"Let's go." He carry his dog and pulled his jacket at nagpadala na lang ako.

Hinila niya ako sa lugar kung saan hindi ko alam. Bakit ba ako nagpahila ni first place.

"What do you want?" Tanong niya. Ako naman ay parang bata na nakatingala at naghahanap ng kung ano ang kakainin. Karga parin nito ang aso niya.

I pointed to pancakes, 1 slice of strawberry cake and milk and chocolate. He shook his head. Hindi makapaniwala na tinuturo ko pa ang chocolate na nasa pinakadulo akala siguro niya hindi ko makikita. Mas matalas pa kaya ang mata ko sa agela no.

He order only coffee. Nakakahiya naman sa kanya. Siguro iniisip na niya na ang takaw ko. Siya ang nag bayad dahil siya naman ang anyaya kumain eh. At wala akong dalang pera ngayon. Tinali niya sa ilalim ng table ang tali ng aso.

"Bakit coffee lang ang breakfast mo?" Pagsisimula ko.

He crosses his arm and leans in the chair.

"I don't eat heavy food on breakfast." Simpleng sagot niya.

"Bakit naman, masarap kaya kumain ng kanin sa umaga pero mas masarap pag fried rice." He smirked and nodded.

"Really?" I nodded like a kid.

"Oo. Gusto mo ipagluto kita--" Huli ko na natanto ang sinabi ko.

"Sure." Mabilis niyang sagot. Hilaw akong tumawa kaya natawa ito.

"N-no I mean-" Napatigil ako ng tawagin ang pangalan ni Loki. He smiled at me na parang nanalo ito sa lotto. Wow ang gwapo niya.

Bumalik ito na may dalang tray nilagay niya ang order namin at tahimik lang kaming kumain. Ramdam ko rin ang pasulyap-sulyap nito sakin kaya na naiilang ako pagbubuka ang bunganga ko baka malaki pangit kong tignan. Ayts bahala na nga gutom ako.

"Saan ka nakatira?" Ang tahimik kasi kaya ako na ang nag first move. Sige salo ko na.

"Why?" Ang pangit ka bonding.

"Bakit mo ba sinasagot ang tanong ko ng tanong." Medyo na inis na ako ha, buti na lang may chocolate dito.

"Whatever." Suplado niyang sabi.

Aba! Ang gwapo. Ay pakshet.

"Meron kaba ngayon?" Napaismid ito sa sinabi ko. Pati kape dinamay niya pa, sayang tuloy.

"What the fuck!" Napasinghap ako sa singhal niya.

"What the fuck ka rin." Lintik lang ang walang ganti. I cross my arms and pouted.

Napahilot ito ng sintido sa sinabi ko. Bumubulong din ito ng mga mura

Nagulat ako ng may nilapag na dalawang slice na cake at ice coffee and staff ng coffee shop.

"Libre po 'yan sabi ni Ma'am wag na daw po kayo mag away ng girlfriend niyo sir. Ang cute niyo kasing tignan." Natuwa naman ako sa sinabi ni Ate dahil libre daw, iyon lang ang pumasok sa utak ko. Ngumiti siya sa amin at umalis.

Si Loki naman ay tahimik lang na parang nag loading pa ang utak nito. Mas mabagal pa ata ang utak niya sa traffic ng edsa.

"Next time sama tayo mag breakfast tapos mag acting tayo na nag-aaway para may libre ulit tayong foods." Masaya kong sabi habang kinakain ang cake. I heard him chuckled.

"User." He accused.

"Huy hindi no. Naisip ko lang naman." Depensa ko.

"Whatever."

"Oh di kaya may propose ka sakin para libre ang pagkain natin," Tumawa pa ako na parang kontrabida tapos tinakpan ang bibig. "Ang talino ko talaga no." Hay nako lagot talaga ako nito.

THE ONLY EXCEPTIONWhere stories live. Discover now