"No, I can stay here, Alex. Hanggang makainom ka ng gamot mamayang gabi." Sambit n'ya at lumabas ng kwarto.


Ang tigas ng ulo.


"What do you want for dinner?" He asked when he return, cold pa din.


Kumuha pala s'ya ng bimpo para punasan ang mukha ko at mga siko, para daw bumaba ang temperature ko.



"Kahit ano." I answered in irritated voice, hindi naman niya kailangan pang mag stay dito, hindi ko kailangan ng tulong niya.


"Nainform ka naman na sa ulanan ang scene hindi ba? Bakit tumuloy ka pa kahit may lagnat ka?"He asked, mukhang naiinis habang pinupunasan ako ng bimpo.


"Eh,malay ko ba na lagnat na pala 'yung nararamdaman kong lamig kanina, akala ko dahil lang sa panahon," Pangangatwiran ko, hindi nagpatalo.



"Five years old ka ba?" Sarkastikong tanong n'ya at napairap naman ako.



Nang matapos n'ya akong punasan ng bimpo ay medyo umayos naman ang pakiramdam ko at nag iba-iba kahit papaano.


Noong mag dinner na ay magkasabay kaming kumain dito sa kwarto ko, nagluto s'ya ng adobo. Kahit nawala ang panlasa ko ay nalalasahan ko pa din ito at mukhang masarap.


"Are you feeling well?" Tanong n'ya habang kumakain.


"Mukha ba?" I asked


"In the way you speak, I think you're fine." Sagot n'ya at napairap naman ako.


Hindi na ako umarte at uminom nalang ng gamot dahil gusto ko ng humiwalay sa kumag na 'to. Pagkatapos kumain ay bumaba siya para hugasan ang mga pinagkainan.


"Hindi kapa ba uuwi?"Tanong ko noong makabalik s'ya sa kwarto, eight p.m na, hindi ba siya na-iinform?



"No, why?" He asked, gusto kong matawa.



"Ano ako bata? Hindi mo ako kailangan bantayan!" Pakikipag-argumento ko.



"Shh, keep calm,baka lalo kang lagnatin." Suway n'ya.


"I will wait your Mom and your sibling, para sure ako na magiging okay ka." Sambit n'ya, "Pauwi na ba sila dito?"



Napangiti ako ng mapait at alam n'ya naman siguro ang ibig sabihin noon, napansin din niya iyon.



"A-Ahh, I'm sorry. Umuwi ba sila sa States?" Tanong n'ya.


"Hindi na ako baby," Sagot ko. "I can handle myself, I'm not my mothers baby anymore, I'm not my siblings baby anymore and I'm not my fathers baby anymore. I'm old, Ned. I can handle myself."


Tumango na lang siya at halatang naiilang s'ya sa usapan namin.


"Umuwi kana, wala ka nang dapat hintayin." Sambit ko


"Paano ka?"He asked, mahahalata mo ang pag-aalala sa kanya kahit tago iyon.


"Bukas magaling na ako. Sige na! Look! Kaya na ulit kitang tarayan." Sambit ko before laughed fakely.


"Kaya mo naman talaga akong tarayan kahit hindi ka magaling." Katuwiran n'ya kaya napairap ako.



"Umalis kana nga." Pagtaboy ko sa kanya.


"Okay..Just stay here and don't open your door. Maglalagay na ako dito ng pagkain para kapag nagutom ka ay hindi ka na ay hindi mo na kailangan bumaba." Paalala n'ya.



"Oo na!" Sagot ko.


Noong makaalis si Ned ay pumikit na ako, ngunit noong mga 30 minutes na siya na nakakaalis ay nagulat ako ng bigla siyang bumalik.


"Bakit? May naiwan kaba?" I asked.


"I can't leave you here." Sagot n'ya


"What?" I asked, ano ang pumasok sa utak niya at bumalik pa dito?



"Hindi ako kumportable," Mahinang sagot n'ya. "It's late, just sleep."


Napagpasyahan namin na sa foldable foam na inilatag sa lapag nalang s'ya matulog, antok na din naman ako, kaya pumikit na ako.


But after a while, akala nga siguro n'ya ay tulog na ako pero ang hindi n'ya alam ay gising parin ako at nakapikit lang. Naramdaman ko ang paghaplos n'ya sa noo ko patungo sa buhok ko at umupo pa s'ya sa kama ko.


"You'll always be a part of me, I'm part of you indefinitely. Girl, don't you know you can't escape me Ooh darling, 'cause you'll always be my baby.." He sing using he's soothing voice. "And we'll linger on, time can't erase a feeling this strong..No way, you're never gonna shake me, Ooh darling, 'cause you'll always be my baby."

"You not your parents baby anymore.But, for me..You're always be my baby."Bulong n'ya.

Beyond the CameraWhere stories live. Discover now