniya.

"Gumawa ako ng snacks para sa inyo. May isang chicken wrap diyan at ibigay mo kay Yohan yun," ika niya dito habang inaabot ang plastic sa lalake.

"Bakit hindi ikaw ang magbigay?" nagtatakang tanong nito sabay lingon kay Yohan na nakabusangot ang mukha sa may bleachers.

"Nagtatampo ang Captain niyo sa akin. Wala akong dalang panyo ngayon," bulong niya dito. Agad namang napatawa si Joshua dahil sa sinabi niya. "Pakibigay yan sa kanila, Joshua. Maghahanap muna ako ng panyo," habilin niya dito bago tuluyang naglakad papalabas ng field. Doon siya sa may bookstore ng campus nila bibili dahil may available doon na mga damit. Tiyak na may panyo rin doon.

Mabilis naman siyang nakabili ng panyo sa bookstore dahil wala na rin namang ibang estudyante sa campus. Malapit ng gumabi at mostly sa mga students ay either nakauwi na o di kaya'y nasa respective club offices ng mga ito. Ang ibang may night classes ay nasa mga rooms naman ng mga ito.

After buying a handkerchief, she immediately went back to the soccer field. Nagulat na lamang siya nang makita na papalabas na sina Joshua mula doon ngunit hindi nito kasama si Yohan. 

"Tapos na ba practice niyo?" nagtataka niyang tanong nang makalapit siya sa mga ito. 

"Sabi ni Coach pwede na daw kaming umuwi since maaga rin naman kaming nagsimula ng practice," Joshua explained whilst handing her back the plastic that she gave him earlier. "Kumuha na kami diyan, si Yohan ayaw kumain kaya nandiyan pa yung parte niya. Puntahan mo na doon sa bleachers at nagmamaktol pa rin hanggang ngayon," dagdag nitong ani habang natatawa pa.

Nagpaalam na ang mga ito sa kaniya dahil magsha-shower pa daw ang mga ito. Siya naman ay bumalik sa loob ng soccer field at nilapitan si Yohan. Nakabusangot pa rin ang mukha nito at nakaupo sa pwesto kung saan niya ito iniwan. 

Tinabihan niya ang boyfriend at sinundot sa tagiliran. "Uy . . . galit ka pa?" pagpapa-cute niyang tanong dito ngunit hindi pa rin siya nito pinapansin. "May panyo na akong dala," sabi niya sabay pakita dito ang biniling panyo. Tumingin na ito sa kaniya ngunit hindi pa rin nagsalita kaya naman agad niyang pinunasan ang noo nito. "Ayan. Masaya ka na?" tanong niya dito. 

Hindi pa rin ito nagsasalita at patuloy lamang sa pagtitig sa kaniya kaya naman wala siyang choice kundi gamitin ang special weapon niya. She quickly inched closer to his face and give his lips a peck. It was supposed to be a quick one but Yohan held the back of her head to stop her from leaning away from him. Yohan grabbed that chance to kiss her deeper, letting himself enjoy the taste of her lips. Makaraan ng ilang segundo ay humiwalay na ito sa kaniya at nakangisi na parang loko.

Agad naman siyang nakaramdam ng hiya at binato sa lalake ang panyong dala-dala. "Pucha ka! Ikaw magpunas ng pawis mo! Piste ka!" Sabi na nga ba at dinadramahan lamang siya ng lalakeng ito para makahingi ng halik.

Inis na may halong hiya na lumayo siya dito at dinampot ang kaniyang mga gamit. Mabilis siyang naglakad papalabas ng soccer field habang si Yohan naman ay nagkukumahog na kunin ang bag nito. 

"Langga! Hintayin mo ako!" natatawang sigaw nito habang hinahabol siya.

"Che! Pisteng yawa! Pa-sadboi kang puta ka! Nagdradrama ka lang pala!" sigaw niya pabalik dito habang nagmamadaling umalis doon.


My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Where stories live. Discover now