Kinabukasan sumakit ang katawan ko pagkasing. Nag exercises pa ako
ng kunti at naligo. Binuksan ko ang ref ko at nakitang walang laman ang ito.

Huminga ako ng malalim dahil tinatamad pa naman akong mag grocery dahil for sure maraming tao dahil malapit na ang Christmas.

Hindi na ako nag abalang mag palit ng damit. Nakaputing hoodie ako at gray cotton short. Lumabas ako kasama ang car key, wallet at cellphone.

Nag withdraw muna ako dahil ibibigay ko ito kay Angela para sa outing namin.
Pumasok ako sa grocery at kinuha ang cart. Kinuha ko ang mga kailangan ko para sa condo ko. Sunod ang mga pagkain.

Habang kumukuha ng chocolate ay hindi ko maiwasang hindi marinig ang mga lalaking nakatalikod sakin namimili ng chocolate.

"Bro kamusta ang babaeng sinusundan mo noon."

"Wala kana 'don." I frowned dahil familiar ang boses.

"Aws ang cute niya no? Bakit hindi mo pa investigate."

"She's innocent."

"Hindi natin alam 'yon."

"Shut up."

Kibit-balikat na lang ako at bumili ng mga chicharon. Matapos kong mamili ay nagbayad agad ako I used my credit card dahil walang may pumipila don. Nagulat na lang ako ng may sumulpot sa unahan ko. Ako ang nauna!

I tapped his shoulder and glared.

"I got here first." Napakamot ito ng noon at pinakita ang binili. Kunting chocolate lang 'yon.

"Mukhang matatagalan ka kasi."

"But I got here first. You should wait." Protesta ko.

"Ang dami kasi ng binili mo baka bukas kapa natapos." Sisipain ka sana ito ng may isang malalim na boses na nagsalita.

"Andre, what took you so fucking long." I know that voice. Napalingon ako sa kanya at gulat ito ng nakita ako. Matagal ko rin siyang hindi nakita.

"Kaibigan mo siya." Turo ko sa lalaking gwapo pero mas gwapo si Loki--argg.

"Yeah, why?" I rolled my eyes and crossed my arms.

"Hindi siya naghihintay. I got here first." Sumbong ko. He nodded and look at his friend.

"Umalis ka d'yan." Napanganga ako sa sinabi niya. Fuck akala ko kukunsintihin niya ang kaibigan niya.

"Bro naman ilang chocolate lang 'to oh. Asan na ba ang cashier dito." Reklamo niya. Hindi ko mapigilang pingotin ang tenga nito.

"That's for being unfair." I said at binitawan siya sabay dating ng cashier. Pinauna ko na siya hindi naman ako brat. Pinagsabihan ko lang siya na dapat kong sino ang nauna siya ang mauuna. Wait what? Ah basta ganon.

"Bro tara na." Aya niya kay Loki na nasa tabi ko. He is wearing black jacket, Gucci white shirt, black pant, and Valenciaga shoe. Halatang mayaman talaga.

"Mauna kana." Tamad niyang sabi. Hindi ko na lang sila pinansin baka may hinihintay na babae si Loki. Tsk, babaero.

"Gago talaga. Sige aalis na ako, thank you miss." Ngumiti pa siya sakin pero binigyan ko lang siya ng death glares. Tumawa pa siya..Tutulungan sana ako ng salesman pero may nauna nang kumuha ng mga binili ko.

"No need." Sabi niya sa sales man kaya tumango ito at umalis.

"Akala ko may hinihintay ka?" I asked at kinuha ang mga natirang binili.

"Yes." Mas maikli pa ang sagot nito sa buhay ko.

Sabay kaming lumabas sa grocery store and like what happened last time siya na ang naglagay sa likod.

"Sino? Girlfriend mo?" He look down and I look up. Ang taas kasi niya. 6'1? 6'2? Hanggang sikmura lang ako. He shrugged.

"Sige na salamat, baka hinihintay ka na n'ya." Tinignan lang ako nito kaya umiwas ako ng tingin. Sa isang taon ay bilang lang ng kamay ko ang pagkikita namin. Pero bakit kakaiba ang nararamdaman ko. Shit. I know this feeling. Kailangan ko nang lumayo bago masira ang plano ko... ang plano ko damn! I never expected that these would be so fucking hard.

"I don't have girlfriend." Nagtaka naman ako kong bakit niya sinabi 'yon.

"Bakit naman wala?"

"Why? Do I really have to need one?" Tanong niya pabalik. Kita mo ako ang unang nagtanong eh.

"Oo para naman ma-inspire ka at humaba ang mga salita mo." He nodded and lick his lips.

"Okay. Are you single?" I nodded kahit nalilito sa tanong niya.

"Be my girlfriend then." He smirked and I flushed.

What!



__________________
^,^

THE ONLY EXCEPTIONDove le storie prendono vita. Scoprilo ora