"Wala, napaso lang." Sambit n'ya.



Sinabi n'ya na 'di daw n'ya expected na mabilis uminit ang lutuan ko, fifteen seconds palang daw n'ya kasing sinasalang ay mainit na, akala n'ya ay hindi pa mainit kaya hinawakan n'ya ang takip para ilagay ang flavor sa tubig, tsk.


He is so bobo, char.


Pagkatapos kong Kumain ng soup ay pinipilit n'ya akong uminom ng gamot.


"Ayaw ko, ang pait!" Sigaw na tanggi ko.



"No, nalalasahan mo lang 'yan kasi may sakit ka." Pagpupumilit n'ya.


"Please, even a half," Pagpupumilit n'ya,halatang peke yung please n'ya, kailan pa nga naman siya nagmakaawa?


"Okay fine, basta hati tayo." I smirked at him to teased him.


"Game." Nagulat ako sa sagot niya, gosh!

Nagulat ako ng nauna pa siyang uminom ng gamot na kalahati, randam kong pinipigilan lang niyang pumangit ang mukha sa sama ng lasa pero sobrang pait noon!


"Oh see! Wala naman hindi ba." Sambit n'ya


Wala na akong nagawa at ininom na din ang kalahati, ang pait lalo na noong dumampi iyon sa dila ko.


After an hour, nagising ako ng dahil sa tunog ng cellphone ko ng dahil sa dm's.



Napansin ko na nakatulog rin si Ned sa may upuan sa tabi ng kama ko at hapon na.



Jensmith:Hoy! Kita ko 'yon.

Jensmith: Akala ko hindi ka okay pero mukhang okay ka naman.

lexx: What?

Jensmith:Pumunta ako dyan kanina pero mukhang may nauna na sa akin mag alaga sayo, bakit kayo nasa iisang kwarto,huh?

lexx: May nag aalaga bang nasa ibang kwarto  ang binabantayan?

Jensmith: Sige na,dito muna ako sa amin, bye!



Nakakalungkot dahil hindi ko pala makakasama si Jen mamayang gabi. So that mean, ako lang mag isa? Si Sam naman ay  may emergency daw.


Sammae:Ma'am, sorry po. May sakit din po kasi si Mama e, baka hindi ko po muna kayo masamahan..pasensya na po talaga.

Lexx: Okay lang, alagaan mo si Mama.


Parang magulang na din ang turing ko sa magulang ng kung sinong malapit sa akin, kaya kung ano ang tawag nila sa magulang nila ay 'yon na din ang tawag ko.


"Stop it." Agad na inagaw ni Ned ang cellphone ko ng makita niyang ginagamit ko ito.


"Why?" Nanghihina pa din ako pero mataray pa din ako.



"Radiation can raises body temperature at baka lalo pang sumakit ang ulo mo," Sagot ni Lolo Ned.


Umirap ako at binitawan na ng husto ang cellphone na nasa pagitan ng mga kamay namin.



"Ang dami namang alam." Bulong ko



"Umuwi kana nga." Dagdag ko.



"Bakit?" He asked.


"Hindi ba obvious? Malapit ng gumabi." Sambit ko.


Beyond the CameraWhere stories live. Discover now