I heard a chuckle kaya mas lalo akong natakot. May narinig akong ingah na parang metal na nahulog. Nakakangilo na tunog. Napasigaw ako ng may nurse na dumaan sa harap ko.

"Ayoko na! Sumbong ko kayo kay papa, abogado 'yon!" May naririnig akong iyak, tawa, iyak, tawa.

"Ano ba tatawa ka ba o iiyak." Hindi ko mapigilang mapakomento. Ngayon naman ay mag narinig akong tawa galing sa malalim na boses.

"Damn." I heard a curse and a chuckled.

"SANIA!" Tawag ko. May narinig akong paghampas sa pader kaya nilagay ko ang tenga ko 'don.

"Yucci? Yucci ikaw ba 'yan-- Ay potangina isa pa talaga mababaril na kita." Rinig ko.

"Sania? Sania! Ah!" I screamed when someone cover my mouth.

"Hey." Nagulat ako kong sino iyon. Pinaharap niya ako nga kita ko na ang mala adonis niyang mukha.

"Come on. Let's get you out of here." Hinila niya ako, habang palabas ay nakita ko ang nurse na dumaan kanina nakagapos na ito sa hospital bed at mukhang natakot na takot ng nakita si Loki

"You're so pale, damn it." He muttered.

"Anong ginawa mo sa nurse!" Gulat kong sabi. Hindi ito nangsalita, hinila lang ako paalis.

"Ah!" Napasigaw ako ng may humawak ng paa ko. Napayakap ako kay Loki kaya napatigil ito. Hala ang tigas.

"Run." Sabay hila at takbo. Takbo, sigaw, takbo, sigaw. 'yon ang nangyari hanggang makita na namin ang exit. Huminto kami at agad akong mapasalampak sa sahig. Hindi ko alam kung may boses pa ako.

He bend kaya nagpantay ang tingin namin. He wiped my sweat and laughed at me. Looking at with while smiling. He is making fun of me?

"Go." Pipigilan ko sana siya ng umalis ito pero wala na akong lakas. Ang sakit na rin ng lalamunan ko. Nahihirapan akong tumayo at lumabas sa lugar na mas nakakatakot pa kay mommy.

Nakita ko si Sania na hindi mapakali at si Esabella naman na pinapakalma siya. Mabuti naman nakalabas na sila. But where's Angela?

"Narinig ko siya kanina tinawag ako kanina, pota ang zombie kasi papansin eh." Pabalik balik ito sa fountain si Esabella naman ay nahihilo na ang ulo dahil sa kanya kaya umupo na lang siya.

"Andito na ako." Sabay silang napatingin sakin at agad na tumakbo para yakapin ako.

I was shocked for the first time. I felt a warm embrace from someone who called me a friend. What is this the feeling? It feels good and warm...

"Akala namin na pano kana." Nag-aalalang sabi ni Esabella. The girl I have to kill was worried about me.

"Tara kumain na lang kayo. Ilagay natin sa most hated list natin ang haunted house na'to." Pinal ni Sania. Dumating si Angela na may dalawang mga pizza at iba pa. 7pm na pero marami paring tao sa park.

Bumili kami ng tela para ilatag sa lupa. Agad naman namin nilagay ang mga binili ni Angela.

"Alam niyo hindi ko naakala na magiging kaibigan tayo, noon kasi nahihiya akong lumapit sa inyo dahil ang yayaman niyo." Napatigil ako aa sinabi ni Esabella.

"Ang layo ng antas sakin." Patuloy niya.

"Kung alam mo lang." Wala sa sariling sabi ni Sania kaya mabilis ko itong tinignan.

"Huh?" Nalilitong sabi ni Esabella.

"Um ano, kung alam mo lang gusto din namin na kaibiganin ka dahil iba ka sa lahat." May dalawang ibig nasabi ang sinabi niya 'iba ka sa lahat.' Iba talaga siya sa lahat.

THE ONLY EXCEPTIONWhere stories live. Discover now